3 days na kaming hindi nag-uusap ni Thomas. Nagkakasalubong pero di nagpapansinan. Napansin narin ng bullies kaya naikwento ko sa kanila kung bakit ako nainis pero i didn't mention yung about sa rules.
"AYT na sa isang araw. Super nakakaexcite!" Sabi ni Carol.
"For sure mas masaya this year compared last year. General Champions baby!" Dagdag pa ni Camille.
"Sana lang talaga masaya." Sabi ko naman sabay kagat ng burger.
"Magbati na kasi kayo"
"Siya unang makipagbati tutal siya naman may kasalanan." Sagot ko kay Cienne.
Umirap naman siya. "Ma-pride ka din eh noh! Malay mo di niya alam kung bakit ka naiinis sa kanya. Kung makaasta ka daig mo pa yung real girlfriend." Mukhang nabigla naman siya sa sinabi niya at nag peace sign nalang sa akin.
"Sakit nun ha! Pero kahit na, siya lalaki siya dapat nauunang mag-reach out." Pag mamatigas ko.
Bigla namang dumating si Kim na hindi maexplain ang itsura. Umupo ito sa tabi ko at uminom ng tubig.
"Problema mo bakla?" Tanong sa kanya ni Carol.
Hindi siya sumagot. Yumupyop lang siya sa table. Mas lalo tuloy kaming nabother. Maya-maya ay tinaas na niya ulit yung mukha niya pero this time nakangiti na siya.
"Uy bakit? Natatakot na ako sayo Kim. Seryoso!" Sigaw sa kanya ni Mika.
"Si Almond kasi." Mahinang sabi niya.
"Bakit anong nangyari kay Kuya Almond?" Tanong ko.
Bigla namang namula I mean nangitim si Kim. "Kasi ano."
"Ano? Wag ka na ngang paligoy-ligoy pa." Naiinis na sabi ni Camille.
"Magsasalita ka ba o gusto mong hindi ka na tuluyang makapagsalita kapag pinutol ko yung dila mo." Dagdag pa ni Carol sabay hawak sa mukha ni Kim na agad naman niyang tinangal.
"Si Almond. Ginising niya ang natutulog kong obaryo!!!" Pag-amin ni Kim.
Napatulala naman kami ng bullies. Si Kim at Almond? Paano?
Hinawakan naman siya ni Mika sa ulo at parang pini-pray over gumaya naman sina Camille at Cienne habang ako at si Carol ay nagsimulang kumanta but this time healing song naman ang kinakanta namin.
"Ano ba! Tumigil nga kayo!" Sabi ni Kim tsaka kami tinulak palayo.
Nilapitan naman siya ni Carol at niyakap. "Tatagan mo lang loob mo, Kim. Ihi-heal ka na ni Lord"
"Seryoso ako! Gusto ko na ata si Almond at gusto din daw niya ako" Seryosong sabi ni Kim.
"Pero bakit? Paano? Saan? Kelan? Tao? Bagay? Lugar?" Hindi na natapos ni Cienne ang tanong niya dahil binatukan na siya ni Mika. "Aray damulag ha!"
"So siya si Hi Love mo sa tweet mo noon?" Tanong ko. Tumango naman siya.
"Siya din yung nagbigay ng flowers sayo after nung finals game 1 natin?
"Oo."
"Siya din yung pinupuntahan mo sa 7/11 kapag gabi?"
"Oo."
"Siya din ba yung madalas mong kausap sa viber?"
"Oo."
"Gusto mo na ba siya?" Seryosong tanong sa kanya ni Mika. Medyo nag-isip muna siya pero bigla siyang tumango. "Gustong gusto."
Niyakap naman namin siya. "Kimmy!!! We're happy for you!!!! Hastag ginising na obaryo!!!"
"Mga baliw! But thank you bullies!!!"