Chapter 1

33 1 0
                                    

"Ano ba!? kanina ka pa dyan ah hanggang ngayon hindi ka parin tapos? pagong ka ba!? ha!?" sigaw nya sakin kaya napabilis ako dun sa ginagawa ko.





Pssh. kala nya naman madali tong ginagawa ko! ang hirap kayang mag-linis ng swimming pool. ang laki-laki nito. Oo! Pinaglilinis nya ako ng swimming pool. Ang lakas ng trip nya no? -__-





Siguro after 2 hours na paglilinis ko eh, natapos ko na din. at ngayon nilalagyan ko na sya ng tubig.




At nung malapit ng mapuno eh, pinatay ko na din yung tubig.







Hayyyy! nakakapagod ah. Suya talaga yung lalaking yun, kung anong maisipang ipagawa, ipapagawa sayo. nako! bakit ba ako nasa sitwasyon na to? Hayyy Nako Onyok! Ganto ba talaga pag nagmamahal? nagpapakatanga ka?






Bago ko sya tawagin, nai-pusod ko muna yung buhok ko. kinuha ko yung bag at sapatos ko dun sa upuan At pumasok dun sa may cr dun sa may malapit sa pool. at nag-palit ng damit, binuksan ko naman yung bag ko.







"Anak ng teteng naman oo, sando at tokong lang nadala ko?" naiinis na tanong ko sa sarili ko.




Pano to? Ayaw nya na makikita nya kong naka-sando, baka magalit sakin yun. Hindi pa naman to kagaya nung sando na tinanggal lang yung manggas. Hayyy! bahala na nga. kesa naman umuwi akong mukhang dugyot at dahil basang basa tong damit ko at pantalon ko. At yun nag-bihis na nga ako at nag-pulbos. pero bago lumabas naisuot ko muna yung sapatos ko. at naisakbat na yung body bag kong dala.





At yun pumasok na ko sa bahay at tumaas. Nung nasa tapat ako ng kwarto nya. kumatok muna ako.






"Pasok!" sigaw mula sa loob kaya naman pumasok ako. nakita ko syang naka-higa sa kama habang nag-la-laptop.






"Tapos ko ng linisin yung swimming pool pati nilagyan ko na din ng tubig. Uuwi na ko. Bye!" sabi ko at tumalikod na,. pero hindi pa ako nakaka-hakbang ng paa eh. bigla syang sumigaw.







"Diba sinabi ko sayo na wag kang mag-sa-sando!? ilang beses ko bang dapat sabihin!? ha!?" medyo naiinis nyang sabi. napa-harap naman ako, at nagulat akong nasa harapan ko na sya.





"A-ah eh, w-wala na kasi akong extra shirt na dala. sando pala yung nadala ko. sorry." sabi ko sa kanya.





Hindi sya sumagot imbis, pumunta sya dun sa may closet nya at binuksan, sandali lang ay bumalik na syang may dalang t-shirt na red. kinuha nya yung kamay ko at hinila papunta dun sa cr sa kwarto nya.






"Magpalit ka ng damit." sabi nya sakin at binigay yung t-shirt at pinapasok ako sa cr. kaya naman wala akong nagawa kundi magbihis nga. Nung nabihis ko na, tinignan ko sa salamin. medyo mahaba, pero tingin ko bagay lang naman sakin. kaya ayun lumabas na ako sa cr.




nakita ko naman napatingin sya sakin, ewan ko kung napuwing lang ako o kung ano pero nakita ko syang ngumiti. Yung ngiting minsan nya lang ipakita sa iba.






Lumapit ako sa kanya.






"Ngumiti ka ba?" tanong ko sa kanya. napa-ayos naman sya ng pagkahihiga sa kama.






"Hindi no! wag ka nga." sabi nya at umiwas ng tingin.






"Sus! ngumiti ka eh. ayaw pang aminin." sabi ko naman.






"Eh ano naman kung ngumiti ako? anong problema? masama ba?" sunod-sunod na tanong nya.






"Hindi naman, nakaka-panibago lang. kasi minsan ka lang ngumiti." sabi ko na nagpatahimik sa kanya ng sandali.





"Pssh. Umuwi ka na nga lang. Kita na lang tayo sa School bukas." sabi nya at tumayo saka ako pinagtulakan papalabas ng pinto.





at ng nasa labas na ako ng pinto nya humarap ako sa kanya, bigla syang tumungo at mabilis akong hinalikan sa labi.






"Ingat! Bye!" sabi nya at nai-sara yung pinto.






medyo bastos no? psssh. pero sa loob-loob ko kinikilig ako. hihihi. enebe! hahaha kaya wala akong nagawa kundi umuwi na nga rin.





------------------------------------------------------



I've decided na hindi na ituloy yung "Si Crush Pa-Fall." madami akong naiisip na pwedeng mangyari, yung tipong, iiyak, tatawa, maiinis ka pag binasa mo kaso nga lang TINATAMAD AKO eh hindi ko na natuloy! hahahahaha





pero guys, ngayon. totoo na to! sure akong tatapusin ko to, pero try ko munang lagyan ng ending yung dalawa ko pang story. Hihihi. Pero tatapusin ko to. Promise!




and guys, try watching Devil Beside You a Taiwanese Drama. Starring Mike He and Rainie Yang. Ganun yung idea nitong story. 😁 pati ang pogi ng bidang lalake dun. ang sarap pa. hahahaha




Yun lang! Hope na tumantilik kayo! 😚



By: rmstn21 (Chaypachu)

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon