The Heiress - Chapter 21 (Pagsabog ng Galit)

244 10 1
                                    


Pagkatapos ng pag-uusap at pagkakapipirmahan ng kontrata nilang dalawa ni Richard ay nagpaalam si Jeff na umalis dahil may pupuntahan pa siya.

Habang nagmamaneho ito ay parang gumaan ng kaunti ang kanyang loob dahil may bago na siyang kakampi. Tutulungan siya ni Richard para sa tuluyang pagbagsak ni Madam Jean.

Nang pagkadating niya sa bahay nina Nathan at Cindy ay kaagad siyang kumatok sa pintuan.

Sa pagbukas nito ay bumungad sa kanya ang ina na nakatayo at siyang bumukas ng pinto.

"Nay..." sabay yakap ni Jeff ng mahigpit

"Jeff? Grabe na-miss kita anak" taking tanong ni Joyce sa anak "Akala ko ay hindi na tayo ulit magkikita"

"Hinding-hindi mangyayari iyon, nanay" sagot ni Jeff "Andiyan ba si Cindy?"

"Wala siya anak. Pumunta siya sa palengke" paliwanag ng ina "Teka, bakit ka ba nandito, Jeff?"

"Mabuti naman kung ganon. Huwag ka na pong magtanong nanay. Umalis na tayo dito"

"Ha?? Bakit naman? Saan tayo pupunta, anak?"

"Isasama na kita sa akin, nay"

"E bakit? Masyadong mabilis naman yan anak"

"Basta nay" sabay hila ni Jeff sa ina "Sumama ka na. Diba nangako ako sa'yo na magsasama na tayo?? Ito na nay. Sumama ka na"

"E paano sina Riley at ang pamilya niya?"

"Importante pa ba yun??" sambit ni Jeff habang nagmamadali ito "Sigurado naman ako na maiintindihan yan ni Riley eh"

"Basta anak. Ayaw ko munang sumama sa'yo"

"Ha...?? Bakit nay?" nagtataka si Jeff dahil ayaw sumama ang ina sa kanya. "Tayo na nay, okay? Baka maabutan niya pa tayo" hinila muli ni Jeff ang nanay palabas ng pintuan. Pero nagulat ito dahil napa-aray ang ina. Tumingin siya sa ina kung bakit siya napasigaw "Nay?? May masakit ba sa'yo?"

"Ha??? Ehh. Wala anak" tarantang sagot ni Joyce sa anak "Malakas kasi ang pagkakahatak mo sa akin eh"

"Anong malakas? Mahina kaya yun" sagot ni Jeff. Umiba ang mukha ng ina niya at hindi ito makatingin ng derecho sa kanya. Parang alam niya na kung ano ang dahilan ng pagsigaw ng ina "Nay... magsabi ka nga ng totoo. Sinasaktan ka ba ng Cindy na yon?"

"Ano ba ang pinagsasabi mong yan, Jeff?? Hindi ako sinasaktan ni Cindy. Mabait na bata yan"

Hindi siya naniniwala sa sinabi ng ina sa kanya. Nagdesisyon na lang siya na hubarin ang damit ng ina dahil nagdududa na talaga ito.

At doon siya nagulat sa mga pasa at lapnos ng balat ng ina.

Doon nagdilim ang paningin ni Jeff nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran "At ano ang ginagawa mo dito??" nanlaki ang mga mata ni Joyce at dahil nakatayo na doon sa likuran ng kanyang anak si Cindy "Ang kapal din talaga ng pagmumukha mo na pumunta pa dito??! Bakit?? Nangangati ka na naman ba at ang asawa ko ang hinahanap mo??!!"

Humarap si Jeff sa kanya at pinakita ito ang balat ng ina niya na nasa kanyang likuran niya. Nanlaki ang mga mata ni Cindy dahil alam na ni Jeff ang mga pinagagawa niya sa matanda.

Hindi niya napigilan ang sarili at sinampal ito ng malakas "Yan ang para sa pagbuko mo sa akin kay Jean!!" at sinampal niya ulit at ang likuran na ng palad ni Jeff ang tumama sa pisngi niya "Yan ang pagtawag sa akin ng kabet!!" Nanggigigil si Jeff sa galit at sinakal niya si Cindy. Pilit pinigilan ni Joyce ang anak pero malakas ito at hindi niya kaya ang lakas ng anak "At para ito sa pananakit mo sa nanay ko bweset ka..!! Insultuhin at patayin mo lang ako PERO HUWAG ANG INA KO!! NAIINTINDIHAN MO??!!!!" hindi makagalaw at makahinga si Cindy sa pagsakal sa kanya ni Jeff "Don't worry Cindy. Hindi kita papatayin dahil si Riley na ang bahala sa'yo. Tignan lang natin kung mamahalin ka pa niya kapag malaman niya ang ginagawa mo sa ina ko!!"

The Heiress (A CHINITO BOOK III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon