HINDI NA AKO MAGSASALITA

81 1 4
                                    

Hindi na ako magsasalita tungkol sa pamamahala ng Administrasyong PNoy upang marating ang "Matuwid na Landas".

Hindi na ako magsasalita ukol sa paborito kong artista na inuulan ng intriga at nali-link kung kani-kanino.

Hindi na ako magsasalita kung gaano kasakit at kahirap mapawalay ng dalawang taon sa iyong ina lalo pa't patuloy mong nakikita ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya.

Hindi na ako magsasalita sa patuloy na pagtaas ng matrikula sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Hindi na ako magsasalita upng kontrahin ang dati kong kaklase na ubod ng hangin at laging ipinagmamalaki ang pepon nyang 'tatskrin'.

Hindi na ako magsasalita kung bakit ako mahilig magsulat.

Hindi na ako magsasalita laban sa mga kakilala kong chismosa at intrimidida.

Hindi na ako magsasalita sa pagkagusto ko kay Spongebob at pagka-adik ko sa Twilight Saga.

Hindi na ako magsasalita kung bakit hindi ko kayang umuwi ng maaga sa gabi.

Hindi na ako magsasalita maipagtanggol lamang ang aking Long Lost Crush.

Hindi na ako magsasalita maging SIKAT lamang.

Hindi na ako magsasalita ukol sa aming ulam tuwing tanghali na kadalasang bili lamang sa tindahan.

Hindi na ako magsasalita upang makipagtalo kung manok nga ba ang una kaysa sa itlog.

Hindi na ako magsasalita kung gaano karumi ang Ilog Pasig.

Hindi na ako magsasalita ukol sa pagkapanalo ni Ms. Angola sa Ms. Universe 2011.

Hindi na ako magsasalita kung gaano ko kamahal ang F.A.

Hindi na ako magsasalita ng mga dahilan kung bakit hindi ko kayang mabuhay ng walang cellphone.

Hindi na ako magsasalita ukol sa mga kalog kong BLOCMATES.

Hindi na ako magsasalita upang matawag lang na matalino.

Hindi na ako magsasalita kung gaano ko kamiss ang hayskul klasmeyts ko.

Hindi na ako magsasalita kung bakit gusto ko na maging newscaster, photographer, at teacher.

Hindi na ako magsasalita..............................................................................................

Magsusulat na lang ako. =)

Hindi Na Ako MagsasalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon