"Manong, san po ba dito yung bahay ng mga Espiritu?", tanong ko sa isang mama na nag-iinom kasama yung mga katropa niya sa kalye.
"Ah? Ihahatid ka nalang namin dun.", malasing na sabi ng mama. Agad naman akong dinakutan ng kaba nang hinawakan ako ng mama sa braso. Napangiti na lamang ako at umiling.
"Wag nalang po. Kaya ko naman po.", parang lasing ata si Kuya. Namali ako sa tinanungan na tao. Mas hinigpitan pa niya yung paghawak niya sa braso ko. "Umm. Manong, pwede na po ba niyo akong bitawan?"
"Ikaw na nga tong tutulungan eh, ikaw pa 'tong aayaw!", sigaw niya at hinila niya ako at hinagis sa may puder ng tindahan. Aray, ang sakit ng braso ko.
Nagniningning ako sa kaba at takot. Lumapit yung mama sa akin inapakan yung kamay ko. Shete, ansakit. Nakita kong kumunot yung noo ng mama habang nakatingin sa akin.
"Tama na po please", nababasag na boses kong sabi. Hay naku, papatulan ko ba 'tong matandang 'to? Agad naman akong tumayo at kinompose yung sarili ko. Hindi dapat ako nagpapadala sa takot.
"Asan ka pupunta ah? Hindi pa tayo tapos!", sigaw ng mama sabay hawak ng kamay ko. Agad kong tinaas yung paa ko at sinipa yung kiliran ng mama.
"Manong Edie, wag niyo pong saktan yung---", may isang boses akong narinig sa likuran ko. Agad naman akong lumingon at yumuko. Paktay, baka isipin nito na senior citizen harasser ako.
"Sorry po. Self-defense po yung ginawa ko", paumanhin ko sa lalakeng iyun. Bigla namang tumawa yung lalake kaya napaangat ko yung ulo ko sa kanya.
"No.. Wag kang mag-alala. Ganyan talaga yang si Mang Edie kapag gising eh. Ako nga pala si Keanu, parang hindi ka taga-dito. Hindi kasi kita nakita eh. Ngayon palang.", pabirong sabi niya kaya napangiti na lang ako sa kanya. "Nagulat nga ako nung sinipa mo si Manong eh. Pasensyahan niyo nalang siya"
"Ako naman si Irish... Irish Brillantes. May hinahanap akong bahay. Bahay ni Tito Edwin Espiritu.", sabi ko at nakita kong nagulat siya sa tanong ko.
"Alam ko kung asan yun. Tara samahan na kita", sabi ni Keanu at nagsimula nang lumakad. Sumunod naman ako sa kanya hanggang nakaabot kami sa isang malaking magagarang bahay.
"Ito yung bahay ni Tito Edwin. Tara, pasok tayo", sabi niya at binuksan niya yung gate.
"Pwede tayong pumasok? Hindi pa man tayo ng doorbell", naguguluhan kong tanong kay Keanu. Nakita kong ngumiti siya at pumasok lang siya na hindi sinagot yung tanong ko.
"Nga pala Irish, bakit mo pala hinahanap yung pamamahay ni Tito Edwin?"
"Sabi kasi niya yung last kaming nagkita sa Manila na pwede akong mag-apply bilang maid dito. Pinalayas kasi ako ng mga tiyahin ko eh. Kaya sabi niya dito muna ako"
"Ahh.. Ganun ba. Ang hirap naman ng sitwasyon mo", sincere na sabi ni Keanu kaya yumuko naman ako. Napalingon ako sa isang room na ang sobrang ingay na parang may nagpapiano. Hindi naman ako huminto sa paglalakad at sumunod parin kay Keanu.
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Teen Fiction(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...