It's raining.
Malayu-layo pa ako sa pupuntahan ko, pero hindi ako nag-abalang tumakbo o sumilong man lang. Dinig na dinig ko ang ingay ng mga patak ng ulan sa mga bubong ng bahay, sa madalang na palatak nito habang nagsisimula pa lamang hanggang sa walang-humpay nitong pagbuhos. Nanunuot ang lamig ng bawat butil nito sa aking balat.
And I welcomed it freely.
Sobrang bagal ng lakad ko. Pakiramdam ko, may nakalagay na bakal sa magkabilang sapatos ko at hindi ko ito maiangat. Lumalakad ako nang walang direksiyon. Sa tingin ko nga'y naliligaw na ako. Dahil sa ulan, at sa mga luhang umaagos mula sa mga mata ko, wala na akong makita kapag iniaangat ko ang aking mukha.
Napaupo ako sa tabi ng isang basurahan, my body rocking from physical grief. The sadness is so great, so heavy, that it blocked out my usually sharp senses.
"Pst."
Huminto na ang katawan ko makalipas ang ilang minuto. Nakatitig lang ako sa kawalan, manhid.
"Hoy."
Dun ko pa lang napansin ang isang lalaking nasa gilid ko na nakatayo, papasok sa isang eskinita na pamilyar ako. Walang pumapasok doon dahil pugad iyon ng masasamang elemento.
I just wanted to grieve my lost family. This is the last thing I needed.
Hinatak niya ako sa kamay patayo at dinala sa loob ng eskinitang iyon. With the pain of loss I was still enduring, tila wala akong mahugot na lakas para manlaban. Ganito pala ang pakiramdam. Hindi ko gusto.
Nakaramdam na ako ng ilang mga taong sumusunod mula sa likuran ko.
"Maglabas ka ng pera. Tapos... hubad."
Ngumisi ang lalaki sa harap ko kasabay ng tawanan ng mga kasama nyang nagawa na kaming paligiran.
Napakaingay ng ulan, at masarap ito sa tenga. Pumikit ako sandali upang damhin ang lamig na dulot nito sa aking balat.
"Please, don't," I said.
Hinatak ng lalaki sa harapan ko ang suot kong t-shirt, at napunit ang isang bahagi nito, mula manggas pababa sa isang parte ng aking dibdib. The sound of tearing cloth was so clear, it made me cringe. Lumitaw ang aking panloob.
Then, little by little, anger replaced sadness.
Muling lumapit ang kanyang kamay, para sana'y hipuan ako, but I already blacked out. I grabbed him by his wrist, pulling him to me and then down the asphalt while my other hand grabbed him by the back of his neck. Pinwersa ko ang ulo niya sa lupa, my knee pressed on his back to keep him from squirming. Napahiyaw ang lalaki, pero wala akong pakialam. Dinukot ko ang baril ko at hinampas siya nito sa batok gamit ang buong lakas ko.
He's unconscious.
May apat pang nasa harap ko at sinasabi ng kanilang mga mata walang balak na itigil ang kanilang binabalak.
Tatlo sa kanila naglabas ng balisong. Ang pang-apat, baril.
I have always been merciless. And today, my body shook from the emptiness, the cold, the sadness, at sa tumitibok na galit na hindi ko alam kung saan ko ibubunton.
People like me... We aren't easy targets. I am worth a hundred soldiers in the battlefield if utilized correctly, even more once I awaken. Ang mga tao sa harapan ko... they're regular people. So awfully normal. And without the learned Artes or a Gift, they're nothing more than flies. Kailangan ko lang bugawin para umalis.
Sa aking pagtayo, walang pag-aalinlangang binaril ko ang isa sa kanila sa hita, 'yung may hawak na baril. Natumba ang lalaki at napasigaw ng matagal. Nabigla naman ang kanyang mga kasamahan, napatitig, tumingin sa akin. Hostility dissolved just by one shot.
BINABASA MO ANG
Hearts And Gunfires
ActionEighteen-year old Freya is, by far, one of Pentagon's most outstanding agent. Gifted and dedicated, she reaches the highest position as a secret agent and is lined alongside the sector's very bests. Then she meets Elijah, the completely mysterious l...