Nandito na kami sa contest venue, naghihintay na mag start ang opening program.
Nakaupo ako sa likod niya.
Nakikipag-kwentuhan sa aking mga katabi.
Hanggang na gutom na ako at napag-isip isip kong bumili ng pagkain.
Tumalikod si Matthew at humarap sa akin.
"Nagugutom ako, tara bumili!" -Siya
"Ako nga din eh. Tara." -Ako
At sabay kaming pumunta sa may canteen.
Napatinggin ako sa stall na nagbebenta ng mga bracelets.
Paglinggon ko, nakita ko SIYA naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko.
"Ano ga yan? Sari sari ka na eh." -Siya
"Bakit ga? Natinggin lang naman ah." -Ako
Sabay na rin kaming naglakad pabalik sa upuan namin sa covered court.
Nang malapit na kami, napansin kong yung iba pa naming schoolmates nakatinggin sa amin habang naka-ngiti.
"AYIIIEEEE!!!!" pangaasar nila habang papunta kami sa aming pwesto.
"Kuh ai! Ano ga yan?" -Ako
"Ayieee si ate Keziah, kinikilig. Hahahaha." -Czyrus
"Loko nito. Nagkasabay lang bumili ng pagkain eh. PBB teens? Hahaha." -Ako
Tawa lang sila. Naki tawa nalang din ako. Mahirap na baka mahalata na talagang kinilig ako. Haha.
Maya-maya pa nagsimula na ang contest proper at nagkahiwa-hiwalay din kami dahil iba't iba kami ng room.
Later on, lumabas na ang results. Third place si Matthew sa Painting. At Second place naman ako sa Quiz Bee. Medyo disappointed but I did my best. :)
Niyakap ako ni Lovely. Ang laki ng iginaan ng pakiramdam ko. Iba talaga ang epekto sa akin pag niyayakap ako. Promise! Ang sarap sa feeling. :D
Nang magkasama-sama na ulit kami sa covered court after ng contests....
Hinanap ko agad si crush, naguuwian na kasi. Baka umuwi na din siya. Hindi ko man lang siya na congratulate.
Pero hindi pa pala, nakita ko siya, parang problemado at lakad ng lakad. Lumapit ako sa kanya.
"Uy, musta? Ano problema?" -Ako
"Nawawala kasi wallet ko." -Siya
"Ha? Saan mo ba nilagay?" -Ako
"Dito sa may back pocket ko." -Siya
"Ay, sya. Baka nahulog lang. Try mo itanong doon sa announcer." -Ako
Hindi na siya nagsalita pa at tumakbo agad papunta doon sa stage.
Naglakad nalang ulit ako papunta kay Lovely.
Maya maya pa, lumapit silang dalawa ni Samuel sa aming dalawa ni Lovely.
"Uy Samuel, first ka daw ah!! CONGRATS!!!!" -Ako
Naka ngiti lang siya. Halatang masayang masaya.
"Oo nga Samuel! Ikaw na! Haha. Inspired kasi eh." -Lovely
"Kayo ga, anong place?" -Samuel
"Ah, first si Lovely." -Ako
"Eh ikaw?" -Matthew
"Kung si Samuel nandito kanina ang inspiration, si Keziah halos maghapon niya kasama at hanggang ngayon kasama niya parin kaya second lang tuloy. Hahaha." -Lovely
"Awooooo... Kilala ko yun. Hahahaha." -Matthew
Seriously, bakit ganun ang reaksyon niya? o.O Teka, kilala niya? Ibig sabihin.. nooooo!! Sana mali ang feeling ko.
Sabay-sabay kaming umuwi sakay sa parehas na jeepney na sinakyan namin papunta.
Umuwi na ako sa amin agad-agad after ako bigyan ni Samuel ng hotdog sandwich. Ang dami kasi niyang baon eh. Blowout niya daw. Haha. XD