Kabanata 7
I less than three u
Araw-araw kong binibisita si mommy sa ospital hanggang sa pwede na siyang umuwi.
"Kendall, pakiabot nga ang eyeglasses ko" ani mommy.
Dali dali kong kinuha ang eyeglasses ni mommy at iniabot ko sa kanya. I'm being a good girl na.
Pero dahil sa Jenny na nagkakagusto kay Zion, akala ko nagbago na ako. Kay mommy lang ata ako nagbago.
I just can't stand her because she's too clingy at Zion. Akala mo linta kung makadikit. At hindi lang siya, pati ang mga kaibigan niya. Habang tumatagal sa school ay mas lalo siyang sumisikat. Gwapo ba naman at matalino na. God fearing din. Total package na, san ka pa?
Kumuha ako ng isang timbang tubig kasama sina Jelina at Kara sa cr. Parating na kasi sila Jenny and friends.
"Ken, she's heading here!" ani Jelina.
Kahit alam nilang masama ang gagawin namin, itinuloy pa din nila. Syempre, what are friends for right? Inis na inis na kasi ako sa kanila.
Binuksan ni Jenny ang pintuan at biglang may bumuhos na isang timbang tubig sa kanya, nabuhusan din ang mga friends niya.
Nagtawanan kami nina Jelina at Kara sabay high five.
"what the fuck?!" sigaw niya.
Yung ibang kaibigan niya, nanginginig na sa lamig at siya mangiyak ngiyak na.
"ang landi mo kasi eh no? Yan ang bagay sayo" sabi ko sabay haplos sa pisngi niyang basa.
Pinunas ko ang kamay ko sa damit niyang basa din.
"you bitch!" aniya sabay hila sa buhok ko, pero sumugod na agad sina Jelina at Kara kaya natigil siya.
Tumakbo ang dalawang kaibigan niyang umiiyak na din kaya siya na lang magisa.
"sige, mag sumbong ka" hamon ko sa kanya sabay lapit sa mukha niya.
Wala siyang nagawa dahil hawak siya nina Jelina at Kara.
"what's happening here?!" biglang may umalingawngaw na sigaw sa buong cr. Nabitiwan tuloy siya nina Jelina at Kara.
Nilingon ko kung sino iyon at nakita kong si Zion iyon.
"naliligo lang naman siya" sabi ko sabay halakhak.
Tumakbo si Jenny kay Zion at niyakap niya ito.
Nagdilim ang paningin sa akin ni Zion. What? Don't tell me na hindi siya naiirita sa babaeng yan?
"let's go" aniya sabay hila kay Jenny.
"great!" sigaw ko sabay napaupo sa cr.
Simula noon, lumayo na ang loob sa akin ni Zion. Hindi na kami tulad ng dati na yung nandyan siya sa panahong nangangailangan ako.
I did everything just to make my Zion back. Pero hindi eh.
"group number 3 is Reyes, dela Cruz.." di ko na masundan ang mga sinasabi ng prof namin dahil inaantok na ako.
"...Nochefranca, and Fabregas" Nawala ang antok ko nang binanggit ni ma'am ang apelyido ko at ng kay Zion.
Oh my God! My chance!
"go to your groups now" ani ma'am.
Hinayaan kong sila ang pumunta sa pwesto ko dahil tinatamad akong tumayo.
"tss" ani Zion nang nakalapit na siya dito.
Ako lang ang nagiisang babae sa group namin at ang dalawa pang members ay nagkakagusto sa akin. I have an idea.
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...