NOTE # 1

11.3K 213 18
                                    

SIMULA ---

"PRRRRTTT!"

"Okay guys,tapos na ang ball practice! Sa friday ulit,same time." ani Coach pagkatapos pumito. Pawisan akong lumapit sa pwesto ng bag ko. Hindi pa man ako nakakalapit ay kinausap na ako ni Boom.

"Ayos ang laro bro ah? Ganyan ba pag inspired?" nakangising sabi nito habang pinupunasan ng towel ang sarili.

"Ulul! Matagal na akong magaling maglaro,alam mo yan!" natatawa kong sagot.

"Baka tinuturuan ni Gero? I heard madaming sports yon nung college pa." biglang sulpot na sabi ni Mon.

"San mo naman narinig yan tol?" ani ko at lumapit na sa bag ko. Sumunod sila.

"Kay Dixie,yung kapatid ni ate Britany." sagot nito.

"Ang ganda nun ni ate Brit,kaso taken na pala." pagsingit ni Andrei,napailing na lang ako.

"Tss.. Usapang walang kwenta." dinig kong sabi ni Kiyuu habang kinakalkal ko ang bag ko dahil hinahanap ko ang towel ko. Hindi ko na lang sya pinansin. Sa lahat sya pinakamalapit sa akin,ewan bigla syang nagbago.

"Mauna na kami sa shower room." pagpapaalam nina Boom,kasama na nila si Kiyuu ng umalis.

"Nasan ba yong towel ko?" ang bulong ko sa sarili.

"Here,use it." napatingin ako sa nagsalita. Si Mariah pala,nginitian ko na lang sya.

"Huwag na,mabaho pawis ko,didikit dyan. Sige,shower na ako." ang sabi ko na lang.

"Kayden!" pagtawag nya kaya agad akong tumigil sa paglalakad at nilingon sya.

"Yes Mariah?"

"May gimik ang tropa mamaya,sasama ka ba?"

"Tingnan ko. Baka kasi may gawin kami ni Gero. Sige,see you later." nginitian ko sya bago ako tumungo sa shower room.

Pagdating ko dun ay naliligo na nga ang mga mokong. Nakakatuwa sila na kahit alam nilang lalaki ang kasintahan ko eh hindi sila nailang,tulad pa din ng dati,kahit maghubad sila dyan ay alam nilang hindi ko iyon papansinin. Dahil alam din nilang kay Gero lang naman ako na bading.

Naghubad na din ako at nag shower,sa kanan ko si Boom,sa kaliwa ko si Kiyuu,lahat kami sa tropa ay may gwapong tinataglay,may magagandang katawan at kanya kanyang karisma.

"Gano na kayo katagal ni Gero tol?" tanong ni Boom habang nagsasabon.

"Mag 3 months na sa susunod na buwan." sagot ko at nagsimula na ding magsabon.

"Astig. Bakit ganon tol? Sa kanya ka lang na bading? Sa ibang lalaki hindi. I mean lalaki ka pa din magsalita,manamit,makitungo,walang nagbago." ani Boom na nagbabanlaw na. Nadinig naming pumalatak si Kiyuu na nginitian na lamang ni Boom. Ang sabi sakin ni Boom bigla na lang daw nagkaganyan yan si Kiyuu. Naisip ko nga na kausapin sya para malaman kung bakit sya nagkakaganyan.

"Alam nyo naman na hindi ko ito inaasahan,biglaan na lang at tinanggap ko. Oo,sa kanya lang ako nababading. Pero huwag na huwag may tatawag sakin ng bakla,pupulutin talaga sya sa ospital." ang nakangiti kong sagot.

"Hayup talaga! Yan tayo eh!" ani Andrei na nakikinig pala habang nagbibihis,nagtawanan na lamang kami.

"Paulit ulit." biglang sabi ni Kiyuu na agad tinapos ang paliligo. Natahimik na lamang kami at nagkatinginan. Napansin ko din ang pag iling ni Mon. Ano ba ang nangyari nung mga panahong abala ako sa pagsisimula ng relasyon namin ni Gero?

-----

Last class ng makatanggap ako ng text galing kay kuya Kheem,ina aya nya akong uminom. Naipagpaalam na daw nya ako kay Gero. Sinagot ko sya na uuwi muna ako sa bahay para maka bonding sina Mama at Papa then dadaan kay Gero para dun magdinner. Miss ko na kasi sila ng cute na si Jaiiron.

It started in the Library (boyxboy)- COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon