Harold's POV:
Alasinko na ng makarating ako sa bahay. Pag bukas ko ng pinto, agad na tumambad sa akin ang natutulog na si Hanna sa sofa. Naka dapa sya, naka laylay ang kanang braso at binti nya sa gilid ng sofa. Naka sando lang sya at volleyball shorts. Gulo gulo din ang mahaba nyang itim na itim na buhok.
Napakamot ako ng ulo nang masilip ko ang singit nya. Hindi na nag bago tong babaeng ito. Ang hilig mag manipis at maikling damit pag nasa bahay lang. Hinubad ko ang polo ko at ikinumot sa bandang ibaba nya. Kung di lang ako matinong lalake, may kina lagyan talaga tong si Hanna. Pero seryoso, para ko na syang little sister. Yun ang tingin ko sa kanya. At yun lang dapat.
Agad akong pumunta sa kwarto ko at kumuha ng mga pamalit. Naligo muna ako pagka tapos ay nagsimula ng mag handa para mag luto.
Tinolang manok ang naisip ko, un nalang kasi ang pwedeng gawin sa mga laman ng ref ko, besides, paborito din yun ni Hanna.
Hanna is so special to me. Bukod kasi sa best friends ang mga parents namin, wala rin akong kapatid kagaya nya. Bata palang kami magkasama na kami, and our relationship greq so much simula namatay ang parents nya. Sa akin lng sya lagi sumasama noon. Kahit sa school, lagi syang naka kunyapit sa akin. I was her protector, her hero. Until nahulig ang loob nya kay Franco.
Ayoko talagang nakikita silang dalawa na naglalambingan, yet ang sabi ni mama, hayaan ko lang si Hanna. Kailangan nya yun para maka recover pa sya at kailangan nya din ng maraming pag mamahal. Kung nakita man daw yun ni Hanna kay Franco, hayaan ko nalang daw muna sila.
Franco promises me na hindi nya sasaktan si Hanna, kaya hindi nya to niligawan kahiy na mahal nya pa ito. Ayaw din kasi nya masira ang friendship na nabuo naming apat. Hindi naging sila, pero parang sila. Minus the kiss and everything all couples supposed to be doing. Madalas lang silang lumabas, o kaya naman ay inaalalayan ni Franco si Hanna.
Naiinis ako noon pag nakikita ko sila. Pero ano nga ba naman ang magagawa ko? sino nga naman ba ako?
Until one day, graduate na kaming tatlo at kailangan na naming mag trabaho. Nagpaalam na kami kay Hanna na sa Manila na maninirahan dahil yun naman talaga ang plano namin pag nag wowork na kami. Okey lang kay Hanna yun, pero alam kong nasaktan sya ng lalayo na si Franco sa kanya.
Wala silang break up, dahil hindi naman sila, wala rin silang pormal na paalamanan, dahil hindi nga sila. Kaya alam ko, mula ng araw na iniwan namin sya, umaasa sya na mahal sya ni Franco at pag nagkita sila uli, magiging pormal na ang relasyon nila.
Hanggang sa bigla nalang nagpaalam sa amin si Franco na pupunta syang America. Hindi nya sinabi kung bakit, basta pagka paalam nya sa amin, aalis na pala kagad sya. Yun din ang sinabi namin kay Hanna. Hindi namin alam, sa loob ng dalawang taon na di sila nagkita, mahal parin ni Hanna si Franco.
Three months bago nagpasya si Hanna na mag trabaho na rin sa manila, umuwi na si Franco galing America. At dun na nga namin nalaman na ikinasal na sya doon kay Stephanie, nag iisang anak na babae ng isang kilalang senador dito sa pilipinas. May anak na sila, si Zion, at sa pagkakabilang ko sa edad nung bata, yung araw na umalis si Franco ng pilipinas, siguradong ipinag bubuntis na ni Stephanie si Zion.
Tama nga ang hinala ko. Ipinilit na ipakasal si Stephanie ng mga magulang nya kay Franco kahit alam naman nilang hindi mahal ni Franco si Steph. Nung una, nagalit kami ni Carlo kay Franco, pero wala nga naman kasi talagang laban si Franco sa pamilya ni Steph. At talagang nuknukan ng tanga lang itong si Franco dahil anak pa ng senador ang napili nyang ikama at mabuntis.
YOU ARE READING
HANNA
RandomHindi akalain ni Hanna na makikita nyang muli si Franco, ang kaunaunahang lalaking minahal at hinintay nya ng matagal, sa isang sitwasyong hindi nya inaasahan. Habang nasa daan ng pag hihilom ng sugat ng damdamin, Kasama nyang palagi sa kanyang tabi...