Ma'sisisi ba natin ang ating mga sarili sa paghambing ng ating buhay sa buhay ng iba.sa pagrereklamo ng hindi pantay na pagkabuhay,
lagi nalang tayong bigo.
ang iba di na kailangan maghanap dahil lahat nadyan na mamimili nalamang sila ,sila yung hinahabol sila yung di nauubusan at nagagawa paring magreklamo.di tulad nating mga madalas na nabibigo.minsa'y nasabi na nating tayo ay sanay at di na nasasaktan
pusong,bato...
Pusong bato ito ang ating sinasabi para makatakas sa mga sakit na ating mga nadama at madadama sa panghinaharap.
Tayo ang pusong bato at sila ang mga martilyo,di man nila pansin sa bawat sakit na ating nadadama ay isang pukpok ng martilyo sa ating puso,na minsa'y sa lakas naiwan ng biyak.
Biyak na wala nang kongkretong hugis isa na nahiwa sa maraming bilang. pinukpok at di na nakontento.dinikdik ng parang paminta ang dating bato ay naging buhangin.
Punyeta...
lagi nalang ba kami ang bigo ?ang mga magpapaka martyr?asalanan ba naming nagmahal kami?di ba pag ibig ang hanap ng nakakarami?di na ba pagibig at puro nalang kalokohan ang hanap?alam parin ba natin ang ibig sabihin ng pag-ibig?pansinin niyo din naman kame...
Karamihan samin ay tahimik,dahil nagmamahal kame at putangina'
nasasaktan parin kami.
dahil nasasaktan kame at ayaw naming ipaalam!kaya humahantong sa mga oras na ang aming akala na ang pagpatay ng aming mga ilaw ang nagiisang paraan.
Marami ang nagisip ngunit di ginawa,
ang iba di nakapigil,
ang iba andyan ...andyan parin naghihintay sa wala.
Wag niyo naman kame bigyan ng tale na kame lang pala ang humahawak,
wag niyo naman kaming ibitin lang sa poste at di malaman kung kailan reresponde.malalaman ba namin kung kailan bibitaw kung sa haba ng panahon ay ang aming akala ay may nakahawak din sa kabilang dulo.
wag niyo na kameng pahirapan ...
hindi pa ba sapat yung sakit na aming pinagdadaanan?