Chapter 2 [第2章]

3K 68 5
                                    

Chapter 2 [第2章]

HINDI KO ALAM kung paano magri-react. Walang duda na ang malalim na boses na iyon ay walang ibang panggagalingan kung hindi si Kazuki lamang. Hindi ko malilimutan ang tinig na iyon.

Naramdaman ko'ng nagsimulang humakbang papalapit sa akin si Kazuki. Pakshet ka! Huwag kang lalapit dito. Pumikit ako ng mahigpit nang maramdaman ko'ng malapit na siya. Walang anu-ano'y huminto ang mga yapak. Dahan-dahan akong nagdilat ng aking mga mata.

"Maaasahan ka talaga, Shizu-chan!" Wika ni Kazuki na nakatayo pa rin sa likuran ko. "Hindi ko inaasahan na madali mo'ng maisasama dito ang lalakeng ipinapahanap ko sa iyo."

"Hisagi Yuuto ang pangalan niya, Kazuki-kun." Ani Shizumaru.

Tumingin ako kay Shizumaru. Hindi ako makapaniwala na kasabwat siya ni Kazuki. Pero bakit kailangan pa akong hanapin ni Kazuki? Ang akala ko ba'y huwag lang ako'ng magpapakita sa kaniya at wala na kaming pag-uusapan? Pero kung ganitong siya talaga ang hahanap sa akin, aba'y sigurado na ang katapusan ko.

"Bakit, Hitsugaya-kun?" Buong pagtataka kong nasambit. "May kasalanan ba ako sa iyo?"

Hindi sumagot si Shizumaru. Bagkus ay lumipat siya sa kung saan nakatayo si Kazuki, at napilitan ako'ng pumihit upang lingunin silang dalawa. Naroon nga sa aking harapan ang Yakuza boss na si Kazuki! Si Shizumaru naman ay matama lamang na nakatingin sa akin at walang anumang expression ang kaniyang mga mata.

"Sana ay mabilis kang tumakbo, bata." Wika sa akin ni Kazuki sa kaniyang malalim na tinig.

"Hindi patas to," sagot ko kay Kazuki, "sinadya mo akong hanapin."

"Kaya nga pagbibigyan kita'ng makatakbo. At hindi lang iyon, walang ibang hahabol sa iyo kung hindi ako lang. Pero kapag nahuli na kita, tapos ka na."

Nagsimula ako'ng humakbang paatras at inilibot ang aking paningin upang makahanap ng mabilis na ruta para makalayo sa lugar na ito.

"Bibilang ako ng sampu," pagpapatuloy ni Kazuki. "Pagkatapos noon ay hahabulin na kita."

Minsan pa ay tinapunan ko ng tingin si Shizumaru. Nakangisi siya. Pakshet to, ibinenta ako! Gusto ko pa sana siyang sugurin subalit nagsimula ng magbilang si Kazuki. Wala na akong nagawa kung hindi tumalilis palayo sa lugar na ito.

Sa tingin ko ay malayu-layo na rin ang nararating ko dahil ilang eskinita na rin ang sinuot ko -- hindi na ako mahahanap dito ni Kazuki. Napaupo ako sa malamig na sementong sahig sa sobrang pagod. 

Kinapa ko ang aking bulsa upang dukutin ang cellphone ko. Kailangan kong makatawag kay mommy para masundo niya ako. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko pala nabawi kay Shizumaru ang cellphone ko. Ampota! Kailangang makahanap ako ng payphone.

Nagsimula akong maglakad upang makahanap ng magagamit na telepono. Maingat ako sa paglalakad at palinga-linga sa paligid -- nag-aabang sa anumang senyales ni Kazuki. Pagpihit ko sa isang kalye ay biglang akong napahinto. Isang Lamborghini, na customized  leopard print ang pinta, ang nakaharang sa daraanan ko!

Bumukas ang mga headlights nito, dahilan upang masilaw ako. Dahan-dahang umusad ang magarang sasakyan papalapit sa akin. At dahil pilit kong tinatakpan ang aking mata laban sa nakakasilaw na ilaw ng sasakyan ay hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob nito -- pero sigurado na ako'ng hindi mapagkakatiwalaan ang nakasakay dito.

Pumihit ako upang makatakbo ng mabilis palayo subalit biglaan din ang pagharurot ng Lamborghini at mabilis itong huminto sa harapan ko. Nagsimula nang bumaba ang tinted window at nakita ko sa loob si Kazuki!

Macho Hearts Book 3: Sakura HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon