Forgiveness is the final form of love.

85 3 2
                                    

(A/N: Hayow guys! Hahaha wala lang, bigla lang ako nagkaroon ng idea about forgiveness. Hahaha huwrayt!)

~
~

PAGPAPATAWAD?

Napakahirap gawin niyan.

Lalo na't sobra kang nasaktan.

Yung sakit na hindi mo alam kung kailan maghihilom o maaaring tuluyan na ngang hindi na maghilom.

At yung mas nakakawasak ng puso?

Ay yung taong sobrang mahal at mahalaga sa buhay mo ang siyang nakapanakit sayo.

Siya yung dahilan kung bakit hindi mawala ang galit at hinanakit diyan sa puso mo,

Kung bakit may bigat kang dinadala ngayon,

Kung bakit pakiramdam mo ay kulang yung pagkatao mo,

Kung bakit marami kang problema na pinagdadaanan ngayon,

Kung bakit nagpapanggap ka na okay ka lang pero sa loob mo ay sobrang sakit na,

Kung bakit hindi mo malaman kung totoo ba yung mga ngiti na kadalasang nakikita ng iba sa labi mo,

Kung bakit tuwing gabi ay palaging may luhang pumapatak diyan sa mga mata mo,

Kung bakit tuwing naaalala mo siya ay halo-halong emosyon ang nararamdaman mo,

Kung bakit hindi mo makuhang maging masaya, yung totoong maging masaya yung buhay mo,

At higit sa lahat,

Siya yung dahilan kung bakit nahihirapang magpatawad 'yang puso mo.

Naiinis ka. Naaasar ka. Naiirita ka. Nauurat ka. Nabubwisit ka. At nagagalit ka sa tuwing maaalala mo yung ginawa niya sayo.

Pero ang tanong,

MASAYA KA BA SA GINAGAWA MO?

Mapapatanong ka na lang kay Bossing kung bakit nangyayari sayo lahat ng ito.

At kung bakit sayo pa nangyari ito.

Marahil, maraming tanong na gumugulo diyan sa isipan mo at lalong-lalo na sa puso mo.

Mga tanong na hindi mo alam kung kailan at saan mo mahahanap ang mga kasagutan.

Kailanman ay hindi magkakaroon ng kapayapaan diyan sa puso mo hangga't hindi mo magawang patawarin yung taong nagkasala at nanakit sayo.

Dahil ang tunay na kapayapaan ay ang siyang kapatawaran.

Sa huli, ikaw lang din ang siya paring mahihirapan at patuloy na masasaktan.

Mahirap magpatawad pero mas mahirap ang makalimot.

Mahirap kalimutan yung bagay na ginawa niya sayo.

Pero paano kung may dahilan siya kung bakit niya nagawa sayo yun?

Paano kung hindi naman niya talaga sinasadya na masaktan ka niya?

Paano kung nagsisisi na siya ngayon?

Paano kung hinihingi na niya ang kapatawaran mo?

Napakahirap. Nakamiserable sa pakiramdam dahil hindi mo alam kung ano ang magiging desisyon mo.

Matatag siya.

Matatag siya kung alam niya kung paano humingi ng tawad.

At mas magiging matatag ka kung alam mo rin kung paano magpatawad.

Mas magiging matatag ka kung mauunawaan mo na lahat ng tao ay nakakagawa ng pagkakamali.

Dahil walang perpektong tao dito sa mundo.

Lahat tayo ay nagkakamali.

IKAW ay nagkakamali.

Pero sa bawat pagkakamali mo ay may natututunan ka.

Hindi problema ang pinagdadaanan mo ngayon kundi isa itong pagsubok,

Pagsubok na sayo ibinigay ni Bossing dahil alam Niyang kaya mo ito at matatag kang tao.

Mas magiging matatag ka kapag nalampasan mo ito.

Mas magiging matatag ka kapag kumapit at naniwala ka kay Bossing dahil Siya, kailanman ay hindi ka Niya pababayaan.

Nagkamali lang yung taong nakapanakit sayo.

At kung habang buhay ay hindi mo kayang magpatawad,

Siguro, wala ka ring karapatang magkamali.

Mas maging maunawain ka.

Nasaktan ka man niya noon pero sana mahanap mo ang pagpapatawad diyan sa puso mo ngayon.

Huwag mong hintayin na dumating yung araw na handa mo na nga siyang patawarin pero.

Huli na,

Wala na siya sa piling mo.

Dahil mahaba man ang panahon pero limitado lang ang pagkakataon.

Hindi man magiging madali para sayo ang patawarin siya.

Pero hangga't may oras pa ay unti-unti mo nang alisin ang galit at hinanakit na namuo diyan sa puso mo,

At unti-unti mo ring buuin ang matagal na niyang hinihiling sayo,

Kung saan kapag nabuo na ito ay mawawala na ang bigat na dinadala ng puso mo,

Kung saan mararamdaman mo na kumpleto na ang buong pagkatao mo,

Kung saan kaya mo nang malagpasan ang mga problemang pinagdadaanan mo,

Kung saan hindi mo na kailangan pang magpanggap o itago ang tunay na nararamdaman mo,

Kung saan maaliwalas at totoo na ang ngiti na makikita ng iba diyan sa labi mo,

Kung saan tuwing gabi ay wala nang luha ang papatak diyan sa mga mata mo pero kung meron man ay paniguradong simbolo ito ng kasiyahan mo,

Kung saan magiging bahagi na sa mga emosyon mo ang kasiyahan kapag naaalala mo siya,

Kung saan nahanap mo na ang tunay na kaligayahan sa buhay mo,

At ito,

ay ang siyang

"PAGPAPATAWAD MO".

~END~

(A/N: At ang KAGANDAHAN KO wahahaha kems! Sana nagustuhan niyo. Hahaha trip ko lang magdrama today. Thankyiiiieee, Lavyaaah!)

Comment and vote plissshhhh! *^________^*

ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon