Wattpad Original
Mayroong 17 pang mga libreng parte

Chapter 9: Cure Potion Research

253K 8.8K 704
                                    

PAGBALIK ko sa dorm ay excited kong ibinalita kay Bea na natanggap ako sa White Soldiers Family. Naging usap-usapan sa Altheria ang pagpasa namin ni Red sa White Soldiers Family dahil ito raw ang unang beses na tumanggap ng freshmen ang White Soldiers. Sikat ang White Soldiers dahil nasa kanila ang magagaling na alchemists sa buong Altheria.

"Bea! Nakapasok ako sa White Soldiers!" pagbabalita ko sa kanya pagkapasok ko pa lang sa room namin. Walang kalagyan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Para akong nakapasa sa isang napakahirap na exam.

"I am about to tell you the same thing." Ipinakita niya sa akin ang papel na tungkol sa White Soldier. Napayakap kami sa isa't isa at nagtatalon. "Alam mo ba, apat na freshmen ang tinanggap ng White Soldier ngayon. Ang imposible ng nangyari kasi ngayon lang daw tumanggap ng freshmen ang White Soldiers."

"Basta maging masaya lang tayo kasi nagawa nating makapasok doon. Panigurado naman na tinulungan tayo ni Kuya Carlo eh," masaya kong sabi sa kanya. "By the way, bakit ka nga pala wala kanina? Hindi mo tuloy alam yung mga sinabi sa amin ni Miss Melanie."

"Nagkaroon kasi kami ng meeting about sa gaganaping event this month. Bawal ko pa kasi sabihin yung details kasi puwede pang mabago pero maraming magagandang mangyayari, Jasmin!" Humahagikhik na sabi sa akin ni Bea. "Ano ba ang tinuro sa inyo ngayon ni Miss Melanie?"

"About sa mga cure potions and effects nito."

"Alam mo, Jasmin, parang ang advance ng klase natin kaysa sa ibang section. Nakausap ko 'yong taga-ibang section. Ang sabi nila, ngayon pa lang sila gagawa ng healing potion then hindi naman sila pinatatakbo sa quadrangle ng sampung ikot," sabi ni Bea.

"Pabayaan mo na. Baka sa 'tin lang talaga napunta 'yong mga terror, strict, pero magagaling magturo na mga teachers," pagmamayabang ko at nagkibit-balikat na lamang siya bilang pagsang-ayon. "Uy! Tayo-tayo ulit nina Red ang magkakagrupo ah," sabi ko sa kanya.

"Sige, para maka-A ulit tayo," natatawa niyang sagot.

Maaga muling natulog si Bea dahil napagod daw siya sa meeting nila kanina samantalang ako ay napatitig muna sa labas at pinagmasdan ang mga bituin. Mas makikinang at mas makikita mo maigi ang mga bituin sa Altheria Academy kaysa sa normal na mundo. Mula sa mga tao hanggang sa mga bagay na nakapaligid ay punong-puno ng mahika.

Napadako muli ang tingin ko ro'n sa may puno malapit sa room naming. Nakita ko na naman muli ang uwak. Nakatitig ito sa akin. "Binabantayan mo ba ako?" pagtatanong ko kahit hindi niya ako naririnig.

Biglang lumipad palayo ang uwak noong napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Sa pagkakataong ito ay naramdaman ko na may pagka-weird yung uwak na 'yon. Natulog na lamang ako para palipasin ang araw na ito.

Pagkagising ko ay agad ibinalita sa akin ni Bea na wala raw kaming klase ngayon buong araw dahil may meeting daw ang lahat ng teachers at pinag-uusapan ang event na mangyayari this month. Isang magandang balita iyon para sa akin dahil hanggang ngayon ay medyo masakit pa rin ang katawan ko sa pagpapatakbo sa amin ni Sir Ernie.

"Talaga walang klase? Matutulog na lang ulit ako." Muli ko na sanang itatalukbong ang kumot ko sa akin nang biglang hilahin muli ito ni Bea. "Ba't ba?"

"May naghihintay sa 'yo sa labas ng dorm," wika niya.

Napakamot ako ng ulo. "Sino naman 'yan?"

Hinila na ako ni Bea patayo. Pinagkatulakan niya ako palabas ng room at sinara niya no'ng makalabas na ako. Argh! Sino ba 'tong istorbo na 'to? As far as I know ay wala naman dapat naghahanap sa akin ngayong araw. Hindi naman ako busy na tao.

Pagkalabas ko ay napatingin agad ako sa mukha ng tao na nakasandal sa dingding ng room namin. He's just wearing a plain black V-neck shirt at medyo fitted jeans. "Anong ginagawa mo rito?" bulalas ko kay Red.

Napalingon siya sa akin nang mapansin niya ang presensya ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Na-conscious naman ako sa hitsura ko dahil sa ginawa niya. I'm wearing a pink pajama and red shirt na may design na Snow White. Hndi pa rin ako nakakapag-ayos ng sarili ko dahil agad akong hinatak ni Bea palabas.

"We will do our research tungkol sa cure potion. Hindi mo ba ako narinig kahapon? Masyado ka kasing na-overwhelmed sa pagkapasok mo sa White Soldiers kaya hindi mo na inintindi ang sinabi ko sa 'yo. Tsk." He scanned me again for the second time. "Anong akala mo, cute ka d'yan sa suot mo? Magbihis ka na. Isama mo 'yong bestfriend mo."

Napairap na lang ako as a sign of forfeiting then nagmartsa papasok muli ng room namin. "Hindi mo naman sinabi na si Red ang pupunta rito!" sabi ko kay Bea na ikinatawa niya na lang.

"Bakit? Na-conscious ka ba bigla sa hitsura mo? Si Red lang 'yan, kaklase natin. Puwera na lang kung..." Nagkaroon ng malaking ngisi sa mukha ni Bea.

Bigla akong kinilabutan sa ini-imagine niya. "Tigil-tigilan mo ko sa ganyan, Bea. Mandiri ka nga. Magbihis na raw tayo dahil magre-research tayo about sa cure potion."

"Kayo lang dalawa ang magre-research. Pinapatawag kami dahil may urgent meeting lahat ng class president. Bye."

Napabuntonghininga na lang ako dahil hindi makakasama si Bea. Ini-imagine ko pa lang 'yong ideya na maiiwan ako kasama si Red, grabe! Paniguradong puro bangayan lamang ang mangyayari sa aming dalawa.

Ilang minuto rin ang itinagal ng aking pagbibihis at naglakad na kaming dalawa patungo sa school library. Pagkarating namin sa library, I decided na basagin ang katahimikan sa aming dalawa. "Thank you nga pala sa pagliligtas mo sa akin kahapon ah."

He just stared at me at itinuro ang sign na nasa gilid.

"Keep the silence inside the library."

Napa-ismid na lamang ako. Wala talagang kabait-bait. Ilang beses na kaming nagkakasama pero arogante pa rin siya tulad no'ng unang beses kaming magkausap.

"I didn't do it para sa 'yo. Ginawa ko 'yon para sa klase dahil baka mapatakbo kami ng ilan pang laps kapag pinabayaan lang kitang nakaupo at iika-ika ro'n," he said without paying attention to me. Nakapokus lang siya sa librong binabasa niya at nagsusulat siya sa maliit niyang notebook.

Napatahimik na lang ako at kunwaring nagbabasa ng libro pero wala rin naman akong naiintindihan.

Inilapit sa akin ni Red ang upuan niya. "Oh bakit ka lumalapit?" Crush yata ako ng lalaking 'to. Galawang breezy 'to ah!

"Bawal ang maingay so magbubulungan lang tayo ng pag-uusap. Bakit may ini-imagine ka ba?" Okay. Medyo assumerang froglet ako kanina. "Don't worry, hindi ako pumapatol sa stupid and clumsy."

"So here's the ingredients of a cure potion. Kunwari ka pang nagbasa pero wala ka ring naitulong. Nectar, black powder, flour, snake venom."

Napaismid ako at napairap sa kanya. "Oh, lahat ng ingredients na 'yan makikita lang dito sa loob ng Altheria then puwede naman tayong manghingi ng snake venom doon sa clinic. Keri na 'yan."

"Pero kung dito lang tayo kukuha sa school ng mga gagamitin, it might be na makakuha tayo ng 'B' o 'C' na grade. I want to aim for 'A'," wika niya sa akin. Grade conscious din pala 'tong isang 'to kagaya ko.

Saglit akong nag-isip at nasimulan ko nang malaman ang gusto niyang iparating. "Huwag mong sabihin na lalabas ulit tayo ng school?"

"We will."

"Ayoko nga!" Napalakas yata ang pagkakasabi ko at sabay-sabay nag-'Shhh' yung ibang estudyante. "Sorry."

"Ayoko nga! Nakalimutan mo na ba? Muntik nang may mangyaring masama sa atin noong last time na lumabas tayo," sabi ko sa kanya.

"It will never happen again.'Tsaka 'di ba, gusto mong makapasok sa Marsham Top 10 Alchemists?" Napalagok ako ng aking laway dahil alam na alam niya ang mga bagay na magtutulak sa akin na pumayag sa kanyang gusto.

"Paano naman tayo makalalabas?"

"Nakalimutan mo na ba? Miyembro na tayo ng White Soldiers Family. Hihingi tayo ng tulong kay Carlo." Napabuntonghininga na lang ako as a sign of forfeit. Hindi ko naman alam na ganoon ka-eager si Red na makakuha ng "A".

Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon