Nakakabwisit. Nakakainis. Nakakagago. Ano bang mayroon ang babaeng 'yon na wala ako at nagawa akong ipagpalit ng manliligaw ko nang tatlong taon para sa kaniya?
Inis na inis ako sa lahat ng mga nangyari ngayong araw. Lahat nakakainis. Para akong pinagtitripan ng tadhana.
Nakaupo ako sa isang bench sa tapat ng isang coffee shop na madalas naming tambayan noon. Tahimik lang ako habang iniinom ang kapeng nanlamig na dahil kanina ko pa hawak pero hindi ko naman pinapansin. Gano'n talaga siguro.
Ang malas ko naman talagang sadya ngayon. Tumayo ako at saka nagsimulang maglakad palayo. Mas ayos na siguro iyon kaysa hayaan ko ang sarili kong mainis at masaktan dahil lang sa nakita ko silang magkasama at papasok sa coffee shop kung nasaan ako ngayon.
Ayos lang sana kung maaga siyang sumuko. Ayos lang kung maaga niyang sinabing ayaw niya na. Hindi 'yung kung kailan ko siya balak sagutin saka niya naman sinabing may bago na siya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Naglakad ako pauwi sa apartment ko, nag-iisip ng paraan kung paano ako makagaganti sa gagong iyon.
Nang makarating ako sa apartment ko ay dumiretso ako sa kama at humiga para magpahinga. Nakatingin sa kisame at nagiisip pa rin ng paraan para makaganti. Akala niya ba siya lang kayang makahanap ng iba? Nagisip ako ng paraan, kagaya ng mga nababasa ko sa wattpad. Bigla kong naalala yung 'My Facebook Boyfriend' gumawa din kaya ako ng fake boyfriend. Tama! Bright idea.
Agad akong lumabas sa apartment ko at dumiretso sa pinakamalapit na tindahan.
"Pagbilhan po!" sigaw ko. "Pagbilhan poo!" muli kong sigaw. Di na ko makapaghintay. Tutal wala kong facebook, naisip ko na lang na by text na lang.
"Teka lang" sigaw ni ateng tindera. Ay pa-VIP si ate! "Ano yon?""Simcard po" sabi ko.
"Eto oh, 35php lang" iniabot ko sa kanya ang buong 50php. Agad akong umalis ng maibigay na niya ang sukli.
Pagdating ko sa apartment, agad kong sinalpak ang sim card sa extra phone ko. Niregister ko ang number noon sa isa kong phone at pinangalanan ko iyong 'Baby' o diba instant boyfriend. Tinext ko ang sarili ko ng sweet messages tapos magrereply din ako, oo alam kong mukha akong gago sa ginagawa ko, pero desperado na kong ipakita sa kanya na may kapalit na agad siya.
-
Kinabukasan naghangout kaming magtotropa, dala ko ang dalawa kong phone just in case kasi kasama si ex-manliligaw. Pagdating sa cafe, nilapag ko ang phone ko sa table at pinapaikot ikot ito. Dumating si ex-manliligaw at ang kanyang bagong nililigawan. Pwe!
"Hi guys" Bati ni ex-manliligaw, tawagin na lang natin siyang Clark
"Ah, hello" palipat lipat ang tingin ng tropa sa kin, sa kanya at sa malanding babaeng kasama niya.
"Hi po" pabebe at ipit na boses na sabi ng babaeng kasama niya, tangina pigilan niyo ko masasapak ko to!
"Ah.. Hi?" awkward na bati nila.
"Ah guys, she's Marcelita, call her March" Palihim na kumunot ang noo ko, anong connect ng Marcelita sa March? Pwede namang Lita o kaya Marcel, but well the hell I care.
"Ah, hi Marcelita" sarcastic na sabi ko.
"It's March" pagkocorrect niya.
"Why? Marcelita is your name right? So we'll call you that" Gatong ni Krystal, mukhang gets na nila ang nangyayari. Umupo si Clark at Krystal sa tabi ko, katabi ko si Clark at katabi niya si Krystal.
