JAYZEN
Ilang linggo na ang nakalipas magmula ng payagan niya akong ligawan siya. Walang araw na lumipas na hindi ako naging masaya. Nag-eenjoy ako sa panliligaw sakanya. Hatid-sundo. Ako bumibili ng lunch niya pero ayaw niya yun dahil raw masyadong magastos pero syempre napipilit ko rin siya. Lumalabas kami minsan kapag walang pasok. Dinadalaw ko siya sa bahay nila. Kinakantahan at kung anu-ano pa.
"Hijo, kamusta na ang mga magulang mo?" Ngingiting tanong ni Tita Amy, ang mommy ni Lizzy sakin.
"Okay lang po sila... Si Dad busy po and si Mom sinasamahan niya si dad."
Nandito ako sa bahay nila. Naka-upo sa sofa. Hinihintay ko pa si Lizzy.
"Ah mabuti naman kung ganoon, ng hindi masyadong mapagod si Dave hahaha!"
"Oo nga po.. Ah tita... Pwedi po ba kaming lumabas ni Liz sa Sunday?"
Sana pumayag..
"Oo naman, basta ba iuuwi mo siya ng buo eh no problem! Hindi ka pa ba sinasagot ng batang yon?" Natatawnag tanong niya.
"Hahaha! Hindi pa po tita. Hindi ko rin naman po siya minamadali..."
"Ah ganun ba? Akala ko pa naman kayo na... Malapit na yan, hijo wag kang mag-alala. Alam ba ng parents mo ang relasyon niyo ni Liz?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Opo... Gusto rin po nila si Liz. Mabait naman po kasi siya." Ngumiti ako.
"Moommyyy! Jayz, anong sinabi sayo ni mommy ko? Momm--"
Tumakbo pababa si Lizzy kaya nalangiti ako.
"Lizzy! Wala ah... Diba hijo?"
Tumango naman ako habang tumatawa.
"Oo naman... Walang sinasabi si tita Liz..."
Natatawa paring sabi ko.Pinagmasdan ko siya. Ang simple talaga nito. Naka shorts lang siya at simpleng long sleeves.
"Buti naman, ahahah! Tara akyat na tayo.. Mommy akyat muna kami ah.." Paalam ni Lizzy kay Tita Amy.Sinuklian naman ni tita ng ngiti si Liz at tumango. "Sige... Hijo..." Tinignan niya ako kaya napatingin ako sakanya. "Ikaw muna bahala kay Lizzy ah? Pupunta lang ako sa AZIS ngayon... Alam niyo na, wala na si Diztom."
"Sige po tita. Ingat po... Ako bahala sa anak niyo.." Tumayo na ako at pumunta sa tabi ni Lizzy.
"Ingat mommy...." Hinalikan niya ang mommy niya sa pisngi at tinignan na niya ako. "Tara na, Jayz?"
BINABASA MO ANG
Musically In Love (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiLIZZY ALIZUMA. Pangit. Super Hirap. Tahimik. Maitim. Mangmang. Walang talent. MATAPANG "DAW"! Yan ang mga katangiang wala sa kanya, kaya huwag na ninyong hanapin dahil mapapagod lang kayo. Mahina man siya sa pag-ibig sa inyong paningin, sa mga des...