Nanginginig sa galit si Jeff dahil sinumbong ni Cindy sa kanyang kalaban na si Madam Jean ang kanyang sikreto. Nakatayo pa din ito at nanlilisik ang mga mata.
"José. Kumalma ka" himas ni Don Rolando sa kanyang likuran "Bakit? Ano ba ang nangyari? Ano ang sinabi ni Gwen sa'yo?"
"Tapos na ang maliligayang araw ko, Papá"
"Bakit nga, anak?"
"Alam na ni Jean ang tunay kong pagkatao" at nanlaki din ang mga mata ng matandang lalaki sa kanyang narinig "Sinumbong ako ni Cindy sa kanya"
"Si Cindy?? Ang asawa ni Riley?" at tumango naman si Jeff. Hindi rin mapakali ang matanda at pabalik-balik ang kanyang lakad. Hindi niya rin alam kung ano ang gagawin "E ano ang plano mo? Ano na ang magagawa mo?"
"Hindi ko alam, Papá. Hindi ko pa alam sa ngayon. Naguguluhan ako" sambit ni Jeff habang pinipiga niya ang kanyang mga kamao dahil sa galit "Gusto kong patayin ang Cindy na yon"
"Huwag. Hindi mo pwedeng gawin yan, José" sabat ng matanda
"Bakit hindi, Papá? Sinira niya ang mga plano ko" habang tumataas ang boses niya kay Don Rolando "Wala nang kuwenta ang pagbabalik ko dahil sinira niya na. Kaya dapat lang sa kanya na mamatay"
"Nahihibang ka na ba?? Kung gagawin mo yan, malalaman ni Jean na namatay si Cindy. Maiisip niya na guilty ka sa sinabi niya" dugtong niya kay Jeff "Kaya kumalma ka lang diyan, José. Naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan dahil mataas pa ang emosyon mo" payo ni Don Rolando "Magpahinga ka muna at magpalamig ng utak at kapag kumalma ka na. Doon ka mag-isip ng magiging plano mo, hindi emosyon ang pinaiiral sa mga desisyon dahil lalo pa lalala yan. Naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan." payo ni Don Rolando.
Napaisip si Jeff sa mga sinabi sa kanya ng matanda. Tama nga si Don Rolando sa mga sinabi sa kanya. Hindi emosyon ang pinapairal kapag nagpaplano, dapat ay ang utak.
Humiga siya sa kama para magpakalma at para makapag-isip ng derecho. Pagkalipas ang ilang sandali ay nakatulog ito. Pinabayaan na lamang ni Don Rolando ang anak sa pagtulog.
***
Araw ng Linggo.
Maagang gumising si Jeff para ihanda ang kanilang mga gamit para sa kanilang paglipat sa bagong biling mansyon ni Don Rolando.
Pagkalipas ng isang oras ng kanilang pagliligpit ay handa na silang umalis.
"José. Alis na tayo?" pero hindi siya sumagot sa tanong ni Don Rolando "Okay ka lang?" at tumango na lang siya "Parang hindi. Tungkol pa rin ba 'to kagabi?"
"Opo Papá"
Imbes na pinagalitan ang anak ay tinapik ng matanda ang balikat ng kanyang anak. "Everything will be alright, anak" ngiti niya kay Jeff "Basta ang payo ko lang sa'yo ang tatandaan mo. Kalkulado dapat ang mga gagawin mong mga galaw, okay??"
"Opo"
"Muy bien, José. Alam ko na malalampasan mo ito"
"Salamat, Papá"
"So, alis na tayo?"
"Hmmm. Baka ikaw na lang muna, Papá"
"Bakit naman?"
"May pupuntahan po ako ngayon eh" paliwanag ni Jeff sa kanya "Kailangan kong pumunta sa opisina ni Richard Teng ngayon para sa signing of contract"
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Teen FictionAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...