The Heiress - Chapter 23 (Criminal Instinct)

233 10 1
                                    


Samantala. Nagmamadaling umuwi si Nathan sa kanilang bahay dahil tinawagan siya ni Jeff. Tinawagan niya kasi sa telepono at sinumbong ang tungkol sa pananakit ni Cindy sa kanyang ina.

"Cindy!!" sigaw ni Nathan habang papasok siya sa kanilang bahay "Nasaan ka??!"

"O bakit?" sagot niya habang pinunpunasan niya ng tuwalya ang kanyang buhok "Kakalabas ko lang sa banyo"

Nanilim ang paningin ni Nathan at kaagad niyang pinuntahan ang asawa. Sinampal niya ito. Sa lakas ng sampal ay natumba ito at napahiga sa sahig.

"Napaka-wala mong respeto babae ka. Kahit matanda ay sinasaktan mo??!!"

"Ano ba ang pinagsasabi mo ha??!" sigaw din ni Cindy sa kanya habang hinawakan ang pisngi niyang namumula "Hindi ko alam ang sinasabi mong yan!!"

"Sa tingin mo ay naniniwala ako sa kasinunggalingan mong yan??!" patuloy pa din ang pagsigaw ni Nathan sa kanya "Sinabi na sa akin ni Jeff na sinaktan mo ang nanay niya dahil nakita niya mismo ang mga pasa at sugat sa balat ni Nanay Joyce"

"Ahhh" sabay tayo ni Cindy mula sa sahig "So, gumawa na naman ng istorya ang kabet mong yan laban sa akin para ikagalit mo"

"Alam mo na hindi siya gumagawa ng kuwento, Cindy" dugtong ni Nathan "Bakit mo ba sinasaktan si Nanay Joyce?? Ano ba ang kasalanan ng matanda sa'yo?"

"Kasalanan?" ulit ni Cindy "Kung sa kasalanan lang, Nathan. Malaki. Sobrang laki ng kasalanan ng matandang yon dahil anak niya ang taong pilit na sumisira sa pamilya natin!!"

"Dinadamay mo siya sa problema natin?? Walang kasalanan si Nanay Joyce, Cindy. Maawa ka naman sa kanya, kahit sa katandaan niya na lang"

"Bakit?? Hindi ba naaawa ang anak niya sa atin?" balik ni Cindy sa kanyang asawa "Kahit nagmamakaawa na ako sa kanya na lubayan ka na niya, hindi pa rin magawa yon"

"At ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi magkakatotoo ang pamilyang pinapangarap mo, Cindy?? Diba? Simula pa lang ay sinabi ko na sa'yo na siya ang mahal ko" paalala niya sa asawa "At ano pa ang isa na 'to? Matapos mong isumbong kay Jean na buhay siya, tapos sinaktan mo ang nanay niya?? Sobra na 'to. Hindi na kita kilala"

"Mas hindi kita kilala. Hindi kita maiintindihan dahil mas kinakampihan mo pa ang pamilya ng kabet mo kesa sa pamilya mo"

"Ewan ko sa'yo babae ka. Paulit-ulit na lang tayo eh" sabay alis ni Nathan sa harap ni Cindy

"Oh ano? Anong gagawin mo?? Umiiwas ka na naman??!" sigaw niya sa asawa "Aalis ka?? Bakit??! Pupunta ka sa kabet mo??!"

Bumalik si Nathan sa maingay na asawa "Oo!! Pupunta ako sa kanya dahil ayaw ko na sa bunganga mong maingay. Ayaw ko na Cindy. Pagod na pagod na ako sa pagpapanggap na 'to. Maghiwalay na tayo"

Nag-iba ang mukha ni Cindy sa muling pagtalikod ng kanyang asawa. Gusto niyang pigilan ito pero mabilis gumalaw si Nathan at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Napahandusay na lang siya muli sa sahig at umiyak na lang ito ng todo. Dahil sa pagkakataon na ito ay tuluyan na nga iniwan siya ng kanyang mahal na si Nathan.

***

Kinabukasan.

Maagang dumalaw ang abugado ni Madam Jean na si Atty. Villanueva sa presinto na kung saan nakakulong ang kanyang kliyente.

Nakaupo sila sa may mala-picnic table at nag-uusap sa kaso na sinampa sa kanya.

"I'm sorry, Mrs. Teng. Parang mahihirapan kang matakasan ang kaso na sinampa sa'yo" paliwanag niya kanyang kliyente "Malakas ang ebidensiya ng asawa mo"

The Heiress (A CHINITO BOOK III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon