Magkabilang Mundo (LDR)

222 6 3
                                    

Based on my experienced. Haha. Sa mga Long Distance Relationships dyan. Be strong and faithful lng. Makakatulong to sa inyo. :))))

---

Kaya mo kayang pasukin.

Ang isang relasyong pinaglayo ng tadhana.

Isang relasyong milya milya ang layo.

Malawak na karagatan ang pagitan.

Yung nasa magkabilang panig kayo ng mundo.

At tanging internet at cellphone lamang ang ugnayan.

Wala namang duda.

Sobrang hirap ng ganitong klaseng relasyon.

Madaming important occassions na hindi kayo magkasama.

"BIRTHDAY mo"

"BIRTHDAY nya"

"MONTHSARY nyo"

"ANNIVERSARY nyo"

At kung anu-ano pang importanteng occassions.

Maraming ARAW, BUWAN, at TAON na hindi kayo magkasama.

May mga araw na hindi kayo nakapag-usap dahil magkaiba ang time zone nyo.

Kung papasok ka sa isang Long Distance Relationship,

Kailangan mong matuto kung paano,

MAKUNTENTO,

MAG-TIWALA at

UMUNAWA.

Makuntento ka sa kung anong meron kayo.

Kung hanggang dito pa lang yung relasyon nyo, yung malayo sa isa't isa.

Magtiis ka lang muna.

Kasi ganon din ang ginagawa nya.

Kung hindi nyo kayang makuntento sa kung anong meron kayo.

Pwedeng lumabo yung relasyon nyo.

Magtiwala kayo sa isa't isa na kaya nyo.

Wag nyong busugin ang relasyon nyo ng puro negative thoughts.

Wag puro hinala.

Tiwala lang sa isa't isa.

Kung hindi mo kayang magtiwala, LUMABAS ka.

Sarili mo lang pinapahirapan mo.

Kung mananatili ka pa.

Sa ganitong klaseng relasyon,

TIWALA ang SUSI.

Tiwala at Pangunawa.

Unawain mo kung minsan busy sya at nawawalan ng oras syo.

Kasi hindi lang sayo umiikot ang mundo nya.

Intindihin mo yung sitwasyon nyo.

Hindi rin naman madali ito para sa kanya.

Mas kailangan mo lang talagang lawakan ang pang-unawa mo.

Maraming rason para hindi ka pumasok sa ganitong relasyon.

Pero dahil sa ISANG REASON hindi mo mapipigilan ang sarili mo.

At yun ay dahil mahal nyo ang isa't isa.

"YOU JUST HAVE TO BE STRONG TO FIGHT 'TIL THE END WITH HIM/HER"

Kung hindi ka papatalo sa distansya nyo sa isa't isa.

Darating yung panahon na ....

Hindi na sa SKYPE lang kyo nagkikita.

Hindi na TELEPHONE ang gamit nyo kapag nag-uusap.

Kung lalaban kayo pareho.

At magtitiwala na kaya nyo.

Darating yung panahon na,

Gigisingin ka at sya agad ang una mong makikita.

Pero bago nyo marating yun.

Madaming pagsubok pa kayong pagdadaanan.

Madaming hahadlang na mga tao.

At sasabihin na "Kalokohan ang magmahal ng taong malayo sayo"

"JUST HOLD ON TIGHT"

"JUST TRUST YOUR PARTNER AND YOU'LL GET THERE" :))

"LONG DISTANCE RELATIONSHIP"

Kaya mo kayang pasukin at panindigan hanggang dulo ? :))

--

END. :)))

Hope you like it! :)

Thankyouuu for reading! :** Godbless. Hoho! xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magkabilang Mundo (LDR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon