"Ate Ara!"
Nilingon ko kung sino ang tumatawag sa akin. Kagagaling ko lang ng admin building dahil inayos ko na ang requirements sa graduation ko. Nakita ko sila Clyde, lower batch ko, at lumapit ako sa usual na tinatambayan nila sa La Salle.
"Congrats ate. Mamimiss kita maglaro. Iba na kukunan ko para sa school paper next season."
"Salamat, ganyan talaga. Syempre kailangan ko ring grumaduate noh. Teka, tapos na ba kayo mag-exam?"
"Oo ate, kaso may mga hinihintay pa kami. We'll be having our dinner later sabay ka na sa amin ha."
Wala rin naman akong gagawin kaya nagpasya akong sumama muna sa kanila at sabayan na sila sa dinner. Mababait naman sila, si Clyde photographer ng school paper, yung iba naman ay part din ng school paper, animo squad at ang iba athlete din.
"Hey!"
"Dude, ang tagal niyo mag-exam. Sulit na sulit ang energy fee?"
Pamilyar sa akin ang boses na yun. Nilingon ko siya at nginitian. Kitang kita ang pamumula ng pisngi niya siguro nahiya siya sa presensya ko. Hindi naman kasi ako parte ng grupo nila. Ginantihan niya ako ng ngiti. Hanggang sa kumain kami ng hapunan. Matagal tagal kaming nagkakwentuhan hanggang sa magkayayaan ng konting inuman sa bahay nila Clyde. Sem ender raw at graduation celebration ko na rin daw.
Katabi ko si Lea at Clyde. Nailang ikot na rin at dahil hindi ko naman talaga nakahiligan ang alak ay madali akong natamaan. As usual kwentuhan dito ng kung ano ano.
"Ate Ara, kayo pa po ba ni Kuya Tigno?"
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong. Tiningnan ko si Lea at unti unting namuo ang luha ko. Nilapitan nila ako pinapakalma.
"4 months."
Nagkatinginan sila sa sagot ko parang hindi mawari kung saan galing ang sagot ko sa tanong ni Lea. Maya maya ay lumagok uli ako sa baso.
Flashback
June 2011
Galing akong Pampanga at bago pa lang dito sa Maynila. Huli na ako sa training namin dahil tinapos ko muna ang Palarong Pambansa. Pagtapak na pagtapak ko sa gym lahat sila magkakakilala na at tahimik lang ako sa gilid. Maya maya ay kinausap na rin nila ako at nakikisabay na rin ako sa biruan nila.
"Good morning lady spikers."
"Good morning din guys. Pakilala ko sa inyo rookies namin, si Cienne, Camille, Carol, Mika and Ara."
Isa isa kaming tinuro ni ate Cha. Mababait sila kaso ang naalala ko lang ay si Mark. Rookie din kasi siya. Maya maya ay natapos na ang training namin at sila na ang pumalit. Napag-alaman kong classmate ko pala si Mark sa ibang subjects ko kaya naging close kami. Masaya akong kasama siya, mabait kasi though may pagkamasungit.
Lumipas ang mga buwan at naging kami ni Mark. Kaso napakaprivate niyang tao. Walang sweet posts sa fb, twitter, pati ig. Hindi kami normal na couple oarang what you see is what you get. Okay naman sa akin 'yon eh. Basta ako lang.
Bihira niya lang akong dinadalaw sa dorm pero araw araw kaming magkatext. Walang flowers since hindi raw siya sanay gawin 'yon. Hindi ako nagpapalibre dahil nahihiya ako sa kanya lalo't wala pa siyang trabaho. Walang chocolates, cakes o stuff toys. Tamang memories lang ang pagsasaluhan namin, okay na sa akin 'yon, basta ako lang.
Kahit na mas protective ka sa mga kaibigan nating babae, okay lang, siguro nga walang magtatangka sa akin. Kahit na hindi mo na ako ihatid pauwi, okay lang. Kahit pinupuri mo ang iba't ibang babae sa harap ko, okay lang. Kahit na para lang akong hangin sa tabi mo lalo na't maraming tao, okay lang. Kahit na parati kang may nasasabi sa akin, okay lang. Kahit may panahong halos dalawang buwan kang hindi nagparamdam, okay lang.
Okay lang.
Basta ako lang.
Kaso hindi eh.
February 14, 2016
Niyaya kitang lumabas. Pumayag ka. Kaso may pero. Hapon ka lang pwede kasi may lakad kayo ng mga kapatid mo. Okay lang. Pamilya 'yon kaya naiintindihan ko. Lumabas tayo, kumain lang saglit. Walang flowers o kung ano man ang binibigay tuwing valentine's kasi hindi ka sanay magbigay ng mga ganoon. Nalulungkot ako at tinatago ko ang lungkot na 'yon kasi hindi ko pa nararanasan makatanggap ng bulaklak galing sa'yo. Ai, meron pala. Noong minsang naglalakad tayo galing isang activity ng team building natin. Sinabayan mo ako maglakad at may nakita kang halaman, pumitas ka ng maliit na bulaklak at binigay sa akin. Ang saya saya ko at kahit ilang taon na ang nakalipas, nakaipit pa rin ang bulaklak na yun sa libro ko. Isang maliit na bulaklak na hindi ko nga alam ang tawag doon, kahit na isa lang siyang maliit na bulaklak na hindi nakaarrange gaya ng bouquet na hawak hawak ngayon ng magkasintahang nakakasabay natin ay ibang saya ang naidudulit sa akin. Dahil sa isang pirasong bulaklak na 'yon ay napaniwala ko ang sarili kong mahal mo ako.
Umuwi tayo ng alas singko. Dalawang oras lamg tayong magkasam sa araw na 'to, okay lang. Maaga akong nag-ayos ng gamit para matulog agad ng tumawag sila Yeye at pinapunta ako sa isang bar sa timog. Emergency raw. Agad akong nagbihis at pinuntahan sila sa bar. Nag-aalala silang tumingin sa akin. Nagtataka ko silang tiningnan. Anong meron? Nagturuan sila kung sinong magsasabi ngunit sa kalagitnaan ng pagtuturuan nila ay lumabas ka, Mark Lewis Tigno may kasamang babae, namumukhaan ko 'yong babae. Siya yung team captain ng Saringgawi (pep squad ng UST). Nakaakbay ka sa kanya at hinalikan mo siya sa pisngi. Nag-iinit na ang aking nga mata dahil sa luhang kanina pa gustong lumabas. Inalakayan ako nila Yeye. Himdi ko magalaw ang mga paa ko.
Tinanong kita kung may relasyon kayo ang sabi mo wala. Pinagbigyan kita. 4 months. Sa loob ng apat ng buwan bulag bulagan pa rin ako. Umaasang ako lang ang minamahal mo. Nagpanggap ako na walang nangyari. Lumayo loob ko kela Yeye dahil mas pinili kita.
End
"To answer your question, kami pa eh. Nakalaklak ata ako ng superglue at hindi ko kaya bumitaw."
Napakwento ako sa kanila ng problema ko. Kinimkim ko siya sa loob ng apat na buwan. Graduating ako, tapos last season ko pa sa UAAP. Maya maya ay naramdaman kong bumigat na mata ko.
Thom's POV
Tulog na silang lahat. Inayos ko ang kalat namin. Umupo ako sa tabi ni Ara since 'yon na lang ang vacant space. Maya maya ay napapapikit na rin ako sa antok. I was shocked when her head is already in my right shoulder.
"The persons who smiles a lot are those who are in pain."
YOU ARE READING
A beautiful disaster.
FanfictionMahal mo siya, mahal mo rin ako. Una mo siyang nakilala pero ako pinili mo. Mahal mo ba talaga ako o pinili mo lang ako dahil mas pag-asa ang tayo kaysa sa kayo? Mahal mo ba talaga ako o kailangan mo lang ako? Mahal mo ba talaga ako o mahalaga lang...