FOUR

50 3 2
                                    

MARCO

"MANLIGAW!?"

"Pare naman eh, ang baboy mo!" Angil ko kay Blue.

Paano ba naman kasi, binugahan ba naman ako ng iniinom niyang frappe. Kainis lang dahil namatsahan na 'tong puting polo shirt na binili ko kanina sa Bench. Tsk.

"Sabihin mo nga ulit sa akin kung tama nga ba 'yung narinig ko." Gulat pa rin siya.

"Oo. Teka, tinatanong ko lang naman kung paano eh." Sagot ko sa kanya.

"Ibang iba ka na Marco, alam mo pare, ganito kasi 'yan eh." Seryosong sabi ni Blue at tumabi siya sa seat ko. "Mapapasagot mo ang nililigawan mo kung..." Tapos may binulong siya sa tenga ko na ikinagulat ko.

"Napaka mong mokong ka!" Sabi ni Ivan na kababalik lang sa table namin.
"Ba't ka naman nambabatok Ivan. Porke't mas guwapo ka sa amin sasaktan mo na ako." Daing ni Blue sa amin habang himas-himas niya ang ulo niya. "Pero okay lang, sanay naman akong masaktan eh." Dagdag pa ni Blue.

Nasa isang coffee shop kaming tatlo.

"Wow! Nagsalita si 'Blue da great manloloko'" sarkastikong tugon ni Ivan may slow claps pang nalalaman. "Hay naku! Markee 'wag mong sundin ang kalokahan niyang si Blue." Sa akin naman napunta ang tuon ni Ivan.

I nodded.

"Teka nga muna, ano bang pangalan niyang gusto mong liligawan. Nang mai-search ko sa facebook at makita ko kung bagay kayong dalawa." Excited na tanong ni Ivan. Tapos kinuha na niya ang iPhone 6's niya.

"Her name is V" tipid at bored kong sagot.

"V as in what?" Kunot noong tanong ni Ivan.

I sighed. "I don't know her name."

"Pfftt---"

"Sige Blue, subukan mo ring bugahan ako. Uuwi kang may black eyeS." At ipinakita ni Ivan ang kamao niya kay Blue.

"Ano 'yan pre, Love at first sight. Hindi alam ang pangalan. HAHAHAHA! Ang hina mo! Tsk tsk tsk." - Blue

"Porke't kung sinu-sinong puchu puchu na babae ang nakakasama mo sasabihan mo na si Markee na weak." Pagdepensa sa akin ni Ivan.

"Huwag na nga kayong magtalo." Inis kong sambit.

Natahimik sila. Hinihintay ang bawat bagay na nais nilang malaman.

"I don't know her. Masyado siyang mailap. I don't know this strange feelings when she's there beside me. I'd like to know her, she always run away from some guys that chasing her. I need to figure that out." I said in exasperated tone. "Alam kong hindi pa pagmamahal 'to. Maybe this is just some kind of infatuation."

"Next time na magkita kayo, hingin mo 'yung number pre. Ligawan mo through text, mailap di ba?" Suhestiyon ni Blue.

"Nasaan ang sincerity do'n Blue? Ano? Sasabay din si Markee sa gawain ng ilan na nagkakagustuhan lang by the use of technology nowadays, wala manlang social interaction." Kontra naman ni Ivan. "Mas prefer ko pa rin ang old fashioned na panliligaw sa babae. Nung nililigawan ko noon si Angelique hinaharana ko siya, binibigyan ng love letters, kinilala ko siya maging ang pamilya niya, bigay ng flowers. But shit happened sa pag-entrada ni Nico." Kwento nito.

"Boom! Bitter!" Sabay naming pang-aasar kay Ivan.

"Mga ulupong!" Singhal nito at binato kami ng tissue ni Blue. "Pero naisip ko lang ha, magmomove-on na ako."

That DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon