Shooting Star

11 2 0
                                    


~~~

"Waaaah ! Shooting star ! Wish !"

Sigaw sigaw ni Iya habang tinuturo ang shooting star na dumaan.

"Di yon shooting star. Bulalakaw yon"

"Ikaw Alex ang KJ mo !"

"Nagsasabi ako ng totoo, pwede ba hinaan mo boses mo, Tara na umuwi na tayo nakakita kana ng shooting star"

umalis na kami sa pwesto namin at pumunta sa motor ko. tuwing gabi nalang kami nandito sa grassland at mag-aabang ng shooting star. Di kami uuwi hanggat hindi kami nakakakita nun.

"sungit. Nagwish kaba ? ha ?"

masigla niyang sabi.

"Hindi walang kwenta yan. at hindi rin naman magkakatotoo"

"Ang bad mo talaga kahit kelan !"

Umalis na kami at umuwi. Alas dose na pala kainis na babaeng yon. Sa dinami daming pwedeng kaadikan sa shooting star pa talaga. Abnormal.

***

"Bestfriend !!!"

inangat ko naman ulo ko sa desk at tiningnan ang kakadating lang na Iya.

"Narinig mo ba ang balita ni Kuya Kim ?"

hindi ako umimik at pinikit nalang ang mata ko. Kahit alam niyang wala akong ganang makinig usap parin siya ng usap.

"May meteor shower daw sa myerkules, 9 sa gabi. Samahan moko ha ?"

masigla niyang sabi. Yong totoo pano pa siya nag karoon ng maraming energy ako kulang pa akonsa tulog pero siya aaays abnormal nga.

"Palagi naman eeh"

pumasok na teacher namin. Pagtapos ng isang oras natapos narin.

"Tara kain tayo"

tumango nalang ako, habanh naglalakad kami bigla nalang tumigil si Iya sa paglalakad

"Oh problema mo ?"

"Crush"

"Huh"

hinila niya ako ang bilis ng lakad niya. Di ko siya maintindihan. Abnormal.

"Iya !!"

"Oh shit"

Tumingin ako sa lalaking tumawag kay Iya. Si Kris yong crush ni Iya. Bakit parang naiinis ako ? Selos ? ang bakla ko naman kung ganun. Pero inaamin ko. May nararamdaman ako sa Bestfriend ko pero di ko kayang sabihin baka masira ang pinagsamahan namim.

"Oh Kris"

Halatang pilit ang mga ngiti ni Iya.

"May gagawin kaba mamayang gabi ? Dinner tayo"

"Eeh kasi manunuod kami ng Shoo--

"Malulungkot ako kung di ka papayag"

kainis talaga suntokim ko to eeh.

"O-Osige"

"Okay. Mamayang 7 pupuntahan kita sa Inyo"

Umalis na ang gonggong. Tiningnan ko si Iya ang lapad ng ngiti niya.

"Omyghad. Alex mag d-date ako mamaya ! Omy may date ako mamaya !"

"Ang saya. Tara nanga umuwi nalang tayo"

Half day lang kasi pasok namin kaya umuwi na kaagad kami.

humiga lang ako sa kama ko. Ang sarap matulog. Ipipikit ko na sana mata ko nang tumunong ang Cellphone ko.

"Hello?"

"Hello ? waaah Alex anu Isusuot ko !!"

nilayo ko phone ko sa tenga ko dahil ang ingay ingay niya.

"Ewan ko sayo. Ginusto mo yan diba ? bahala kana jan"

Calm kong sabi.

"Anu ba Alex. Hindi ka talaga nakakatulong sakin. Bakit kapag kailangan kita ganito ka sakin. Bahala kana sa buhay mo !"

-End call-

Bat parang ang sakit. Ang sakit ng sinabi niya. Tangena anu bang ginawa ko. Lahat naman ng gusto niya sinusunod ko aah.

Ilang oras ko siyang inisip at di ko namalayang pumunta na pala ako sa grassland at tumitingin sa langit.

Nag aabang ako ng shooting star ? Nakakatuwa lang hindi naman ako naniniwala don.

May dumaang shooting star. Pumikit ako at nag wish.

"Sana…Malaman na ni Iya ang nararamdaman ko sakanya"

***

Dito ako ngayom sa classroom namin. Di ako pinapansin ni Iya. Bukas na pala ang Meteor shower na sinasabi niya.

"Oii may meteor shower daw pala bukas sa gabi. Sabi nila kung sino daw makakasama mong manuod nun magiging forever mo na daw"

Narinig kong pag uusap ng mga classmate ko sa likod ko. Sumaya naman ako sa narinig ko. Si Iya makakasama ko.

hindi ako pinapansin ni Iya naiinis ako lalo nang nalaman ko na so Kris palagi kasama niya.

Isang araw akong hindi pinansin ni Iya. NakakaBilib nga kasi nakaya niya yon.

7:00 na. namamaguhan ako. First Time ko atang matulog ng maaga.

Knock-Knock

"Anak wala ba kayong lakad ni Iya ngayon ?"

"Wala po Ma. Matutulog napo ako"

"Ganun ba ? Sige"

Kinabukasan hindi ako pumasok. Para saan pa ? para mag mukhang tangang mag isa doon ?

Ilang oras na ang nakalipas at 8 na 9 ang meteor shower.

dali dali akong pumunta sa Bahay ni Iya.

"Tita si Iya po ?"

"Ha ? akala ko kayo magkasama ? pupunta daw sila sa grassland"

Nagulat naman akonsa sinabi ni Tita. Sino nanaman ang kasama niya ? Si Kris ?

"Ganun po ba ? Ocege po."

Dali dali akong pumunta sa motor ko at pumunta sa grassland bigla namang sumakit ang dibdib ko sa nakita ko.

Si Kris at Iya naka higa sa grassland at tumitingin sa langit

Ilang minuto lang ay biglang bumuhos ang mga bituin. Ang dami. Parang umuulan ng bituin.

Nakita kong tumayo si Iya. Ang saya niya tumatalon talon siya sa tuwa. Pano kaya kung ako kasama niya ? Masaya rin kaya siya.

Nakangiti akong pinagmamasdan siya. Aalis na sana ako nang bigla siyamg tumingin sakin. Halayang gulat na gulat siya.

"Alex !"

Tumakbo siya papunta sakin.

"Akala ko nakalimutan mo na Alex kaya si Kris nalang niyaya ko"

"Paano ko makakalimutan yon Iya ? Halos isang araw yon lang ang inisip ko. Dahil sabi mo sakin sasamahan kita. Baka ikaw ang nakalimot sakin. nakalimotan mong may Alex pala sa buhay mo"

Calm kong sabi. Nararamdaman ko nang tutulo ang luha ko.

"A-Alex ?"

"Sa 5 Taong pagsasama natin Iya lahat ng gusto mo sinunod ko. Halos hindi ko na magawa yong gusto ko. Tapos sa isang bagay lang na hindi ko sinunod ang gusto mo nagalit kana sakin. Pero okay lang. Makita lang kitang masaya Okay nako. Kasi Mahal kita Iya."

Umiiyak na siya. Bakit siya umiiyak ?

"Salamat sa 5 taong nakasama kita Iya. Sapat na sakin yon. Dito na natin tatapusin ang pagkakaibigan natin. Salamat Iya"

Nakayuko siuya umiiyak parin.

"At huling hiling ko sa bituin nayan. Sana maging masaya ka na wala ako. at sana maging masaya ka sa mga disisyon mo"

iniwan ko na siya. Mali ako. Mali ako dahil naniwala ako sa isang bulalakaw.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon