Their Story

44 4 0
                                    

[Scarlet Forte]

Ang tagal!
Inip na inip na ko kakahintay sa damuhong dugong na si Brylle. Ang napakawalang hiya kong classmate.
May parusa kasi kaming dalawa. Gagawa lang naman kami ng script of a romantic play at kami ang magdidirek sa mga actors. Yung play, mangyayari lang naman THREE FUCKING DAYS from now!
'Langya!
Tapos babagal-bagal pa siya eh samantalang nasa tapat lang ng kinatatayuan ko ang bahay nila.
Yep, we're neighbors. Katunayan nga niyan, childhood bestfriends ang mga nanay namin. Sa sobrang close nila, nagbuntis si Tita Bea kay Brylle, ayun at bigla na ding nabuntis si Mama sa akin. Mga loka-loka eh.
Tumawid ako at kinalampag yung gate nila. Sa bahay kasi ang usapan naming gagawa ng script.
"PUNYETA KA BRYLLE! LUMABAS KA JAN! KANINA PA KO NAGHIHINTAY DON DAMUHO KA," sigaw ko, yung tipong labas na lahat ng ugat ko sa leeg.
Nakita kong sumilip siya sa bintana at ang laki ng ngiti. Pinakyu ko siya, kindat lang ang ganti niya.
Oo, gwapo siya. Oo, cute siya. Oo dati crush ko siya. Pero dati yon, ngayon kasi mahal ko na siya. Puta ang corny. Pero wala eh, ganon talaga.
Dinadaan ko lang sa galit yung pakikitungo ko sa kanya. Palagi kasi akong nagseselos kasi masyado siyang malapit sa mga babae. At ayoko nun, kaya lang, sino ba ako, di ba?
"Hi sweetheart," pang-aasar niya.
Okay na sanang kiligin dahil iyon talaga ang tawag niya sa akin kahit noong mga bata pa kami. Kaya lang mahirap umasa..
"Sweetheart-in ko yang mukha mo, parang gago---Puta! Anong suot yan?" Nagulat ako sa porma niya. Nakapang-alis kasi.
"Bakit pangit ba?" tanong niya.
"Hindi," sabi ko.
Ay shit!
"I mean, yung damit hindi, pero yung nagsuot. Hmm. Oo, pangit," pambawi ko na lang.
"Ay 'sus, sweetheart para namang hindi ko alam na gwapong-gwapo ka sakin. Hahaha umamin ka na kasi," sabi niya.
"Ulul! Wag ako ginagago mo! Badtrip ako sayo tangina mo!"
Lumakad na ako pabalik ng bahay. Sumunod siya.
"Sweetheart, alam mo bat ako nakaporma?" tanong niya.
"Kasi baliw ka"
Hindi niya pinansin yung sinabi ko. "Kasi magdedate kami ng mahal ko." sabi niya.
Ako ba yon? Tumingin ako sa kanya at todo ngiti siya.
Imposible.
"'La kong pake." Binuksan ko na yung gate at dumiretso na sa loob ng bahay. Nakasunod lang naman siya sakin.
Umupo siya sa couch sa sala at iniwanan ko siya sandali para kumuha ng cookies that I baked for him. Iyon ang kakainin namin.
Paglabas ng kusina ay wala na siya sa sala.
"Sweetheart, ano to?" narinig kong tawag niya.
Napatingala ako sa second floor at nakita siya sa harap ng kwarto ko. Hawak hawak ang isang CD.
Shit!!!
Porn movies yun! Gosh!
Binitawan ko ang mga pagkain sa tray at patakbo siyang sinugod sa second floor. Tumakbo naman siya papasok sa kwarto ko at nilock iyon habang tumatawa.
"Puta ka Brylle!! Don't watch that! Mamamatay ka!!" kinakalampag ko ang pinto ng kwarto ko.
"Ooopppsss!!! PLAY!" sigaw nito galing sa loob.
Naiiyak na ko! Nakakahiya kasi eh!!
Sumalampak ako sa labas ng kwarto ko.
Maya-maya binuksan na niya ang pinto. Sinamaan ko siya ng tingin, saka pinunas yung mga luha ko.
Masama din tingin niya sa akin.
Pumasok ako ng kwarto at binasag yung disk.
Nababadtrip ako! Naiyak na naman ako kaya umupo ako sa kama at nagtakip ng kumot. Nakakahiya kasi eh!
"Hey, you shouldn't be watching those-"
"SHUT UP!"
Oo na, alam ko naman eh. Naramdaman ko na lang na nakaupo siya sa harap ko at tinanggal ang kumot sakin. Tinakpan ko yung mukha ko.
"Psh! Di naman kita isusumbong eh! Wag ka nang umiyak!"
Hinihila nito yung kamay ko paalis sa mukha ko.
"Ano ba sweetheart! Sabihin nila pinapaiyak kita!"
"Wala akong pake sa sinasabi ng iba!" sabi ko.
"Oh, eh di tara!"
Hinila niya ako palabas ng bahay. Nakapambahay lang ako nun. Saan ba kami pupunta?
Pumara siya ng taxi.
"Saan ba tayo?" tanong ko.
"Mall."
"Hala! Tingnan mo nga! Nakapambahay lang ako!" sabi ko at akmang bababa kaya lang umandar na ang sasakyan. Langya!
"Oh, akala ko ba wala kang pakialam sa kanila? Okey na para sakin yang suot mo," ngumiti siya.