"Teka guys, CR lang ako ah" paalam ko. Tumayo ako at sinadyang iwan ang phone ko sa table. Nang makarating ako sa Comfort Room, agad kong kinuha ang extra phone ko at tinawagan ang sarili ko. Minute ko ang extra phone at tsaka lumabas ng restroom. Bumalik ako sa table, nakita ko nakatingin sa phone ko si Clark, napasmirk na lang ako. I took off that smirk when I got to the table. Then sat at my chair.
"Oy Chammie, someone's calling you" napatingin ako kay Ranz
"Hmm, baby? The who" pangiintriga ni Stal.
"Boyfriend ko" I said then chuckled. Napakunot naman ang noo ng katabi ko.
I answered the call.
"Hello baby?.. Ah, andito sa cafe, hangout with friends... Yes baby magiingat ako, I'll call pag uwi ko, promise... Okay baby, I love you too.. Haha, I love you four, fourever, okay byebye baby" saka ko binaba ang call. Napatingin ako sa kanila na mga nakakakunot ang noo.
"So who's that lucky guy?" Tanong ni Chiena.
"Stephen Vasco, childhood manliligaw ko na boyfie ko na" I made up what I said. He dont exist.
"Ah" yun na lang nasabi nila.
Araw araw na ganon. Pinagmamalaki ko ang imaginary at made up boyfriend ko. Minsan feeling ko nga totoong boyfriend ko siya eh. Pinagyayabang ko siya sa tropa until one day, nabalitaan kong tumigil na si Clark sa panliligaw kay Marcelita, or March whatever, kaya I made up another story. Nagpakaactress ako. Umiiyak akong nakipagkita sa tropa, pinapatahan nila ako pero hindi ako tumitigil sa pag iiiyak ko.
"What happened Chammie? Sinaktan ka ba ng boyfriend mo?" nagaalalang tanong ni Troye"W-wala na siya" sabi ko at humagulgol. Whooo, bigyan niyo ko ng best actress award!
"Huh? What do you mean wala na siya?" tanong ni Le-an
"H-he died. May cancer siya, si tita ang nagsabi sakin na wala na siya" sabi ko at muling umiyak.
"Sorry for that Cham, condolence" sabi nila.
Hinatid nila ako sa apartment ko. Too much acting. Pagpasok ko, may kakaiba akong naramdaman something like parang may nakatingin. Napatingin ako sa paligid until my eyes we're locked at a guy standing in one corner.
"S-Sino ka?" kinakabahang tanong ko. Napako ako sa kinatatayuan ko.
"Ako si Stephen, Stephen Vasco. At last, nakita na rin kita." Lumapit siya sakin. Parang awtomatikong gumalaw ang kamay ko at hinaplos siya sa mukha, ngunit, lumagpas ang kamay ko sa kanya. I cant touch him. Nakaramdam ako ng malakas na hangin at bigla siyang nawala.
Nagbukas ako ng laptop. At dahil wala nga akong facebook, binuksan ko na lang ang facebook ni Stal, alam ko facebook niya.
I searched for him and froze at what I saw. I checked his profile at siya yon. The same guy I saw awhile ago. I scrolled hanggang sa mapatigil ako sa isang post ng kaibigan niya.
Kris Lennard
5mins. PublicPre, akala ko ba walang sukuan. Akala ko ba kakayanin mo. Pre, diba sabi mo lalabanan mo yang cancer na yan para sa kanya? Para dun sa babaeng napapanaginipan mo? Para dun sa babaeng girlfriend mo sa panaginip mo? Pre akala ko ba hahanapin mo siya? Akala ko ba kakayanin mo pa para sa Chammie na napapanaginipan mo? Pre anong nangyari? Bakit ka sumuko. Mamimiss ka ng tropa, yung pagkekwento mo about sa kanya araw araw. Rest in peace pre! Mahal ka namin.
92 likes. 78 comments.
Natigilan ko. Napako sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong may yumakap sakin kaya napapikit ako.
"I loved you, kahit hanggang panaginip lang kita"
-----END-----
So yeah :> Thanks for reading mwaaaps~ Be careful what you wish for ;)
-pngwn
BINABASA MO ANG
My Imaginary Boyfriend
Short StoryMy inspiration in writing this story was a confession sent to the UE Secret Files titled "The Made-Up Boyfriend" I just hope that you'll like it mwa~! -pngwn