Sabi Ko (ONE-SHOT)

3.9K 140 48
                                    

Revised version

Sabi Ko | One-shot | NO Plagiarism | Fathomlessbeetch - Duuhhh

xxxx

"Fall, sabi ko.." 

"Oy Fall at Eros! Kanina pa kayo hinahanap ng groupmates niyo!" Agad naputol ang sasabihin mo ng biglang dumating si Maxine. Agad tayong nagmadali sa pagkuha ng mga gamit para sa pag oorganize natin ng GYM dahil malapit na ang JS Promenade nating mga Senior.

"Ah sige, susunod na kami ni Eros." Sabi ko at kinuha na ang bag ko. Agad ka namang pumunta sa table mo at kinuha mo din ang mga gamit mo. 

"Ano nga ulit 'yung sasabihin mo?" Tanong ko sayo pagka-labas natin ng room.

"Ah sabi ko... may date ka na ba sa Prom?" 

"'Yun lang? Wala pa nga eh. Pero, di ko naman iniisip 'yun. Hindi naman kailangan ng date sa Prom eh. Depende naman sayo kung gusto mo o hindi." Mabilis kong sagot habang nakatingin lang ako ng diretso sa daan. Prom? It's not my thing. I'm not interested, actually. No choice lang talaga ako dahil required kaming mga Senior na umattend. 

"Pero diba mas masaya kung may date ka?" Sabi mo pa. Napatingin naman ako sayo pero umiwas ka at tumingin na lang din sa daan.

"Siguro para sa iba, oo. Pero para sakin? No thanks, Eros." Sabi ko at sakto naman tayong nakarating sa GYM. Lahat ng Senior Students halos nag cra-cram na sa pag-aayos ng GYM dahil the day after tomorrow na 'yun.

"Saan ka naka-assign?" Tanong mo sakin..

"Tables and Chairs. Ikaw?" 

"'Di ko alam. Nakakatamad naman eh." Sagot mo naman using your most deadpan voice. I just roll my eyes at you dahil isa kang malaking sluggish na lalaki. I never thought na magiging kaibigan ko ang isang kagaya mo. Basketball MVP, Campus bully, at Campus heartthrob. Who would've have thought, right? Who would've have thought na ang isang Eros Madrid ay magiging kaibigan ng isang Fall Valdez. No one thought that, even I.

I can almost say na nagbago ka na. Though not that much pero atleast you've learn that bullying someone will not make you so cool. In fact, it will make you look so uncool. Pero 'yung pagiging campus heartthrob mo siguro ang imposibleng mawala at mabago. Halos lahat ng babae, titili pag nakikita ka. That's why i'm wondering.. Wondering how could you and I be friends like this? Maybe, I need to call myself a lucky one.

Sabi Ko (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon