Ginebra ako. Ikaw?

366 10 2
                                    

A/N: Hindi po ito novel o one shot story. Gusto ko lang maglabas ng kung ano-ano dahil bitin na bitin ang 140 characters sa twitter. Hahahaha. :))))))

GINEBRA FAN AKO. Naging fan ako ng Ginebra dahil sa nanay ko. Siya talaga yung fan sa pamilya namin. Siya yung naglilipat ng channel para lang mapanuod kahit konti yung game. Noon, patingin-tingin lang din ako. Ang mga players pa nga lang na kilala ko noon eh si Jayjay Helterbrand at si Mark Caguioa. Kapag napasok sila ng court, tuwang-tuwa yung nanay ko. Tapos ako, parang "Sino ba yun? Magaling ba yun?" Hanggang sa nakinuod na rin ako ng mga laro. Madalas na pinapanuod lang e kapag Do-Or-Die na o kaya Finals  na. Hindi pa nangangalahati yung game, intense na sa panunuod ang mga tito, lolo, at nanay ko. Kapag nga finals, dapat maghanda ka na sa biglaang tili. Ibig sabihin lang nun e nakalamang, maganda yung play, o nanalo na sila. Dati nung pakonti-konti pa lang ang panuod ko, natutuwa ako sa mga game. Yung tipong ang sarap pala manuod ng basketball, pero mabilis ko din nakakalimutan. Kung walang magsasabi, hindi ko talaga malalaman na may game sila.

Nagsimula akong maging super fan ng Ginebra last conference. Hindi ko matandaan kung pano ko nahook sa Ginebra. Parang may karisma sila na humahatak sa fans. Semi-finals na ata nung simulan kong subaybayan ang games nila. Nakilala ko na sila LA Tenorio, Chris Ellis, Vernon Macklin. Dun na din ako nagsimulang mafrustrate sa bawat talo ng Ginebra. Nung kalaban nila yung TNT, hanga ako sa kanila kasi ang gaganda ng laro nila kahit wala si Mark Caguioa. Ramdam din ang suporta ng fans sa bawat cheer sa mga games. Nung nakapasok sila ng finals, mas naging fan nila ako. Dito na ko nagsimulang mabwisit sa mga player sa kabilang team. At aaminin kong asar talaga ako kay Abueva. Dahil bukod sa pwede syang maging nominee sa Best Actor, ang lakas nya pang mag-asar. Kapag natatalo sila, buong gabi kaming naghihinayang. Asar na asar sa mga player ng kalaban. Natapos ang conference. Nasweep sila. Naglabasan ang memes, mas nakakairita na.

Hindi nagtagal, nagsimula na ang Governor's Cup. Dito na talaga ako sumubaybay sa bawat game  nila. At bawat pagkatalo nila ay halos pagguho ng mundo namin. Natuto din akong magTwitter para lang mafollow ang mga players. Nag-aabang na rin ako sa bawat updates nila. Feeling ko nga everytime na may magttweet sa kanila, ang swerte-swerte ko dahil naaabutan ko silang online. At syempre inggit na inggit naman ako dun sa mga kapwa ko fan na nattweet at nababati ng Ginebra Players.

Hindi ako katulad ng ibang fan na halos lahat ng maliliit na detalye ng Ginebra ay alam. Iilan lang ang alam ko. Siguro dahil kailan lang naman talaga ako nahilig ng sobra sa PBA. Pero kahit hindi ko alam ang pinakamaliliit na detalye ng gusto kong koponan, alam kong Die Hard Fan pa rin nila ako at never na magbabago yun.

Kapag wala sila sa finals o wala silang laro, sinusubukan kong icheer ang ibang team. Pero hindi ko talaga kaya. Iba pa rin kapag Ginebra ang chinicheer ko. Kapag may magandang tira ang isang player ng ibang team, "Ang galing naman." lang ang nasasabi ko. Pero kapag isa sa Ginebra ang tumira ng kakaiba, sigaw, talon, at palakpak pa. Ang lakas talaga ng epekto ng BGSM sa akin.

Never pa kong nakapanuod ng live na game. At yun ang pangarap ko. Makita silang maglaro ng personal. Maramdaman ang intensity ng bawat laro. At sumigaw kasama ng fans sa iisang venue at hindi lang sa bahay. Oo, Fan Girl ako. Wala eh, MAHAL KO BGSM. Solid Kabaranggay. <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ginebra ako. Ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon