Athena Zarene's POV
Gumising ako ng maaga para pumunta ng school. Pero nag dadalawang isip pa ako kase nahihilo na ako, pero kailangan ko pa ring pumunta kase First Quarter Examination namin.
Habang papunta ako sa school sumasakit na yung tiyan ko. Pero binalewala ko lamang ito, kase baka kinakabagan lang ako o may regla.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulit ng hindi ko na kinaya ang sakit ng tyan ko at hindi ko namalayan nawalan na pala ako ng malay.
Pagka gising ko. Nasa clinic na ako.
"Buti naman nagising kana." Saad ng nurse.
"Bakit? Anong pong nangyari?" Tanong ko.
"Nawalan ka ng malay, at dinala ka dito ng kaklase mo."
"Ganun po ba. Pwede na po ba akong pumunta sa room ko?"
"Hindi ka na ba nahihilo?"
"Hindi na po." Pag sisinungaling ko.
Sobrang ayaw ko talaga sa clinic naiinis talaga ako. Umalis na ako sa clinic nang medyo nahihilo. Pag balik ko sa room at natapos na silang mag exam.
Tinawag ako ni ma'am.
"Okay ka na ba Camille?" Pag- aalala ni ma'am
"Okay na po ako." Pag sisinungaling ko.
"Siguro. Mabuti pa'y umuwi ka na muna at bibigyan na lamang kita ng special exam."
"Salamat po ma'am "
Nag pasundo na ako at umuwi. Habang pauwi ako ay bumalik na naman ang pag sakit ng tyan ko.
Pagkadating ko sa bahay ay dumertso ako sa kwarto ko at nag pahinga.
--
Kina umagahan. Sobrang taas ng lagnat ko, Hindi ako makakita ng maayos, sobrang sakit pa rin tyan ko at namumutla ako. Nawalan ulit ako ng malay ng papunta ako ng kusina para kumain.Nagising na lamang ako ng nasa Hospital na ako. Lagi na lang ako nasa hospital kung hindi sa hospital sa clinic. Nakakainis >____<
Dumating ang doctor ko at may dalang masamang balita. Nandun sina Yaya Percy, para bantayan ako. Wala kase sila mama at papa, paging busy.
"Ikaw ba yung guardian ni Camille?" Tanong ng doctor.
"Opo." Sagot ni Yaya.
"Sorry to say pero may cancer sya sa atay dahilan para mahilo sya. Ang maipapayo ko lamang ay dapat siyang operahan sa lalong madaling panahon at kailangan nyo ring makahanap ng atay na naayon sa kanya dahil maaaring ma reject nito ang atay sa katawan ni Camille. At, eto pa ang masama. Mayroon na lamang sya 3 months para mabuhay, kung hindi kayo makaka hanap ng liver donor wala na tayong magagawa kundi tanggapin ito. Sa ngayon, kailangan nyang mag chemotherapy every week. Sisimulamn natin yun sa susunod na araw. Sige, maiwan ko muna kayo!"
"Salamat po. Doctor Reyes!"
"Kailangan natin makahanap ng donor mo, pero ang hirap makahanap nyan."
" Makakahanap din tayo! Ate." Tipid kong sagot.
Wala kase ang parent's ko, hindi pa nila alam ang sakit ko sa ngayon, lagi na lang kase silang busy at wala ng time para sakin. Pero naisip ko na okay lang! Kase para naman din yun sa future ko.
---
Kinabukasan.Na discharge na rin ako sa hospital at bukas ay pwede na akong pumunta sa school. Napapaisip ako sa sinabi ng doctor "You only have 3months, kung hindi kaagad maaagapan ang iyong cancer!" Pano kung hindi ako maka hanap ng donor? Hindi ako pwedeng mamatay. Pero kung yun ang naka tandhana sakin tatanggapin ko na lang.
~
A/N: Hi, reader's first time kong mag sulat ng sad story and this is my first story. Hope you like it!
Don't forget to vote ^__^You can also tweet me @keyshahstyles
Official hashstag: #90DaysLeft
BINABASA MO ANG
90 Days Left
Short StoryI only have 90 days. Sa 90 days na yun nakilala ko ang gusto kong makasama sa buong buhay ko, pero nawala rin sya. Nawala man ang physical na katawan nya, mananatili at mananatili sya sa puso ko. At, nangako ako na mabubuhay ako para sa kanya.