-- 2

457 19 22
  • Dedicated kay Crisalyn Ballenas
                                    

9 months later..

Neil’s POV

Hi? It’s been a long time when I fall in love with someone. Siguro nung nakilala ko si Alyza, tumibok na naman yung puso ko. Why? Because her smile, pero bakit ganun? I feel regret?

Nagsisisi ako kasi bakit ko pa narinig na nag-uusap sila sa Hallway ng building namin.

Nagsisisi ako bakit hindi ko nahalata yun?

Nagsisisi ako na nagging manhid ako sa isang babaeng, hindi ko mapansin-pansin

Nagsisisi ako kasi hindi naman pala ako ang mahal nya?

 

At

Nagsisisi ako dahil nadala ako sa mga pang-aasar nila.

//

1st year-2nd Sem. Dun ko pa lang nalaman na may nagkakagusto sa akin. Yung babaeng hindi ko pa nakakausap in person. Ewan ko ba kung anong meron siya bakit hindi ko sya makausap? Natatameme ako, hindi ko rin naman alam bakit ganun ren sya sa akin? Pero pag chat, todo-todo kwento naman kami. Bakit ganun?!!

Siguro, nagkakahiyaan kami. Parehas naman kami ng ugali ayon sa source ko. Yeah! Source ko yung bestfriend nyang si Alexa friend ko rin as in CLOSE FRIEND. Yung babae ngang yun ang nagkekwento na gusto ako ni Eimee, kung ano nagustuhan sa akin at kung ano pinag-uusapan namin sa chat. -______-

Medyo wala ng privacy noh? Magaling source ko eh! Pero kahit ganun ewan ko bakit hindi ako nainlove totally sa kanya! Aaminin ko gusto ko si Eimee, pero wala eh para syang natabunan ni Alyza? (Watta word -_-) Hindi ko alam isang araw nadala na ako sa mga pang-aasar! Konti na lang eh.. Malapit na. 

//

Nang malaman ko na hindi naman talaga ako ang mahal ni Alyza, hindi ko alam kung ano nangyari sa akin nagging mainitin na ulo ko, parang galit agad sa mga tao.. Masisisi nyo ba ako? Niloko nya ako eh!  Oo! Napagtanto ko na, na hindi ko talaga sya mahal ni gusto nga hindi eh! Nasanay lang siguro ako sa mga pang-aasar hindi ko lang sya kayang hiwalayan kasi naaawa ako sa kanya. Ayoko rin maging kawawa sa tingin ni Ralph.

Si Ralph? Yan ang totoong gusto ni Alyza, at hindi pa nila alam na narinig ko ang pinag-uusapan nila. Alam ko hindi okay yun kay Ralph dahil simula’t sapul naman iba ang gusto non, ang friend ko na si Alexa kaya nga parang nalungkot itong source ko dahil nga sa nangyari sa akin. At nalulungkot rin sya dahil baka si Alyza ang gusto ni Ralph at hindi sya. (Hindi ko naman sinabi sa kanya ang buong kwento, akala nya baka may gusto rin si Ralph dun pero hindi naman yan ang totoo eh!)

FLASHBACK..

Naglalakad ako papunta sa room namin Ay hindi pala, tumatakbo ako dahil malalate na ako pero parang may narinig akong familiar na boses dun malapit sa hallway. (Bali yung hallway naming kasi may parang maliit na eskinita na dadaanan papunta sa kabilang building! Iimagine nyo na lang. -_-)

Ayyiee.. (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon