Chapter 1: Metamorphosis X

1.3K 84 1
                                    


"Oras na brad!" pagkulbit na sabi ko kay Kevin.

"Tara!" sagot nito sa akin.

Marahan kaming patago na naglakad papunta sa weapon storage ng mga military police at ng private army ng mayor sa loob ng dorm katabi ng simbahan. Pinangunahan ko ang pagpasok at inilikod ko si Kevin dahil tiwala ako at alam kong hindi ako basta basta masusugatan kapag nauwi sa labanan dahil sa aking skill na Iron Skin. 1am na ng medaling araw at kakatapos lamang mag-inuman ng mga bantay ng mayor. Meroon mang nagroronda pero nakainom at tipsy na. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na magnanakaw ako at alam kong ikapapahamak namin dalawa ito ni Kevin if worst comes to worst. If ever lang naman pero inihahanda ko na din ang sarili ko sa mga mangyayari at the same time eager talaga ako na makalabas dito upang malaman ko kung ligtas ba ang pamilya ko.

Dahan dahan akong umakyat sa hagdan. Lumilingon ako kay Kevin paminsan-minsan at nagsesenyasan kami. Paghakbang na paghakbang ko sa huling level ng hagdanan ay tinulak ako at mabilis ako hinila ni Kevin sa Isang bukas na kwarto. Agad nya itong sinarado. Magsasalita sana ako.

"SHHHH!" habang tinatakpan nito ang bibig ko.

"Wag kang maingay brad, may paakyat!"

Lumingon ito sa bandang kama ng kwarto at nakita namin ang isang madre na may hawak na kutsilyo. Nakatutok ito sa amin at tila pasigaw na ng biglang sinugod ito ng mabilis ni Kevin at tikpan ang bibig. Napakabilis ng pangyayari. Mabilis ang kilos niya dahil sa magic item nyang boots of speed. Napakahaba ng mga words para i-describe ito pero wala pa itong sampong segundo nangyari.

BUGUDUMBUGUDUMBUGUDUMBUGUDUM!

Napakabilis ng pagtibok ng puso ko. Sakto naman na may narinig kaming tunog ng pag-akyat at pag uusap ng dalawang nagroronda. Pinipilit ng madre na sumigaw pero hindi nya ito magawa. Sinalpakan namin ng damit na nakuha namin sa cabinet ang bunganga nito at itinali ito sa kama. Nakakaawa pero kailangan naming gawin ito. Oo, ordinaryong istudyante lamang ako noong una. Noong una pero matapos ang world apocalypse at nang madadagan ang intelligence namin kasabay ng sunod sunod na pagpatay namin sa mga monster na unti-unting umu-ubos sa mga taong nasa paligid namin. Mabilis na nagbago ang pananaw ko sa mundo.

Humingi ako ng pasensya sa madre bago kami dahan-dahang umalis. Hinintay muna namin na makalayo ang mga rumoronda bago kami kumilos palabas sa kwarto pero panatag na ang loob namin dahil siguradong magpapahinga na ang mga taga-ronda at hindi na sila babalik sa lugar na ito. Ang magiging problema na lang namin ni Kevin ay dalawang tagabantay ng weapon storage room.

Marahil sa panatag na ang loob namin kaya medyo lumaki na ang mga hakbang namin. Habang nag-iisip ako ng gagawin biglanghinigit ni Kevin ang aking damit. Nagsenyasan kami at ang sinabi niya ay siya ang mauuna. Dahan-dahang kaming sumisilip sa kantuhan ng hagdan at saka binato ni Kevin ang bato.

"Sino 'yan! Lumabas ka..."

Sumigaw ang isa sa mga bantay ngunit hindi na nya natapos ang isisigaw niya ng biglang hinila siya pabalik ng isa pang gwardya sa leeg at sabay sinalpakan ng makapal na damit ang bunganga nito.

Ang gwardyang ito ng weapon storage room ay si Bryan Lee. Sa pangalawang araw na paglilinis namin ng mga zombie at hell hounds ay napasali namin siya sa aming party ng hindi namin alam kung paano. Nakagrupo lang naman namin siya ng buong isang araw at bago kami magpahinga bigla na lang may lumabas na.

< Bryan Lee acquired the requirement to enter your party

(Accept/Decline)>

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon