Page 1

1 0 0
                                    

3rd Person's P.O.V.

"Kyle! Si Karen nasa labas, she's waiting for you yata." Sinabi ni Jean kay Kyle na sobrang busy na naglilinis kasi cleaners yung dalawa.

Pumunta si Kyle sa may pintuan at nagpaalam kay Karen na tatapusin niya lang yung paglilinis, mukhang nairita si Karen pero hinayaan niya lang.

Binilisan na ni Kyle ang paglilinis at umalis bigla, hindi man lang nagpaalam sa mga kasamang niyang naglilinis

------

Kyle's P.O.V.

"Sorry na babe, kailangan ko kasing tapusin yun eh baka isumbong ako ng mga kasama ko na nag-escape ako ng paglilinis" paliwanag ko kay Karen

"Ok." Sabi lang niya with matching irap pa

"Babawi ako. Ano gusto mo?" Lambing ko

"Wala. Uwi na ako, naghihintay na sila mommy sa bahay. Sige bye nalang."

"Okay sige. Bye baby! Ingat ka pauwi ha, I love you!" Sabi ko nalang kahit medyo naiinis na ako.

Sinamahan ko muna siyang pumara ng taxi bago ako bumalik sa school. Maaga pa kasi, balak ko pa makipaglaro sa mga kaibigan ko para matanggal ko muna sa isip ko yung away namin ni Karen.

Hinanap ko sila sa school pero wala na yata yung tropa ko, umuwi na yata.

Uuwi na sana ako pero nakita ko si Jean, kasama ang dalawang kaibigan niya. Di ko pa alam mga pangalan nila, baguhan palang kasi ako dito at hindi pa ako masyadong nakikipag usap sa mga ibang tao sa ibang section. Halos apat na buwan palang ako dito at nagtataka ang ibang tao kung paano daw naging kami ni Karen agad agad, pero kuwento ko nalang next time.

Anyways, nilapitan ko sila Jean

"Jean! Nakita mo ba sila Clive?" Tanong ko kay Jean

"Papunta kami sakanila, nagtext kasi sila. Nasa resto sila malapit dito sa school, sama ka nalang saamin" yaya ni Jean.

Nahihiya pa ako sakanya kasi nga hindi pa kami masyadong close pero pumayag ako at sumama sakanila.

"Uy tol!" Bati saakin ni Clive nang makita ako at sila Jean. "Kain tayo, gutom kami"

Umupo kaming apat sa mga bakanteng upuan at tumabi ako kay Clive. Kumain kaming lahat at nagkuwentuhan kami, since bago palang ako dito ang rami kong nalaman tungkol sakanila.

6:30 na yata kaming natapos na magkuwentuhan at umuwi na rin kami. Malapit lang naman bahay ko kaya nakauwi rin ako agad. Dahil sa kuwentuhan namin kanina, nakalimutan ko na na nag-aaway pala kami ni Karen.

"Shit! Lagot na naman ako!" Sabi ko sa sarili ko habang tinatawagan si Karen. Di niya sinagot pero tinext ako, "busy" sabi niya lang.

Hinayaan ko muna siya sa kung ano man ang ginagawa niya. Nag-ayos ako ng gamit at nagpahinga nang konti.

Buzzzz..... buzzzzz........ buzzzzzz.....

"Hello?"

"Kyle! Si Vannesa ito, kapatid ni Karen. Galit na galit sa'yo"

"Sige sige. Tawagan ko nalang. Thank you Vannesa"

Binaba ko ang phone pero nagdadalawang isip pa ako pag tatawagan ko pa si Karen. Hindi ko alam ang sasabihin ko at baka ipagtaboy lang ulit ako. Pero wala naman akong choice, kailangan ko siyang tawagan mas lalo lan siyang magagalit

"Ano?!" Sagot niya

"Babe, sorry na sa kanina."

"Ok"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon