The Fight for the Blue and the White

30 0 0
                                    

People used to ask me kung bakit maka-Ateneo ako. Lagi nilang sinasabi na mas magaling ang La Salle o mas maraming naipalo ang FEU. Mga ganung bagay ba. Ang lagi ko lang sagot,"ONE BIG FIGHT!"

Bata palang ako, hindi pa man ako fan ng volleyball, Ateneo na ang dream school ko. Hanggang ngayon naman. Hindi ko alam kung ano talagang meron sa school na yun pero naniniwala ako na prestihiyoso talaga yun. I always wanted to become an Atenean. And at some point, I did. Hindi man literal pero masasabi kong Atenean at heart ako.

Hindi ko na matandaan yung unang beses na napanood ko sa tv ang UAAP volleyball. Matagal na yun eh. Sabi ng tita ko, panahon pa daw ata ni Balse yung unang napanuod ko. Pero nung time na yun, wala akong interes talaga.

First year high school na ata ako nung una kong mapanuod ang Ateneo na maglaro. Batch yun nila Dzi. Ewan ko ba, hindi naman kasi talaga ako sports minded na tao. I watched basketball pero yung paliga lang dito samin. Pero yun nga, nung napanuod ko yun, narealize ko na may puso pala ko para sa sports. Pusong polar bear na matagal naghibernate pero nagising na.

Natatandaan ko pa, ang favorite ko talaga nun eh si Gretchen at Fille. Naging popular din yung UAAP volleyball dun sa batch na sumunod samin. Nung time na yun, matindi na ang rivalry ng green at blue. Naalala ko, nakikipag-asaran pa samin yung mga schoolmate namin na DLSU fan.


Maraming pagkatalo na naranasan ang Lady Eagles pero hindi talaga ako nagchange of heart. Naniniwala talaga ako na kaya nila. Kahit lagi akong inaasar ng iba na hindi naman daw magaling yung team or whatever, sila pa din yung pinili ko.

Last year ng Fab 5 nun tapos natalo sila. Ang sakit isipin. Ang hirap tanggapin. Feeling ko nun natalo din ako. Pero sabi ko nun, one big fight pa rin. Kahit mawawala na yung mga paborito kong seniors, naniniwala ako na masusungkit pa din ng team yung championship. At hindi ako nagkamali.

So yun nga, season 76 nung inuwi ng Lady Eagles ang kampeonato sa Katipunan. Sobrang nakakaproud. Ang sarap sa pakiramdam na yung team na ilang taon mong sinuportahan eh naachieve na yung goal nila.

Season 77,hindi lang women's volleyball ang sinusuportahan ko. Pati yung men's team na din. And I guess, yung season na yun ay itinadhana para sa mga ipinaglalaban ang puti at asul. The Lady Eagles bagged their back to back championships tapos nasungkit din ng Blue Spikers ang kampeonato. Sobrang saya talaga. Sobrang memorable nung season na yun kahit grumaduate na yung paborito ko, si Denden Lazaro.

And then last year nagsimula yung season 78. Itong season na ito, ito yung pinakaclimax ng pagiging volleyball fan ko. Finally, after how many years ng pagsubaybay ko sa tv, nakapanuod na ko ng live. Hindi lang basta live, Finals yun. Game 1. Men's at women's pa. Dream come true!

Ngayong season 78 din, mas naappreciate ko yung men's volleyball. Mas gusto ko na syang panuorin kesa sa women's. Kaso sa kasamaang palad hindi ipinapalabas ng live lahat ng match.

And yun nga, natapos ang season na 'to at naggraduate na din ang mga paborito ko. The Blue Spikers got the championship pero hindi pinalad ang Lady Eagles. But it was a great season after all. Volleyball is starting to get more popular. Nakakatuwa.

Marami pang season na darating. Marami pang players na lalaban suot ang blue and white jersey. Maraming pusong polar bear pa ang magigising. Maraming beses pa tayong papalakpak at sisigaw. At sana sa mga panahong yun, magkakasama pa rin tayo. Magkakasamang masaya, nagkakaisa at may matibay na puso para sa team na pinili nating suportahan. Magkakasamang naniniwala, nagtitiwala at lumalaban. Sabay-sabay pa nating isisigaw ang "Go Ateneo! One Big Fight!" kahit #TeamArena man tayo, #TeamBahay o #TeamInternet.

Wag kang mawawala ah? I will always fight for the blue and the white. Sana ganun ka rin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fight for the Blue and the WhiteWhere stories live. Discover now