Chapter 1

757 42 24
                                    


"Uy Irish, kunin mo ako ng tubig!", sigaw ni Kurt sa akin habang nasa kwarto pa ako at nag-aasignment. Napasigh nalang silang Fall at Mae.


"Tapusin niyo na yung inyo. Alam niyo na", paumanhin ko sa kanila at yumuko. Tumango naman sila at nagpatuloy sa pagsasagot ng assignment nila. Bumaba na ako at kinuha si Kurt ng tubig.


Simula nung first day ko dito, pinahihirapan ako ni Kurt. Ako pa yung nag-aassignment sa kanyang assignment, ako pa yung palaging inuutusan niya kahit sa maliit na bagay na kaya na kaya naman niyang gawin!


Naiinis na ako pero wala akong magawa, kasi dito ako nakikitira. At malaking pasalamat niya at wala si Tito Edwin dito sa bahay. Kung nandito si Tito, hindi niya ako tinatrato na ganito.


"Bakit ang tagal mo? Inuuhaw na ako", naiiritang sabi ni Kurt. Ang gwapo pa rin niya kahit na naiinis siya. Kahit naiinis ako sa kanya at ang sarap na niyang patayin, ang gwapo parin niya.


"Sorry na PO! Hindi PO kasi ako ROBOT na automatic", sarcastic kong sabi sa kanya habang I rolled my eyes at binigay sa kanya yung tubig. Sinamaan niya ako ng tingin at ininom yung tubig.


"Kurt, bakit ang sungit mo kay Irish? Wala naman siyang ginawa eh", sabi ni Keanu  na nasa tabi ni Kurt na nanood ng Spongebob.


"Tse. May kasalanan yan sa akin eh", sabi ni Kurt at inalagay niya yung baso sa lamesa.


"Sige na po. Aalis na po ako. Kurt, pwedeng wag mo akong guluhin. May ginagawa kasi ako eh. Sinasagutan ko yung mga assignment natin kaya SHUT UP ka nalang po!", mataray kong sabi sabay takbo para hindi ko marinig yung sermon niya.


Agad naman akong pumasok sa kwarto namin at Umupo na ako sa tabi ni Fall at nagsimula na sa pagsasagot. Ang dami pa nito.


"Ate, bakit ang sungit ni Kuya Kurt sayo? Hindi naman siya masungit sa kanino dito eh", biglang sabi ni Mae habang inalagay niya yung notebook niya sa bag niya.


"Oo nga. Palagi ka pa niyang inuutusan. Hindi naman siyang dating masungit sa mga babae eh", dagdag naman ni Fallen. Pinagpatuloy ko pa rin yung pagsasagot sa assignments namin ni Kurt.


"Hindi ko nga alam eh. Tse. Crush ko pa naman siya, ang sungit naman niya!", reklamo ko habang pinagpatuloy sa pagsusulat. Mukhang nagulat yung dalawa sa sinabi ko. Agad naman silang tumakbo sa harapan ko.


"Ano? Crush mo si Kuya Kurt? Talaga?", sabay nilang tanong sa akin. Opps, nadulas naman ata ako. Umiwas ako ng tingin at binaba yung ballpen na hawak ko.


"Eh.. Wala naman siyang pake sa akin eh. Kaya paglagpasan nalang. Marami pang lalake sa mundo~", pakanta kong sabi at nagsimula nanaman sa pagsusulat.


"Wag ka ngang masyadong bitter Ate Ai! Tutulungan ka namin. Maganda ka naman eh. Papagandahin ka pa namin! Ang manang kasi ng sinusuot mo eh.", sabi ni Mae habang inilagay niya yung mga kamay niya sa chest niya.

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon