Musical #16 Deal Come True

604 6 0
                                    

LIZZY

One week na. One week na ang nakalipas simula ng mamatay si Daddy. Car accident. Yan daw ang dahilan.

Nandito na ako sa canteen para mag-lunch. Kasabay ko na si Inah. Hindi ko kasi mahanap yung tatlo kanina eh. Si Axzine naman, busy daw. Ewan ko taong yun busy!

"Hoy Lizzy! Nakita mo ba yung post ko sa facebook?" Sigaw ni Inah. Tss. Ang lapit lang namin niyan ah.

"Ah yung co-- shut up!!!! Shut up!!! Wag mokong kausapin bwisit ka!"

Tinawanan lang ako nitong baliw na to.

"Hanggang ngayon ba naman? Picture lang yun? Kay?!" Tumatawa pa rin siya. Nawawalan na nga siya ng mata kapag tumatawa.

"Wala akong pake kung picture o hindi! Bakit mo pinost yun ha? Sabihin mo! Bakeeeet!!!!"

Napatingin ako sa paligid, sapakin ako ngayon na!!! Nakatingin ang lahat sa akin na may pagtataka sa mukha. Nag-peace sign lang ako at nagpa-cute ng konti.

"Ikaw kasi eh.. Bakit mo pa kasi sinabi ngayon yung ipis?" Sinimangutan ko siya.

"Ano? Hindi ko marinig! Yung ipis ba?! Ha?" Ngumisi siya.

Tinakpan ko naman ang tenga ko at mariing pumikit.

"OA neto... Oh Jayz!"

Agad naman akong napadilat at nasa harap ko na si Jayz nakangiti siya sakin.

"Inah, pahiram muna kay Lizzy ah?" Sabi niya kay Inah pero saakin nakatingin.

"Sure! Kahit wag mo ng ibalik.." At tumawa silang dalawa.

"Tara?" Tumango ako at sumama sakanya.

"San tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Sa room niyo.." Sagot niya.

Huminto nga kami sa room namin at agad kaming pumasok. Kami lang dalawa dahil lunch break.

"Bakit dito?" Tanong ko habang naka-kunot ang noo.

"May gitara kang dala diba? Hindi ko nadala yung sakin kaya pahiram muna ng sayo..."

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya tinaasan mo siya ng kilay.

"Anong meron?" Natatawang tanong ko at umupo ako sa upuan ko. Hiniharap niya naman sakin ang upuan sa harap ko at doon siya umupo. Pinatong niya ang gitara ko sa lap niya at tinitigan ako.

"Deal come true..."

Ano daw?!

"What?!" Hindi ko talaga alam eh.

"May deal tayo diba... Gawin na natin ngayon. Mauna na ako ah? Please.. Listen." Seryoso ang pagkakasabi niya pero nginitian niya rin ako. Yung nakakamatay na ngiti. Waaaah! Ang gwapo.

"O-Kay."

Musically In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon