ang aking pag-ibig

11 0 0
                                    

Tanging ikaw lamang ang aking pinapangarap

Mula sa paggising ikaw lang ang hinahanap

At pakiramdam ko ako’y nasa mga ulap

Hinaharana ka tuwing ako ay susulyap,

Ang matipid mong ngiti ay walang kasingsarap.

Ang lahat ng mga bituin na nasa langit,

Lahat ng bituin sa iyo ay naiinggit

Sapagkat ikaw lamang ang tanging kaakit-akit,

Magandang binibini, huwag ka lang masungit

Para mga puso natin ay agad maglapit.

Sa pangalan mo lamang ako ay kinikilig

Malulusaw ako kapag ikaw na’y tumitig,

Naririnig mo din ba ang pusong humihimig

Kahit na napakahina pa ng aking tinig,

Pakiusap lang, sana ang puso mo’y maantig.

Naririnig  mo din ba ang pusong tumutugtog

Tumatambol ang pusong hindi na makatulog

Sapagkat sa iyo lamang ako ay nahulog

Kapag malapit ka, puso ko ay kumakabog

Parang malulunod ako sa gitna ng ilog.

Alam mo bang lagi kang laman ng aking isip

Gabi-gabi na lang, ikaw din ang panaginip,

Sana ang hanging amihan sa iyo’y umihip

Ibulong ang pagsinta at sa iyo’y magsipsip,        

Tingnan ang puso mo, baka ako ang masilip.

O! Pag-ibig, unang beses na ika’y nadanas

Ngunit bakit naman siya’y laging umiiwas

Akala ko noon lahat ng pag-ibig patas,

Pareho man kaming sa labi pa ay may gatas

Binibini, pwede ka bang yayain sa labas?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ang aking pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon