Chapter [37.]

591 32 1
                                    

Chapter Thirty Seven

Taehyung

--

Nasa kalagitnaan kami ng discussion sa Math ng biglang tumunog ang cellphone ni Jace, lahat ng atensiyon namin ay napunta sa kanya maging ang guro namin na huminto ng dahil doon. Nahihiyang kinuha ni Jace ang phone niya tsaka siya tumayo.

"Sorry for the interruption ma'am, but I will just answer this po." Agad siyang lumabas kaya nagpatuloy ang guro namin sa pagtuturo. Naupo na lamang ako ng tuwid sa upuan ko tsaka wala sa sariling nakatingin lang sa harapan. Hindi ako nakikinig dahil wala rin lang akong maintindihan tsaka hindi ko rin mapigilang ang sarili ko na isipin si Aren.

Maya-maya pa ay pumasok na si Jace. Hindi ko siya masyadong pinagtuunan ng pansin kaya nung umupo siya sa tabi ko narinig ko siyang mahinang humikbi. Agaran akong napatingin sa kanya, kung siguro hindi ako naglinis ng tenga kanina hindi ko maririnig 'yon sa sobrang hina. Nilapit ko ang upuan ko sa kanya.

Naramdaman niya ang paglapit ko sa kanya kaya mabilis niyang tinago ang mukha niya sa akin.

"Jace ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya, agad siyang bumaling sa akin at ngumiti. 'Yung ngiting pilit. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko na may halong pag aalala. May kinalaman kaya 'to sa kausap niya kanina? Sino ba 'yung kinausap niya kanina.

"May masama akong balita Taehyung." Malungkot na sambit niya kasabay niyon ang muling pagtulo ng luha niya. Naramdaman kong lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Una kong naisip si Aren, anong masamang balita?

"Anong nangyari kay Aren?" Kahit nanginginig na ang buong katawan ko sa takot sa maari niyang ibunyag, tinatagan ko pa rin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng maging duwag pagdating kay Aren, kailangan kong maging matapang.

"Hindi na nakakakita si Aren." Tuluyan ng humagulhol ng iyak si Jace na nagpatigil ulit sa guro namin sa harap sa pagtuturo. Inalalayan ko si Jace na tumayo saka humingi ng paumanhin sa kanilang lahat. Lumabas kami ni Jace ng classroom saka ko siya dinala sa likod ng classroom namin kung saan nakatapat ang maliit na garden namin. Pagkaupo pa lang namin sa bleachers ay agad ko siyang pinatahan.

Alam kong sobrang sakit para sa kanya na malaman 'yon. Kilala ko siya, mahina siya at madalas niyang iniiyak na lang ang lahat.

"Hyung, noona.. Anong nangyari bakit ka umiiyak?" Kapwa kami napatingin kay Jungkook na nasa tapat namin hindi kalayuan.

"Sabi ni ma'am sundan ko daw kayo." Tumango na lang ako saka siya lumapit. Umupo siya sa gilid ni Jace, hinimas na din niya ang likod ni Jace para tumahan siya lalo sa pag iyak niya.

"Hindi na nakakakita si Aren." Diretso kong sabi sa kanya.

--

"Noona." Pagkapasok pa lang namin sa private room ni Aren ay agad na niyang nilapitan si Aren at niyakap.

"Jungkookie." Sumilay sa labi ni Aren ang maliit na ngiti, diretso lang ang tingin niya sa amin habang kinakapa niya ang mukha ni Jungkook. Pinagdaop ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili kong maluha sa kalagayan niya ngayon. Kung pupwede lang na ako na lang sana ang nasasaktan at hindi siya.

"Noona sorry, hindi ako masyadong nakakadalaw sa'yo. Noona, gwapo pa rin ako kahit na hindi ka na nakakakita." Biro ni Jungkook sa kanya. Ngumiti si Aren.

"Alam ko. Napicture ko na ang mukha mo sa utak ko bago ako nawalan ng paningin." Muling niyakap ni Jungkook si Aren.

Tumayo na lang ako sa amba ng pintuan habang pinapanood sila. Tahimik na nagmamasid, huminga ako ng malalim saka akmang tatalikod na sana upang magpahangin muna at sanayin ang sarili ko na ganoon na ang sitwasyon na dadatnan ko.

Mamimiss ko 'yung tingin niya, mamimiss ko kung paano niya ako tingnan.

"Taehyung." Lumingon ako, si Aren nakaharap siya sa direksyon ko na parang nakikita niya ako. Parang may tumusok na naman sa puso ko habang tinitingnan siya.

"Aalis ka ba? Kakapasok mo pa lang ah?" Aniya sa masayang tinig. Hindi ko alam kung saan niya nahuhugot 'yung sayang nararamdaman niya, kasi ako hindi ko alam kung paano na ngumiti ngayon.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya.

"Instinct. Huwag ka ng malungkot, ayos pa naman ako eh." Aniya kahit alam kong hindi.

"Sige." Ngumiti siya't sinenyasan akong lumapit sa kanya. Inalis ko ang bag na buhat buhat ko at nilapag sa couch saka ako lumapit sa kanya.

Umupo ako sa dulo ng kama.

"Pwede ko bang makausap si Taehyung ng kami lang?" Pakiusap niya. Nagtinginan si Jungkook at Jace, saka sila sabay na lumabas pagkasara ng pinto ay kasabay niyon ang paglabas ng totoong nararamdaman ni Aren. Dumaloy mula sa pisnge niya ang luha.

"Alam kong nahihirapan ka Taehyung, but I want you to be strong for me.. I don't want you to be like that, kasi ako ang mas nasasaktan knowing that ako ang reason behind it. I'm so sorry." Hindi ko na napigilan pang lumuha.

Hindi ko na pinigilan pa dahil alam kong hindi niya makikita iyon. Dahan dahan akong huminga ng malalim saka ko pinahid ang luha ko.

"Kaya natin 'to Aren. Gagaling ka pa naman hindi ba?"

"Ayokong umasa ka Taehyung." Sagot niya. Lumapit pa ako lalo sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya't inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Tinitigan ko siya sa mga mata niyang wala ng emosyon.

"Aasa ako Aren. Aasa ako habang buhay." Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya hanggang sa naramdaman ko na ang malambot niyang labi sa labi ko.

--

4:09 AM, tingin ko sa oras. Umaga na at wala pa rin akong tulog, hindi ako makalimot sa nangyari kanina. Pakiramdam ko ng mahalikan ko siya nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko at napalitan ng malaking pag asa.

Napangiti na lamang ako sa kawalan saka unti-unti kong ipinikit ang mata ko.

Aren... Mahal kita Aren.

10:05 PM || Nov. 23, 2016

A/n: napansin niyo bang naging makata na si Taehyung dito? Lol pasensiya na po kasi parang na-aapply dito 'yung natututunan ko sa Komunikasyon namin haha.

Hope you guys like this update :)

★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]Where stories live. Discover now