CRUSH lang? (One Shot Story)

19.8K 459 209
                                    

CRUSH lang?

by ilovedaydreaming

(edited version ^^)

Sabi nila...

Ang CRUSH daw madaling titigan, mahirap lapitan.

AGREE ako diyan!

Sabi naman ng iba...

Ang CRUSH matagal mawala, madalas lumalala.

AGREE na AGREE rin ako diyan!

Eh kayo kaya mag-agree rin sa akin kung sabihin kong...

Ang CRUSH...

diyan nagsisimula ang lahat...

Even LOVE...

*************************************************************************************

Hi! Hello! Ako nga pala si LALA. A certified NBSB! Haha! Proud to be! :D

Pero kahit wala akong LOVELIFE, masaya naman ako. Alam nyo kung bakit? Kasi umaapaw naman ang aking CRUSH LIFE! Wahaha! XD

Oh yes! Marami nga akong mga crushes, I don't deny that. Marami kasing gwapo sa mundo eh. Panong hindi ka magkaka-crush sa kanila? LOL Pero lahat naman sila for fun lang for me. I mean, hindi ko sineseryoso. Natural! Crush nga lang eh. Haha!

1st year college na ko ngayon. Whew! Second sem na! Waaah! Sana naman may gwapo akong maging kaklase. Hahaha!

To my disappointment, walang nakakuha ng atensyon ko. Meaning wala akong bagong crush. Hmph! Ang lungkot naman. Haha! Di bale na nga! Mag-aaral na lang ako.

"Uy ang *toot* subject daw natin ay sa *bla-bla* building. Tara na dun."

Si bestfriend Yessah ko yung nagsalita.

"O sige. Tara na. Unahan tayo ha." aya ko naman sa kanila.

At nagtakbuhan na nga kami papunta sa nasabing building.

Bale apat na lang kami sa barkada ngayon. Ako. Si Yessah. Si Daisy. At si Bianca. Yung isa pa naming friend napalipat na ng section. Sya naman si Remy.

Dahil mabilis akong tumakbo, naunahan ko na yung tatlo. Andun na ko sa tapat ng aming room. Room ***. Nang hahawakan ko na yung doorknob para buksan ang pinto, nagulat ako nung may gumawa na nun para sa kin. Pagtingin ko, lalaki! Pero hindi gwapo. Haha! Joke! Gwapo naman pero not my type. Tumingin din sya sa kin so umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

"Miss, dito ka rin ba sa room na to? Anong subject mo?"

"Huh? Ah *toot*" I politely answered his question.

 "Ah buti naman tama ang napuntahan kong room. Haha! Sige salamat. Pasok na ko ha." he said while smiling.

CRUSH lang? (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon