Failure is always been a part of one's life. It is there a yin or yang of Success. It always taste bitter or sour or both. Sometimes you felt like giving up. You always try but tend to not succeed. But how many times you fail, life must go on. Winning is not easy. There is always a brighter day. Here's a story about failing, winning, falling and getting up again. I hope you will be inspired by this. After you've been inspired, please share this.
Kung di ko lang kailangan magtrabaho matagal na akong umalis sa trabahong ito. Ani ni Amy.
Sa araw-araw na pumapasok siya sa trabaho, lagi siyang pinagagalitan o pinagsasabihan at minsan pinapahiya ng kanyang boss na si Madam Bertud.
Amy, ilang beses ko bang sasabihin sayo na iba ang asul sa lila. Huwag mo silang pinagsasama sa order ni Mam Ritz dahil malalagot ako. Iba magalit yun.
Amy, bakit ba ang kupad mo?
Amy, bakit wala pa rito yung mga pinapalagay kong stems galing Baguio? Anak ng!
Opo ilalagay na po.
Opo heto na.
Opo kukunin na sa lalagyan at isasalin na.
Ganyang ang araw-araw ng paguusap ni Madam at Amy. Parang alila kung makaturing itong amo niya at mala Cinderella naman itong ating bida.
Kinabukasan,
Amy, bakit wala pa yung mga order ni Mr. Rosales dito sa pila ng idedeliver? Anong oras na o?
Heto na po mam. Nahirapan po kasi kami sa flower arrangement ni Daisy kaya natagalan po. Pasensiya na po.
Matapos ang tatlong oras...
Amy, bakit kulang ang mga rosas at dahlia dito sa display window natin? Kanina ko pa inutos sayo na lagyan di ba?
Madam, wala pa po kayong sinasabi. Kukunin ko na lang po ngayon ang mga bulaklak mula sa storage room. Saglit lang po at akin ng aayusin.
Buntis si Madam Bertud sa panganay nitong anak. Pang 5 buwan niya ngayon. Ang ibang buntis ay may paboritong pagdiskitahan at pagalitan kapag ito'y nagdadalangtao. Wala silang nararamdamang awa o habag bagkus ay ikinakatuwa pa nila na pagalitan o pahiyain ang tao. Malas na lang ni Amy at ganito ang boss niya. Mabait si Amy. Di niya sinasagot ng pabalang ang boss niya. Di siya lumalaban dahil ani niya ang Diyos na lang ang bahala sa boss niya.
Isang araw...
Amy, kunin mo yung mga kahon sa itaas.
Opo.
Amy, gupitin mo na lahat ng nalalantang mga dahon sa mga bulaklak. Istupida ka ba? Ang dami ng nalalanta, di mo man lang kusang tanggaling. Hihintayin mo pang mabulok pati ang mga bulaklak. Istupida!
Amy, ang bagal mo na naman. Ano ba? Pinapaswelduhan ka dito. Huwag kang kukupad-kupad.
Nang biglang,
Madam, mali ho yata ang ginagawa niyo kay Amy?
Bakit sino ka ba? ang sabi ni Madam Bertud.
Pinadala po ako dito ni Mam Bessie para maging katiwala niya. Ako po iyong bagong Assistant Branch Manager simula ngayon. Di na po niya ako nagawang ipakilala dahil nasa Paris po siya. Umattend po siya ng Florists International Convention. Ako po ay mag oobserve muna ang sabi po niya. Di ko po kasi maatim na may kinakawawa sa harapan ko. Ani ni David.
Isang makisig, gwapo at matangkad na binata ito.
Salamat ho Sir. wika ni Amy.
Will Amy be friends with her new boss, David? Will he be the knight in shining armor she longs for?
YOU ARE READING
Falling in Failure
Short StoryFailure is inevitable part of life. Masakit mabigo. Mahirap. Mapait. Naranasan mo na ba ito?