#Fear 16: Love?
✙ Xenzel's POV ✙
Umupo muna ako sa isa sa mga bench sa Seriun Plaza. Maya-maya ay tatanggalin na din ang mga barricade tape na nakapalibot sa buong Creativity and Science building.
Male-late daw sina Nem at Celine kaya loner muna ako ngayon.
"Good morning." Isang pamilyar na boses ang narinig ko at naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
Walang pagdadalawang-isip akong sumagot.
"Good morning, Nate." Nakangiti ko siyang nilingon.
"Ayan. Very good morning." Ngumiti din siya at may kakaiba sa ngiting iyon. Hindi ko lang matukoy kung ano.
"Ha?"
"Your smile makes my day."
"Nambobola ka na naman." Marahan kong hinampas ang kanang braso niya at sabay kaming natawa.
"Hindi nga. Totoo nga." He insisted and pinched my left cheek. "Kaya ngiti lang lagi."
"Grabe 'to, inutusan pa'ko." Ngumuso ako sabay ngiti ulit. "Joke. Okay po, Sir Nate."
"Haha, ang cute talaga." Hinilamos pa niya yung palad niya sa mukha ko.
Loko talaga itong gwapong 'to.
"Xen... I wanna confess something." Biglang sumeryoso si Nate.
Hindi ko alam kung ano yung nasabi niyang mali pero...parang kinabahan ako...
"A-Ano naman yun?" Utal kong tanong at hindi ako makatitig sa kanya. Napahawak ako nang mahigpit sa dulo ng skirt ko at napayuko na lang ako habang hinihintay yung sagot niya...
Narinig kong bumuntong-hininga siya... Kumukuha yata ng buwelo...
Mas kinabahan pa tuloy ako. Hindi naman sa feeler ako...pero may kutob akong—
"Gusto kita, Xen."
OH SHET.
WAAAAHHH! SHET TALAGA!
"A-Ah? Ha? B-Bakit—ay—ano?" PUTEK NATATARANTA AKO, NATE ENDORE!
Pero taliwas sa karaniwan ay nilingon niya'ko nang may isang nakakatunaw na titig. Hindi yung suyang titig pero yung...UGH BASTA! NAKAKATUNAW!
"Gusto kita." He smiled lopsidedly and looked down. Awkward yata para sa kanyang tumingin sa'kin habang nagco-confess. "Nung una kitang nakita, akala ko likas na magaan lang talaga yung loob ko sa'yo. Pero noong ilang beses na tayong nagkausap at nagkasama, narealize kong...gusto na pala kita."
Shet. Ang puso ko...
Bakit ganito?
Hindi pwede 'to.
HINDI PWEDE!
"Alam kong masyadong mabilis pero...ano pa ba magagawa ko? Naramdaman ko na lang eh. Hindi ko naman pwedeng utusan yung sarili ko na 'wag kang magustuhan." Pagpapatuloy niya.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...