That afternoon....
Nakaupo lang kami dito sa may dulo ng corridor. Nagpapalipas ng oras. Nagkwe-kwentuhan ng tropa at the same time nagme-meryenda habang nire-review nila ako para sa Quiz Bee ko.
"Tropa, sino nga yung crush mo?" -Love
"Ala, pag ako umamin, dapat lahat aamin!" -Ako
Nandito kasi sina Tina, Rachelle, Abegail at Love. Plus ako pa. Bunyagan na to dre! XD
"Ano, game?"
"Sige!" -Love
"Crush ko si Matthew. Game, kayo naman." -Ako
"Ha? Crush mo si Matthew? Ako din tropa!! Haha." -Rachelle
Nagulat naman ako. Paano nangyari yun?
"Bakit tropa?" -AKo
"Kasi ang bait niya sa chat. Tinatawagan ko nga yun minsan eh. Basta ayun." -Rachelle
"Ahh, oo nga eh. Anyway, basta wag tayo magaaway dahil dun ha? :)" -Ako
"Syempre naman! Haha." -Rachelle
At nagtuloy-tuloy ang aming asaran, kulitan at kwentuhan hanggang napagisip-isip naming umuwi na. :)
Umamin na ako sa kanila, pero may tiwala naman ako na hindi nila ipagkakalat ang kanilang nalalaman. ^_^ Kaya kampante ako. :D