************
Pumasok ang matanda sa kwarto ng dalaga para sana pakiusapan na samahan nalang ang mga bata dahil kaawa-awa ang mga ito.
Kanina lang nag-uumapaw at dinig na dinig sa buong masyon ang kanilang iyak na ani mo'y wala ng bukas.
Ngunit pagpasok nya sa kwarto ay wala syang nadatnan. Maayos ang kama at walang bakas na hinigaan ito buong magdamag. Ganyan ang kanyang alaga maayos at malinis sa kanyang kwarto at halos hindi na nga sya nakakapaglinis dito dahil tanging ang alaga na ang syang nag-aasikaso nito.
Tanging lagaslas ng tubig mula sa banyo ang kanyang narinig. Naghintay sya ng mahigit tatlompung minuto bago lumabas ang dalaga.
"oh! Yaya Sally andito po kayo, bakit po? "
"eh, *kamot sa batok* kasi anak.. Ahhm.. Ang mga.. Ahhmm.. Mga bata kasi nakakaawa. Pakiusap naman oh"
"Hay naku yaya! Hilingin nyo lang kahit ano wag lang po yon! Ayoko sa kanila. Ang kukulit at pasaway! Nakakairita. Hindi ko nga alam kung bakit hindi yan hinahanap ng ng tatay nila. Sabagay mukhang wala namang kwenta ata yon. Pinabayaan na nga nya minsan na mawala sa mall dito pa kaya." maktol ng dalaga.
"Anak naman.. Maawa ka.. Eh mukhang wala na silang ina eh. Nakikita kong sabik na sabik sila sa kalinga ng ina at yon ang kailangan nila kasi tignan mo ang babata pa nila tapos ang cu-cute pa.. Iiihhh! Ang sarap kurutin."
"Ah basta ayoko ko. Pagod po ako at saka wala akong obligasyon sa kanila at wala akong pakialam kung wala silang nanay. Never ever over my dead hot gorgeous sexy body na magpaka mommy sa kanila no. I'm 100% certified virgin tapos gagawing ina? Eeeewww!!! "
"Ayan kana naman. Diba ikaw nga gustong gusto mo na makasama ang mommy at daddy mo? Katulad nila gustong gusto rin nila at sana pagbigyan mo naman sila, anak"
"Sabing ayoko eh!!! Bakit ba pilit ka ng pilit!? Wag na wag mo kong ikumpara sa mga bata na yon! At kung pwede umalis na po kayo! Alis!"."
Walang nagawa ang matanda kundi ang umalis na lamang. Hindi na sya nagulat sa reaksyon ng dalaga dahil hindi lamang isang beses nangyari ang ganitong senaryo kundi napakarami na. Basta kasi napag-uusapan ang mga magulang nito bigla nalamang syang mag-aalburuto.
Naiitindihan nya ito dahil simula bata pa si Xia kulang na sya sa atensyon ng kanyang mga magulang at wala syang magagawa dito. Wala naman syang karapatang makialam kung kayat sya na lamang ang pumupuno ng pagkukulang ng mga ito sa kanilang anak.
Nabuti pa nga ang mga hindi pinalad upang maging maginhawa ang pamumuhay kahit magdildil lang ng asin ok lang subalit maginhawa naman at busog sa pagmamahal ang kanilang mga anak. Sa atensyon at oras lahat laan para dito. Samantalang ang mga mayayaman halos hindi na kilala ng mga anak dahil sa sobrang busy sa trabaho. Sabagay para naman ito sa kinabukasan ng kani-kanilang mga anak subalit hindi ito sapat na rason para masabing walang oras na maaaring ilaan para sa kanilang mga anak. Laglagang balikatna bumaba ang matanda.
*****************
Nakonsensya naman ang dalaga dahil sa nangyari. Hindi nya gustong masigawan ang kanyang yaya sally dahil mas naging ina pa ito kaysa sa sarili nyang ina. Hindi nya napigilang ang sarili dahil nga sa nabanggit na naman ang mga magulang. Nagiging leon sya pag magulang ang napag-uusapan.
Mamaya nalang siguro ako hihingi ng paumanhin kay yaya. Sigurado akong nasaktan ko sya.
Pagkatapos magbihis ay bumaba na ang dalaga at wala narin ang mga bata.
"andyan kana pala nak. Umalis na mga bata. Sinundo ng daddy nila. Nagtanong nga yon kung bakit umiyak ang mga anak nya at ayon todo sumbong ang tatlo. Gutom ka na ba? Tanghali narin"
"Busog pa po ako ya. Sorry po pala kanina *yakap sa matanda* kung nasigawan ko po kayo"
"Ano ka ba. Wala yon. Total kasalanan ko rin naman at kinulit kita. Pero kung magbago man ang isip mo sana"
"Yaya naman eh! "
"Hahaha. Biro lang nak. Teka lang bihis na bihis ka ata. Saan ang lakad?"
"Opo aalis muna ako. Pupunta po ako kila Sharlene. Nagtatampo na siguro yon kasi hindi ko na sya nabibisita."
"kung ganon di sige. Mag-ingat ka huh"
"opo! *kiss sa matanda *
*****************
"Daddy where are we going? "
"Why don't sama si mommy?"
"Is it mommy will come with us?"
"No kids. We will go home"
"Nooooooooooooo!!!!! "
"Uwaaaaahhhhh!!!! "
"I want mommy!! "
"Please daddyyyyy!! "
"I don't want to go home with out our mommy!! "
"Yes daddy we will behave na if mommy will be with us!"
"Yes daddy! Please!"
"please, please please!"
" Ok! Quite! I will send you home so that i can talk to someone who could help to be with your mom. Is that ok?!?
"Really dad!?"
"YES!!! " they shout in unison.
BIG smiles 😃 plastered on their faces.
-------------------
Sorry for lame update.
BINABASA MO ANG
The Spoiled Brat became a Mommy!!??
RandomPano kung sa isang iglap ay kulitin ka nalang upang maging isang mommy ng hindi lang isa o dalawa kundi tatlo? Oo tatlo na hindi ordinaryong mga bata. They are not ordinary pagdating sa kulitan. Kakayanin mo ba o hindi. Deal or no deal?????