Keziah's POV
"Hey guys, sino may tube watercolor na pwede mahiram bukas? Gagamitin ko lang para sa contest. Sige na please?"
~Posted 26 seconds ago by Matthew A. Macaraig
Hmmm.. Siya yung lalaking ilalaban sa District Science Quest sa Painting Category. And since Science Club President naman ako, pahiramin ko kaya? Kawawa naman eh, di ba? :)
Add a comment.
"Ako meron."
A few seconds later may nag pop-up na chat box.
"Sige, pahiram ako ha. Okay lang ba?" -Matthew
"Syempre naman. Kunin mo nalang bukas sa room namin. :)" -Ako
"Paint brush, meron ka na? Kasi if you like pwede ko rin ipahiram sayo. ^_^" -Ako
"Ay hindi na, okay lang. May paint brushes na ako, wala lang watercolor. XD" -Matthew
"Ah okay. Basta iingatan mo ha." -Ako
"Oo naman! Salamat ha! Ang bait mo pala. :)" -Matthew
"Syempre, haha. So, ano gusto mo iparating? Na mataray ako, ganun?" -Ako
"Hindi ah. Kasi ang seryoso niyo palagi. Parang laging busy at basta ang hirap i-explain mukhang seryoso talaga. Haha." -Matthew
"Konti lang. Sadyang ganun minsan. :) Kailangan maging seryoso para may matapos. Anyway, log out na muna ako ha. Antok na ako eh. Good night!" -Ako
"Sa bagay. :) Sige, sige. Good night! :)" -Matthew
Mabait naman talaga ako eh, hindi niya lang talaga ako masyado kilala kasi hindi ko naman siya classmate. Ayos lang din, halos lahat naman ng kakilala ko sinasabing ang 'kill joy' ko daw. Hindi daw ako marunong maki-join sa mga joke. Blah blah blah. Sanay na din. >.<
But don't get me wrong, hindi ako galit sa kanila. Hindi naman kasi nila kasalanan na hindi nila kilala ang bubbly side ng pagkatao ko. :) Haha.
Keziah Nicole nga pala.