Ako nga pala si Marco Ferrer. Graduate na ako bilang isang doktor. I have a wife, and she's sleeping right now beside me.
Ang ganda niyang tignan pag tulog siya, ang amo nang mukha. Siya si Jane. Limang taon na kaming kasal. Masaya naman kami pero malungkot rin, dahil wala pa kaming anak.
Nagsusulat ako ngayon. Sinusulat ko sa isang notebook, yung love story namin nang asawa ko. Nagtataka ba kayo kung bakit? Kasi may amnesia siya. At, gusto kong ipaalala sakanya lahat lahat nang mga memories namin. The good and also the bad.
And after a week of writing, natapos ko na rin sa wakas yung sinusulat ko.
Nag aalmusal kami ngayon habang binabasa niya yung sinulat ko para sakanya. After reading it ay umiiyak siyang lumapit skin.
"Waaah. Sorry talaga kung kinalimutan kitaaa!" Umiiyak niyang sabi sakin habang nakayakap. She's really innocent. I hugged her tight.
"Hush, baby. It's fine." I told her habang hinahaplos yung likod niya. After a few minutes of crying ay medyo tumahimik na rin siya, pagkatingin ko ay nakatulog na pala siya sa balikat ko.
Binuhat ko siya at hiniga sa sofa. I kissed her forehead, cheeks, nose and lastly, her lips. I smiled and went to the kitchen para iligpit at hugasan ang pinagkainan namin.
Pagkatapos ko ay binalikan ko naman siya sa sala at umupo sa sahig habang tinititigan ang mukha niya. Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Kahit na may amnesia siya ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya.
*Few months later*
"Honey! Mag grocery lang ako ah." Sabi sakin ni Jane.
"Sure, take care." Sabi ko naman and gave her a peck on the lips. Sumakay na siya sa kotse at kumaway pa sakin bago umalis.
Nagbihis na rin ako dahil may trabaho ako ngayon sa ospital.
"Babyyyy." Nakangiting sabi ko and she giggled.
"Daddy's have to go to work, okay?" Sabi ko at kiniss sa noo si Baby Xiara. Anak namin ni Jane. She's one month old now.
"Nana, ikaw na bahala kay Baby Xiara ah." Sabi ko naman sa katulong namin. Malaki yung tiwala ko sakanya dahil simula bata ako ay siya na yung yaya ko.
"Sige na hijo. Ako nang bahala dito." Nakangiting sabi ni Nana. Kaya naman umalis na ako.
Busy ako sa ospital dahil sobrang daming pasyente na inaadmit.
*Ringgg* *Ringgg*
Pagkakita ko ay si Nana pala yung tumatawag. I answered it.
"Hello, what is it?" Tanong ko.
"H-Hijo. S-si J-Jane naaksidente." Nauutal na sabi pa nito.
"Kanino niyo nalaman?!" Nag hihysterical na tanong ko.
"May tumawag lang sakin. Tapos diyan rin siya sa ospital kung saan ka nagtatrabaho iaadmit." Sabi naman nito. Kaya binaba ko na agad at pumunta agad admitting station.
"Jane Ferrer." I asked.
"Nasa ICU po siya ngayon doc." Sabi nito at dali dali akong pumunta sa ICU. Umupo ako sa sahig habang naghihintay. Nang bumukas ito ay agad akong tumayo.
"How's Jane?!" Naiiyak na tanong ko.
"She's fine now. Pero may problema." Sabi naman nito. Pagkatapos niyang iexplain sakin ang lahat lahat ay pinuntahan ko si Jane kung saan kwarto siya dinala.
Umupo ako sa tabi niya habang hinhawakan yung kamay niya.
"Hey, wake up Hon." I whispered at her at minulat naman niya yung mata niya.
"Sino ka?" Pambungad na tanong niya sakin. Hindi ko na napigilang hindi umiyak pa. After a few second ay nakatingin pa rin siya sakin.
"Sino ka?"she asked me again.
"Your husband." I smiled at her kahit na umiiyak pa rin ako. Nakita kong gulat siya sa sinabi ko. Pero nawala rin yun pagkaraan nang ilang segundo.
"Sino ka?" She asked me again.
"Marco, your husband. I love you." I smiled at her at kiniss ko yung noo niya.
May ten seconds amnesia siya. Mas malala kesa sa dati. Kasi ngayon, bawat sampung segundo ay nakakalimutan niya lahat. Pero kahit ganun ay hindi ako nagsawang ipaalala sakanya na mahal ko siya. Kahit na segu segundo pang nawawasak yung puso ko sa tuwing hindi niya ako naaalala ay okay lang. Mahal ko kasi siya, kaya kahit na mahirap ay hindi ko siya susukuan. Alam kong pati siya ay nahihirapan, kaya ako yung magpapakatatag para sa amin.
Every ten seconds ay nakakalimutan niya kami nang anak niya. Pero hindi kami nagsasawang iparamdam sakanya yung pagmamahal namin para sakanya.