Mommy (One Shot)

125 6 3
                                    

Nandito ako sa mall kasama ang boyfriend kong si Ron. Masaya kaming naghahanap ng couple shirt para sa nalalapit naming first monthsary.

"Grabe bat wala ng couple shirt ngayon?" Inis na tanong ko sa sarili ko.

Nabigla naman ako ng niyakap ako ni Ron. Ghaaad! Nandito kami sa mall. Hindi ko pa din alam anong nagustuhan ko dito kay Ron. What I mean is kwento siya ng kwento ng about sa amin pero wala talaga akong maalalang nangyaring ganon.

Dahil ba yon sa car accident na natamo ko five months ago? Sabi ni Ron sa akin magpupunta daw dapat kami ng Pampanga non kaso nabunggo yung kotse namin.

Nakalimutan ko pa lang magpakilala. Ako nga pala si Cheska Schedusan. Yup, i'm half kano.

"Babe diyan ka muna ha? Nagtext si Roger magkita daw muna kami saglit." Paalam niya sa akin. Edi go!

Naglibot libot muna ako sa loob ng mall. Hanggang sa napadpad ako sa isang store na punong puno ng stuff toys. Ang cucute ng mga teddy bear. Gusto ko sanang bilhin kaso ayaw ipahawak ni Ron sa akin yung mga wallet ko saka cellphone. Kahit nga ID eh!

"Hi Mrs! Long time no see. Kamusta po kayo?" Sabi nung sales lady sa akin. Tumingin naman ako sa paligid ko pero ako lang ang kausap niya. "...ibibili niyo po ba si Sophia ng bagong teddy bear?" Dagdag pa nito sa akin.

"Miss sorry ha. Miss pa lang po ako, saka ngayon lang ako napadpad dito. Ano pong sinasabi mo? At sinong Sophia?" Tanong ko sakaniya.

Sasagot pa sana siya ng may biglang yumakap sa akin na batang babae. Siguro 2 years old na siya. Ang cute cute niya! *O*

"MOMMY!!!" Nagsimula ng umiyak ng umiyak ang bata habang hawak hawak niya ako. "Mommy... *huk* you're here!!! *huk* please don't leave us again." Naawa naman ako sa bata kaya kinalong ko siya.

"Mrs. Siya po si Sophia nagkaroon po ba kayo ng amnesia kaya hindi niyo siya makilala?" Tanong nung sales lady.

Yakap yakap ko pa din si Sophia kaya hindi ako makaalis. Baka hinahanap na ako ni Ron.

"CHESKA?! Sht! Baby, ikaw ba yan?!" May baritonong boses ng lalaki ang narinig ko di kalayuan. Lumingon ako ng dahan dahan at nakita ko ang isang gwapo at matinong lalaki na papalit sa amin.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Halika. Uwi na tayo. Namiss ka namin."

Hindi ko alam kung bakit sumama ako sakanila. Habang nasa kotse kami at tulog na si Sophia ay nagtanong ako sa lalaki.

"Mister, sino ka ba?" Tanong ko sakanya.

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. "Baby naman wag kang magbiro ng ganyan. I'm Kyle, your husband at yung batang yon ay si Sophia anak natin. Nagpakasal tayo 3 years ago at binigyan tayo ng isang magandang prinsesa."

"Sige magkwento ka. Wala talaga akong maalala eh." Sabi ko sakanya. Nararamdaman kong magkilala talaga kami matagal na.

"Edi ayon nga, five months ago. Namamasyal lang tayo ng biglang may kumuhang lalaki sayo at yun si Ron. Matagal na yung baliw sayo hinabol namin kayo pero inuntog ka ni Ron sa poste kaya ka nawalan ng malay. Akala namin ng mga pulis noon hindi niya gagawin yung banta niya. Pero baliw na talaga siya wala na siya sa tamang pag-iisip. Tumawag kami ng ambulansya noon pero tinakbo ka na ni Ron palayo. Sinubukan namin kayong habulin pero wala na. Nakalayo na kayo...." Nagulat ako ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko at may tumulong luha galing sa mga mata niya. "I'm sorry baby...Sana patawarin mo ako.. pangako babawi ako sayo."

Bigla na lang sumakit at ulo ko. And everything went black.

Nagising na lang na nasa puting kwarto ako.

Mommy (ONE SHOT) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon