\\Chapter Fifteen.

128 5 3
                                    

Dedicated to you dear. Thank you sa pagbabasa up until here. :)
Behind the Mask is a Deeper Secret 

[Chapter Fifteen]

 

     "Good morning sleepy head." Malambing na sinabi ni Bree sa kakamulat lang na si Harvey. Kakaligo niya lang at magandang maganda talaga ang gising niya. It's Sunday! Ngayon ang araw ng kasal ni Ava at Jayden and Bree is more excited than anyone else. Para ngang siya pa ang nanay sa sobrang excited niya.

     "Good morning din." Nakangiting bati ni Harvey sa kanya. Nagulat si Bree sa nakita niya. Si Harvey, ngumiti? Lumapit siya sa may kama at pinatong ang kamay niya sa noo nito. "Anong problema mo?" Tanong niya.

     "May lagnat ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Bree sa kanya. "May masakit ba sayo?"

     "Wala." Hinawakan niya ang kamay ni Bree at hinila ito palapit sa kanya.

     "Bakit ngumingiti ka?"

     "Bawal na bang ngumiti ngayon?"

     Their faces are inches away. "Ang baho ng hininga mo. Toothbrush-toothbrush din." Pabirong sinabi ni Bree para lang makalayo.

     Pinagpatuloy niya na ang ginagawa niya. "Si Ava?" Tanong ni Harvey.

     "Naliligo pa lang. Tumambay sa banyo. Di yata excited." Sagot ni Bree without looking back.

     "Pano ko magtu-tothbrush?" Tinawanan siya ni Bree. "Joke lang naman yun. Sineryoso." Sabi ni Bree sa kanya.

     Pagkatapos maligo ni Ava ay pinanood ni Bree na makeup-an at bihisan si Ava. Hindi pa siya nakakapagbihis kahit alam niyang mauuna sila sa simbahan. Tinawag siya ni Harvey sa kwarto ni Ava, nakasuot na sa kanya ang suit with a tie na kinuha nila kahapon. Lumabas na siya ng kwarto at nabihis na rin.

     "Hihintayin na lang kita sa kotse." Bree nodded and headed to their room. She keep her bangs to the side and let her straight hair fall to her back the wear the dress. It is a knee-length, pink dress with a black ribbon as a belt that is tied into a medium sized ribbon by the waist and ballet flats.

     Nagpunta siya sa kwarto ni Ava para sabihing mauuna na sila sa simbahan. Pero nakita ni Ava ang plain na mukha ni Bree kaya sinabihan niya ang makeup artist niyang makeup-an din si Bree kahit light lang para hindi naman siya mukhang patay sa magiging pictures nila.

     Wala naman siyang magagawa dahil halos hilahin at itali na siya sa upuan ni Ava sa pagpupumilit. At gaya ng pinagusapan nila, light makeup lang. Pero inabot pa din sila ng sampung minuto para ayusin ang mukha niya. Ayaw kasing mapaawat ni Ava, hindi niya ipapatuloy ang pag-aayos sa kanya kung hindi din aayusan si Bree.

     "Kasal mo kaya 'to." Sabi sa kanya ni Bree.

     "Oo nga. Kasal ko. Kaya hayaan niyo na ko sa trip ko."

     And they did. Hinayaan na lang muna ni Bree na gawin siyang manika ni Ava. First ang last nanaman 'to e.

     Paglipas ng mahigit labin limang minuto, nakalabas na rin si Bree. They let her keep her hair down dahil sa palusot ni Bree na kanina pang naghihintay si Harvey sa labas. Totoo naman. Pero ayaw niya na ring magstay nang mas matagal pa dahil na rin ayaw niyang madelay ang kasal dahil sa kanya.

     Pagka labas niya nang bahay, nakita niyang nakatayo si Harvey sa tabi ng kotse niya, leaning his back by the door busy tping on his phone.

     "Sorry kung matagal. May nangyari kasi." Bree said while fiddling her hair. Nahiya naman siya kay Harvey sa pagpapahintay.

Behind the Mask is a Deeper Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon