A/n: PRENGS, sorry kung rush 'yung update ko nung last update. Sa kagustuhan ko kasing makapag update ka agad para hindi na matagalan ang pag hihintay niyo ay panget ang kinalabasan ng last chapter. Sorry talaga :( Hayaan niyo sana akong makabawi sa chapter na ito :)
Chapter Thirty Six
Taehyung
--
"Bro, may tubig ka ba d'yan?" Agad kong inabot kay Vernon ang bottled water na nakalagay sa bag ko. Kanina pa kaming tatlo nila Jace at Vernon, nakababad sa araw. Wala kasi kaming masakyan na taxi o kahit na anong sasakyan. Bumaling ang tingin ko kay Jace na nakaupo sa gilid habang nakatakip sa ulo niya ang bag niya. Lumapit ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba d'yan. Pasensiya na kung pinilit pa kitang sumama kanina. Gustong gusto ka kasing makita ni Aren eh." Saglit siyang tumingin sa akin at tipid na ngumiti.
"Ayos lang, ipagkakait ko pa ba 'yung gusto niya? Kailangan niya ako eh." Sagot niya. Nilabas ko ang isang notebook sa bag ko saka ko siya sinimulang paypayan para hindi siya mas lalong mainitan. Maya-maya pa ay nilayo niya sa kanya 'yung notebook.
"Ayos lang ako." Aniya pero hindi ko siya pinakinggan, ayos lang daw eh init na init na nga siya, ayos lang ba 'yon?
"Ang arte mo, pinapaypayan na nga kita eh." Tumingin siya sa akin saka niya ako nirolyohan ng mata. "Ayos nga lang kasi ako." Pilit niya. Umiling ako, bahala siya ipilit niya gusto niya basta ako gagawin ko ang gusto ko. Pinaypayan ko pa rin siya.
Kumunot ang noo ni Jace saka niya ako sinimulan itulak. "Ang kulit mo rin eh 'no? Sabing ayos nga lang ako hindi ba? Gusto mo yatang masipa." Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako kapag naiinis siya.
"Oy lovebirds tara na!" Kapwa kami napatingin kay Vernon nang tawagin niya kami, may nakuha na pala siyang taxi.
"Anong lovebirds? Hindi kami ibon 'no! Saka walang love sa amin!" Sigaw pabalik ni Jace kay Vernon. Tumayo na kami ni Jace saka naglakad palapit sa taxi na kanina pa pala naghihintay sa amin. Nang makasakay kami ay agad na inambaan ni Jace si Vernon ng suntok.
"Kainis ka rin eh 'no? Hindi naman tayo close pero kung makapang asar ka akala mo sobrang close natin ah?" inis na sambit ni Jace kay Vernon.
"Paanong hindi ko kayo aasarin? Eh ang sweet niyo kanina." Natatawang sagot niya, ako naman na biglang naalala ka agad si Aren ay tinapik ko ang balikat niya.
"Bro may girlfriend na ako." Sabi ko. Bigla naman siyang sinapak ni Jace sa balikat.
"Oh ayan kita mo na!? May girlfriend nga kasi 'yung tao tapos tutuksuhin mo kaming dalawa?! Anong gusto mo away o gulo?"
Para talagang nakalunok ng megaphone si Jace kung magsalita, ang sakit sa tenga. Buti na lang natiis ko siya noon.
"Ma'am, sir baka po kayo ang magkatuluyan niyan." Biro nung driver. Natahimik ako pati din sila sa likod, maya-maya pa ay hindi ko na napigilan pang humagalpak sa tawa.
Paano iisipin ko pa lang na sila ang magkakatuluyan natatawa na ako.
"Manong hindi po! Kadiri kaya siya saka hindi ako pumapatol sa hilaw!" Nandidiring sambit ni Jace habang kunot noong tinitingnan si Vernon.
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016