*Sa mall*
Naglakad-lakad lang kami. Kumain, nangtrip sa nga dumadaan. Kumain. Nag-asaran. Kumain. Nanood ng movie. Kumain. Oo, kain kami ng kain. Wala eh, masaya lang. Masaya din palang kasama tong mokong na to.
"Uy siraulo!" tawag ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Oh?"
"Di ba sabi mo... may date kayo ng mahal mo ngayon?" alanganing tanong ko.
Baka kasi bigyan ko ng meaning yung ginagawa namin.
"Yes," he smiled.
"Oh eh bakit ako yung kasama mo at hin---"
"Nagdedate na nga kami ngayon eh," sabi niya.
Ha? Anong sinasabi niya? Naguluhan ako bigla.
Napansin siguro niyang hindi ko siya gets.
"Slow mo," tapos humarap siya sa akin.
"Mahal kita!" sabi niya na parang normal lang na sabihin niya iyon.
"Pero--"
"Bata pa lang tayo, gusto na kita. Eh kaso ang taray mo tsaka mas cute kang asarin eh. Hahahaha. Tapos nalaman ko gusto mo pala ako. Kinilig naman ako hahaha. Nabuhay ulit yung feelings ko sayo."
"Paano-"
"Matagal ko na kayang alam na gusto mo ko, your mom told me," he whispered and winked.
"Kaya lang---"
"Tagal mo kasi akong ligawan eh, inunahan na kita."
"Eh di ba---"
He then kissed me right away.
Right in front of people around us.
"Ano... aangal ka pa?" nakangiti nitong sabi pagkatapos ng halik.
"Nakakahiya, andaming---"
"Pakelam ko? Sila ba hinalikan ko?" ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. Naglakad na kami palayo at baka ma-intriga pa kami ng iba dito.
Napangiti na rin ako nang pigil.
Hindi naman pala masamang umasa paminsan-minsan. Hindi rin naman pala masamang mabisto ng mahal mo na nanonood ka ng porn movies, basta ba ang kapalit ay isang date at isang kiss.
"Hindi mo man lang ako niligawan," pahabol ko pa.
"Wag na, iisa lang naman magiging sagot mo eh."
"Ano?" tanong ko.
"Yung 'I love you too'," nakangiti niyang sagot.
"I love you more kaya," sabi ko na lang. Hihi~

**********
Hi, hope y'all liked it!
Don't forget to vote po.
Please support all newbie writers like me.
Lovelots❤
P.S. I'll just recommend my other stories:
The Last, The Sweetest (ONESHOT)
Daloy Tinta (Talatintaan) A Compiilation of Poems

Hey, Sweetheart (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon