Kabanata 1

40 1 0
                                    

Nakaw na halik.

Oh ? Umaga nanaman pala at hindi lang isa sa mga simpleng umaga ko dahil ngayon ay first day of school. Naman ayokong pumasok kainis kasi e. O siguro naman kilala niyo na ako? Nakakatamad kasing magpakilala kaya ayoko. Tss pero kailangan sabi ni Author. Ako nga pala si Whane Sae Matias kakaiba ang name ko talagang ganyan wala tayong magagawa yan binigay saakin. Isang matabang babae na medyo maganda , medyo mayaman at medyo masungit. Yun lang no more dramas.

May biglang kumatok sa pinto ko at bored na bored akong tiningnan ito. Eh hindi ako interasado kong sino kaya nakakabored tingnan. Tarayan ko nga haha. Feel ko maging maldita ngayon.

" Gising kana pala? " Yaya Kath

"Ay hindi tulog ako , naman ang tanga ng mga tao ngayon. Halata na nga na gising ako tatanong pa. " Iritang sabi ko

" Ikaw naman nagtatanong lang , tanga agad malay ko ba kung natutulog ka din pala ng dilat. Aba ke aga aga ang init ng ulo mo. " Yaya Kath

Tiningnan ko siya ng masama at aba inirapan ako ng loko. Tinatapatan ang kamalditan ko. Yan ang gusto ko sa Yaya ko hindi mabait pag ako ang kaharap.

" Ok fine. Yaya ayokong pumasok. " nakapout na sabi ko

" Pero baka magalit ang Daddy mo alam mo naman yun diba? Kung sana nasa States din siya katulad ng Mommy mo pwede kang hindi pumasok. " nagaalalang sabi ni Yaya

Bakit kasi wala si Mommy. Nakakapagtaka no bakit si Daddy lang ang kasama ko sa bahay at mga katulong namin kasi may inasikaso sa ibang bansa kaya wala siya period .

" Oo nga pala bat ba nakalimutan ko. Osige na nga magaayos na. Gising na ba si Daddy Yaya? " tanong ko

" Oo gising na at hinihintay ka para mag breakfast. " Sabi ni Yaya

" Okay. "

Pumunta na ako sa banyo para makaligo na baka magalit pa si Daddy saakin e. Pagkatapos kong maligo ay nagayos na ako. Simpleng ayos lang okay na. Bumaba na ako at naabutan ko si Daddy na nagkakape at nagbabasa ng dyaryo. Hindi ba nakakaboring iyong ginagawa niya. Pinagmasdan ko muna siya at nang mapansin niya ako ay dumiretso ako sakanya. O may nakalimutan pala ako pag nasa harap ako ni Dad kailangan kong maging mabait para payagan ako sa mga gusto ko .

" Goodmorning Dad. " sabay halik sa pisngi at upo sa tabi niya.

" Goodmorning din sweetheart. " nakangiting sabi ni Dad

" By the way sweety ihahatid na kita papasok at pasundo ka nalang sa driver mo pauwi. Diretso uwi. " seryosong sabi ni Dad

" Dad naman diretso uwi agad hindi pwede maggala kahit sandali lang. " - puppy eyes na sabi ko

Please tumalab ka. Naman kasi bat ang sungit ng Dad ko pagumaga.

" Hindi. Kung gagala ka babawasan ko baon mo ikaw din. " - nakasmirk na sabi ni Dad

Ay grabe si Dad nagjojoke lang ako.

" Ikaw naman Dad nagjojoke lang ako. Sabi ko nga diretso uwi na ako hehe. - fake na ngiting sabi ko

" Good girl sweety. " nakasmile na sabi ni Dad

" Kainis talaga kung andito lang si mommy papayagan ako nun at may balak pa naman sana ako. " pabulong na sabi ko

" Ano iyon sweety? " - nagtatanong na sabi ni Dad

Ay buti hindi niya narinig lagot ako panigurado haha. Tapos na akong kumain at tiningnan ko ang oras kailangan na naming umalis.

" Wala Dad. Sabi ko aalis na ba tayo malelate na kasi ako.? " sabi ko

" Yes . Let's Go. " sabay tayo at kuha ng bag niya sa may sala. Hindi ko man namalayan tapos na pala siyang kumain.

Intelligent PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon