Kabanata 8
Date
Pagkamulat ko ng aking mga mata pagkagising ko, si Zion agad ang unang naisip ko.
I have never been this excited for a date!
Nagmamadali akong kumain at tinagalan ko naman ang pagligo ko. Aniya'y susunduin daw niya ako dito sa bahay namin gaya ng napagusapan namin sa facebook kagabi.
Isang puting peplum dress ang napili ko at red na stilettos. Nagmakeup din ako at naglagay ng sobrang daming pabango. Hehez.
"ma'am, nandyan na po ang bisita niyo" ani Anna.
Abot tenga ang ngisi ko at nagmadali akong bumaba ng hagdanan. This is gonna be very fun!
Nanlaki ang mga mata ni Zion nang nakita akong bumaba. Naka gray and white na t-shirt siya sa loob at naka black na polo sa labas. Naka gray din siya na pants at superstar. At ang pinakahot sa lahat, naka man-bun siya! Oh my God! Bumabaha na ng rainbow dito at sobrang init na!
"bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya sabay pasada ng tingin sa akin from head to foot.
"bakit anong masama dito?" tanong ko habang tinignan din ang suot ko.
"we're not going to the museum or the mall, Kendall" aniya.
Huh? At saan naman kami pupunta nito?
"magpalit ka, yung mas comfortable" aniya.
"eh komportable naman ako dito eh" sagot ko sabay tingin sa kanya.
"basta, magpalit ka, buti nga pumayag ako na makipagdate sayo" aniya sabay bumalik sa pagkaupo.
Ang aga aga ang sungit sungit na! Pwe.
Padabog akong umakyat at pumili ng bagong susuotin.
Nag baseball jersey na lang ako at ripped jeans tska nag superstar din na kagaya ng kulay ng sa kanya. Couple shoes. Ehee.
Kinuha ko din ang adidas kong cap bago bumaba.
Tumayo na siya ng nakita akong bumaba na.
"much better" aniya sabay tingin ulit sa suot ko.
Nagpaalam na ako sa mga katulong na aalis na kami.
"can you drive?" tanong ko sa kanya at punta ng garage para kunin ang kotse ko.
"tss. Magcocommute lang tayo" aniya sabay hila sa kamay ko palabas.
Pumara siya ng taxi at pumasok na sa loob kaya pumasok na din ako.
Tahimik kami buong byahe at nang nakarating na kami sa pupuntahan namin napanganga ako.
Akala ko pupunta kaming mall o ano. Ganoon kasi ang mga ginagawa ng ibang mga nakadate ko. Pero iba itong ngayon. Pumunta kaming theme park.
Kaya pala pinapalit niya ako ng damit kanina huh. Ganito pala ang mga date na gusto niya. Adventure.
"tara na" aniya sabay hawak sa kamay ko.
Pinagsalikop ko ang mga daliri naming dalawa. Ang breezy ko shemenes.
Napatingin siya sa akin kaya ngumisi na lang ako.
Yung akala mo nananaginip ka lang, pero yun pala totoo. Yung parang kahapon lang, galit siya sayo, tapos ngayon, nagdadate na kayo.
"gusto ko nun!" turo ko sa isang unicorn na stuff toy sabay tigil sa paglalakad.
Napalingon din siya doon at ngumisi.
"manong isa nga po" sabi niya sabay bigay ng pera dun sa nagbabantay.
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...