Dear Internet Bestfriend,Hi bespren, alam mo bang nanaginip ako na nagkita na raw tayo. Niyakap pa nga kita ng mahigpit kahit ang layo mo. Hanggang sa masilayan ko iyang maganda mong mukha. Nagjoke ka pa nga 'e, pero imbis na matawa, umiyak pa kamo tayo.
Umiyak ako sa braso mo, habang yakap yakap kita. Sabi ko, "sorry" tas tinanong mo ako kung bakit. Tas sinagot kitang, "basa na braso mo" at tumawa tayo.
Nagbonding pa nga tayo 'e. Sumakay sa rides, pinagtripan pa nga natin lahat ng nakikita natin sa paligid. Ang saya nga 'e. Tas nagising ako, paggising ko, nakahiga ako sa kama ko habang hawak hawak ko iyong cellphone kong touchscreen.
Then boom, panaginip lang pala. Sabi ko sayo, "Good Morning" at sinabi mo rin iyon pabalik.
Naalala mo iyong mga sinabi mo sa akin nung una nating pagkakilala? Sabi mo sa akin hindi ka nakikipag usap sa stranger and you hates stranger. Ever since, wala pa naman akong bespren na nakikilala ko lang sa facebook.
Hindi ko nga rin alam na friend na pala kita without add, o kumpirma ng request. Duh. Stranger ako? Wala akong mabulong sa sarili ko, basta hindi naman natin feel ang isa't-isa noon.
Hanggang sa nadala lang ng boredom, lagi na kitang dinadaldal tas hindi ko aakalain na may problema ka pala.
Ikaw naman itong si madaldal din pala. Nakakaloka iyong mga pinagsasabi mo, parang mamaya 'e iiyak na rin ako.
Nagdrama ka ba naman sakin 'e. "Herries sorry uh, ang drama 'e hahaha" tumawa ka pa, 'e halata naman sa pagtatype mo ang lungkot.
Nagbukas ka sakin ng mga naiisip mo, mula sa bad hanggang good. Nagbukas na rin ako sayo, wala naman kasing thrill kung ikaw lang ang magkekwento.
Nasakay na rin ako sa mga sinasabi mo, minsan pa nga naluluha ako. Ikaw itong taga kwento, ako itong taga advice mo. Iyak ka pa nga ng iyak sabi mo, with so many crying emojis. Nakakatuwa lang kasi sabi mo thankyou.
Nakaabot ng one month, edi close na nga tayo. Kapag bored ako, ikaw lang chinachat ko. Kapag naman gusto mo ng maiiyakan, ako naman ang pinipiem mo.
Hoy, naalala mo pa? Lakas pa nga ng tawa mo nung nagjoke ako. Sabi mo ang korne ko pero natawa ka, sinong niloko mo?
Tas nagsend ka ng pic ng crush mo, tawa ako ng tawa kasi hindi pasado sa akin iyong mukha niya. Nagkunwari kang nagtatampo kaya binawi ko.
"Oo pogi na." iyon lang iyong sinagot ko pero natawa ka naman. Tinanong mo pa nga ako kung ano ba sasabihin mo sa kaniya, para umamin ka. Taeng tae ako sa mga pinagsasabi mo. Hindi ko nga kasi type. Pero dahil sinabi mong gwapo, binigyan kita ng tips.
Hanggang sa dumating na naging kayo, edi happy moments tayo, kasi ikaw puro ka lang tawa at emoji na masaya. Nalaman ko rin mga secrets mo, dahil sabi mo pinagkakatiwalaan mo ako.
Hanggang sa isang araw, nagkasagutan tayo. Paano ba naman, natapakan ko ata ang ego mo, dahil nirealtalk kita.
Nirealtalk kita nung nagbreak na kayo ng jowa mong hilaw. Iniiyakan mo ako pero sinasaway naman kita. Hanggang sa marealize mo na ako na lang ang makakaintindi sayo. Ang ironic diba? Parang pinagtatabuyan mo lang ako pero dahil mas mahalaga ang friendship, binaba ko na lang itong pride ko.
Happy na naman nung nagbati tayo. Todo drama ka naman kasi nga break na kayo, ako itong nagsabi ng, "Walang Forever" pero tinawanan mo lang ako.
Natawa na lang din ako kasi at least masaya ka na. Nagtanungan tayo ng address, ang layo naman kasi ng iyo pero gusto na kitang makita.
Sinabi mo pa minsan na may nakaaway ka, ako naman si handa na, at naghanda ng pangkasa sa mga ulupong na nang-away sayo.
Ayun may nakaaway ako dahil nga sinabi mo.
BINABASA MO ANG
Dear Internet Bestfriend
Short StoryKaibigan sa social media? Kaibigan sa facebook? Ito ang mensahe ni Herries sa kaniyang mumunting kaibigan na natagpuan niya lang sa cyber world. Dear Internet Bestfriend, © 2016 by ovilious