Musical #15

658 5 1
                                    

JAYZEN

Saturday night ngayon at bukas ay ililibing na ang daddy ni Lizzy. Last night na ngayon kaya pupunta ulit ako. Sa mga nakaraang araw ay pumupunta din ako kaso saglit lang. Binibisita ko lang si Lizzy... At Arian. Ngayon ay magtatagal ako at hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. I know, Lizzy needs me. Hindi lang siya ang namatayan kaya hindi rin siya maco-comfort ng mommy at kapatid niya.

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa bahay nila. Kung kagabi ay maraming tao, ngayon ay doble o higit pa ang mga ngayon. Last night na kasi eh. Pumasok ako sa loob at agad kong hinanap si Lizzy pero hindi ko siya makita. Nakita ko si Arian pero wala si Liz. Ng makita ko naman si Opti ay nilapitan ko siya.

"Hey.."

Napalingon siya sakin at parang nakuha na kung bakit ko siya nilapitan dahil agad siyang nagsalita.

"Oh? Si Lizzy? Puntahan mo sa kwarto." Ngumiti siya.

"Thanks.."

Tumakbo ako papunta sa kwarto niya ay kinatok ko siya. Nilagay ko ang tenga ko sa pintuan at naririnig ko ang hikbi niya.

"Liz... Jayzen to. Pweding pumasok?"

Pagkatapos kong sabihin yun ay agad akong nakarinig ng mga yapak ng paa at bumukas na ang pinto. Bumungad sakin ang nagpupunas na luhang si Lizzy.

"J-Jayz... Pasok kana..." Pinilit niya ngumiti.

No.. You don't pretend when I'm here. No, Liz. You don't.

Pumasok ako at pina-upo niya ako sa sofa. Umupo ako sa love seat at tumabi naman siya sakin.

"S-Sorry n-natagalan ako ng pagbukas m-may ginawa lang kasi ako" paliwanag niya.

"No, it's okay. Naka-istorbo ba ako?" Mahinahong tanong ko.

"No! Of course not! Baka ako ang naka-istorbo sayo? Hahaha!" Pilit rin ang tawa niya.

"Never, Liz."

Tumatawa siya habang may tumutulong luha sa pisngi niya na hindi naman nakakarating sa baba dahil panay ang punas niya. Ng may nakita akong pagkakataon ay ako ang nag-punas sa luha niya gamit mga daliri ko.

"No Liz, you don't need to pretend okay?" Tinignan ko siya sa mata pero hindi siya makatingin sakin.

"H-Ha?" Yan lang ang nasabi niya.

"I said you don't need to pretend, alright?"

Ngayon ay nakatingin na kami sa isa't isa. Wala na ang ngiti sa mga labi niya. At humagulgol na siya. Nilagay niya ang dalawang kamay sa mukha niya kaya naman niyakap ko na siya. Hindi naman siya pumiglas.

Hindi ako nagsalita dahil hinayaan ko lang siyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ng huminahon na siya ay kumalas na ako sa pagkakayakap dahil may hinahanap akong isang bagay. Ng makita ko yun ay naglakad ako at kinuha iyon.

Inilapag ko ang piano sa may center table na walang gamit at bumaling ulit kay Lizzy. Pinagmamasdan niya lang ako. Nginitian ko siya at binalik ang tingin sa piano.

Damn, sana hindi ako magkamali.

Musically In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon