Iba't iba ang paniniwala ng tao sa love, meron Love is blind, Love moves in mysterious ways, Love is like a rosary that full of mystery, meron din naman Love is unconditional feeling, meron din naman Love is patient, love is kind ------- hep, teka teka bakit puro love at puro yata katamisan ang kahulugan ng love. Dyan papasok ang karakter ni Leia na walang bukambibig kundi, LOVE IS OVER-RATED!
Sino ba si Leia Cortes? Simpleng babae, mahaba ang buhok na pinakulayan niya ng light brown para magmukha daw syang tisay, matangkad na umabot sa 5'8 pwede nang sumali sa beauty pageant yun nga lang ang katawan nya di pang beauty queen, may katabaan o para mas magandang pakinggan medyo chubby, sabi ng nang aasar sa kanya namumutok ang pisngi nya pero tama lang naman daw ang vital stats niya, swerte na lang din nya at nadadala ng maamong mukha na ang kanyang healthy figure. 26 years old, single at nagpasimuno sa paniniwalang LOVE IS OVER-RATED. Hindi naman sya bitter sa love dahil broken-hearted sya, paboritong aphorism nya lang ito dahil once a upon a time muntik na siyang malunod sa salitang LOVE. Hindi kasi sya naniniwala na capable sya sa feelings na yan at mas hindi nya nakikita ang sarili niyang magiging korny. Halos lahat ng tao sa paligid nya ay inlove, like for example her highschool buddies.
Kasal noon ng ng isa sa college bestfriend niyang si Gem at Aljon, at syempre abay silang magkakabarkada in which halos lahat ay escorted with their respected partners.
"Paano ba yan Leia, ikinasal na si Gem ikaw kailan naman kaya? " paninimulang pang-aasar ni Benj ang asawa ng kaibigan si Chia, nagtawanan ang lahat na nasa long table, Nagkibit-balikat lamang sya at bago nagsalita na,
"Benj, hindi minamadali yan. "
"Mali naman ang tanong mo Benj, kailan may ipapakilalang boyfriend itong certified single hot friend naten sa barkada!" pang-dagdag pa ni Gem habang katabi ang asawang si Aljon. Nag-apiran naman ang mga bruhang sina Vienna, Kirsten,at Bebsie.
"Para ano? Para maging kagaya nyo ng maging baduy at korny? Noway!!! Over my dead sexy body!" aniya.
"Well bessy, consider your self dead! In one way or another maiinlove ka at magiging korny ka din katulad namin no!" kontra naman ni Vienna.
"E ano ba kasi naman ang hinahanap mo sa lalaki ha?" tanong ni Bebsie.
"Wala." patamad na sagot nya, pag love life nya talaga ang topic ay tinatamad syang sumagot at mag-elaborate. Sa sarili nga nya di nya maiisip kung ano ba talaga ang love na gusto nya eh, masagot pa kaya nya iyon sa iba.
"Come on, dont be spoilsport friend. Imposibleng wala kang hinahanap sa isang lalaki." sabad ni Phil, boyfriend-soon to be husband ni Kirsten.
"Wala as in Im happy right now and Im not in the mood to look for love or lovelife." sagot niya.
"How come you're not looking for love? Everyone needs love!" bulalas ni Renz asawa ng bestfriend niyang si Vienna, kung tawagin nya ay soulmate.
"And how come I become in the hot-seat now?" pag iiwas nya.
"Because youre the only one who's not in a relationship here! Single na single ka and take note, you havent bring someone in our parties. Not a single soul." sagot ni Cole, asawang pulis ni Bebsie.
"Hindi ka naman naging boken-hearted, hindi ka din naman man-hater at mas lalong di ka naman tibo so more or less ano bang klaseng lalaki ang gusto mo at nang mabilhan ka na namen," seryosong pagpapatawa ni Kei, pinaka-cute at dancer na barkada nila. Lingid sa kaalaman ng mga ito ang muntik niyang ikalunod sa love moment.
"Eh kasi nga love is over rated! Imagine look at you guys, nagkaroon ba kayo ng away na hindi nyo dinibdib na para bang last day na ng earth kung makaiyak kayo? Nabaliw kayo sa salitang love, at hanggang ngayong palala na ng palala yan sakit nyo kaya pati ako gusto nyong hawaan. Im happy this way okay, you dont need to worry." natatawang eksplika nya.
BINABASA MO ANG
Love is Over-rated
RomanceA girl name Leia Cortes is defining Love as over-rated thing? What if one day, someone defy her self-proclaimed aphorism and make her as corny and as baduy like a love-sick teenager? Will she ever change her mind about love? lets join her to journey...