LIZZY
Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ko. Si Kuya siguro. Ang haba pala ng tulog ko. It's already 6 in the morning, eh afternoon ako natulog.
Binuksan ko ang pinto at bumungad nga sakin si kuya.
"Morning... Let's eat some breakfast. Sabayan moko si mom tulog, pati na rin si Arianity.
Ako pa talaga? Anyway, kailangan kong bumawi sakanila dahil hindi ko sila kinakausap at pinapansin. Kailangan ko na ring tumulong dahil baka magalit si daddy sakin.
"Okay, kuya. Mag-aayos lang"
Tumango siya kaya agad na akong pumasok sa bathroom. Nag-hilamos ako ng warm water at nag-tooth brush lang. Pinusod ko lang ang buhok ko pero hindi na nagsuklay. Agad na akong bumabas at dumiretso sa dining room. Naka-upo na si kuya sa left side ng table kaya naman umupo ako sa harap niya.
"Let's eat kuya?" Ngumiti ako.
"Sure.." Nginitian niya rin ako nb pilit.
This is just so sad. Dad's gone.
Kumuha ako ng bread at agad ko itong kinain. Kumuha rin ako ng scrambled egg.
"Pupunta nga pala ang mga taga AZIS dito mamaya. For sure maraming tao mamaya." Sabi ni kuya pagkatapos uminom ng coffee.
"Ahh.. Talaga... Tutulong na ako mamaya." Sagot ko naman.
"Uh-huh, that's good."
Ngumiti ako pero hindi na sumagot kaya naman nagsalita siya ulit.
"Do you like Jayzen Orizal, Liz?" Tanong niya na nagpalaki sa mata ko.
"Why?"
"I want to know."
"No" maikling sagot ko.
"Tss. Deny pa, Lizzy." Ngumisi siya.
"Ewan sayo, kuya! Ate likes him and I the feeling's mutual" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ko.
Huhuhu! Nakakaselos kaya.
"I'm not asking about Arian, Liz. And besides I don't think Jayz likes her" ngumiti siya.
"Why? Tss."
"Because they can't like e-- nevermind. Stop thinking about it." Ngumisi nanaman siya.
"Tuloy mo na!!! Pabitin pa to tss." Sinimangutan ko siya.
"Wala nakalimutan ko na"
Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa kwarto ko at humiga ulit. Mamaya pa ako bababa kapag marami ng tao. Siguro mga hapon na. Wala naman akong ginawa kung hindi makinig ng music. May hinahanap akong kanta eh. Ano ba kasi yon?
Mabilis na natapos ang lunch at ngayon ay gumagabi na. Kaya naman naligo na ako at pagkatapos ay nag-suot lang ako maong na pedal at plain na black blouse. Hinayaan ko munang matuyo ang basa kong buhok at pagkatapos ay pinusod ko ulit ito, katulad ng kanina.
BINABASA MO ANG
Musically In Love (COMPLETED)
Teen FictionLIZZY ALIZUMA. Pangit. Super Hirap. Tahimik. Maitim. Mangmang. Walang talent. MATAPANG "DAW"! Yan ang mga katangiang wala sa kanya, kaya huwag na ninyong hanapin dahil mapapagod lang kayo. Mahina man siya sa pag-ibig sa inyong paningin, sa mga des...